Napangiti ako sa oras na ito. Akala ko dito na magtatapos sa amin lahat, muli Kong niyakap si Pogs ng mahigpit.. Sobrang higpit.
"Saglit boss! May dugo dito" Sabi ng isang lalaki na nagpakaba sa buong sistema ko. Mula sa pagyayakapan, nawala iyon dahil sa lalaking nagsalita.
Saglit akong sumilip at naka tingin na rin pala si Pogs.. Nakita kong ginagamitan nila ng Flashlight at sinusundan nila ang dugo... Dugo na galing sa akin. Agad Kong sinisi ang sarili ko. Tanga mo talaga Cheska, ang tanga mo talaga!!!
Habang sinusundan nila iyon ay unti unting sumasagi sa gawi namin ang liwanag ng flash light. Agad naman kaming naka rinig ng kasa ng baril..."Tsk, pagkakataon nga naman." Sabi ng boses na halatang papalit na sa pwesto namin. Dahan dahan siyang lumalakad habang may ngisi sa labi niya.
"Alam mo Mr. Vaughn, kating kati na akong patayin ka, matagal na. Hindi ko alam ganito kadali lang para patayin ka." Sabi ng lalakeng papalapit na sa amin.
Vaughn?
Kay Pogs may galit? Pero bakit? Ano ang nagawa ni Pogs sakanya noon?
Sino ang mga lalaking ito? Bakit ang laki ng galit nito sakanya?
Agad hinawakan Ni pogs ang mukha ko.. At hinalikan ako sa oras na ito. Nakatitig kami sa isa't isa, na may takot at kaba na makkita. Nagsimula na akong kabahan lalo na ng makita ko ang sinasabi ng mga mata niya. Na para bang humihingi ng tawad sa lungkot ng mata niya.
Umiling ako.. Umiling, nagsimula ng maglandas ang mga luha ko. Ayos lang sa akin maranasan to basta kasama ko ang lalaking mahal ko.
"H-Hwag pogs, parang awa mo na. Hwag," Impit na impit ang iyak ko. At sobrang hina ng boses ko hwag lang kami marinig..
Idinikit niya ang noo niya sa noo ko.. At hinalikang muli.
Kapwa namin narinig na mas lalong lumapit ang yabag ng lalaking iyon.
Unti unti naman nyang tinanggal ang hawak ko..Na mas lalong dumurog sa puso ko. Hina na nagkamayaw sa pagpatak ng tubig mula sa mga mata ko. Napahawak na ako sa dibdib ko na sobrang nassaktan.Bakit Pogs...
Mabilis syang tumawid sa kabila at tumalon sa tubig.
Dahil sa ingay ng tubig na nagawa Ni Pogs ng tumalon siya ay nagawi ang atensyon nila maging ng lalaking papalapit sa akin.."Nandon boss!!" Narinig Kong sabi agad nawala ang ilaw sa flash light at sunod sunod na yabag at putok ng baril ang narinig ko.
Humagulhol ako susunod na sana ako ng muntik na akong mahulog sa bangin dahil sa nanlalabong mata, panginginig ng katawan at sa sakit na nararamdaman.
Pilit Kong tumawid at sumilip.. Nanghihina na ako dahil sa dugong nawala sa akin..Hindi ko na kaya pero hindi ako pwedeng sumuko. Si Pogs.
Nang bigla pang umulan. Mas lalo akong nagdusa dahil mas lalong rumagasa ang tubig... Wala na akong maramdaman sa oras na ito dahil sa sobrang sakit.
Humawak ako sa puno para makatayo, lalong nagdugo ang sugat ko. Hinwakan ko iyon at matapang na naglakad ng walang ingay.
Kung mamamatay lang din si Pogs, gusto ko na lang din mamatay. Humawak ako sa mga puno para maging alalay ko para makapag lakad.Nabuhayan ako ng makita ko si Pogs. Pero saglit lang iyon, agad Kong nakita ang pagpalo sa ulo niya at narinig ko ang isang putok ng baril... Dahil may batong nakaharang, hindi ko alam kung saan siya binaril at bigla nalang syang bumagsak.. Bigla nalang nilang tinapon si Pogs sa ilog at Biglang umalis ang mga lalaking may ngiti sa kanilang mga labi.
Gusto Kong magsisigaw.. Gusto Kong magwala sa oras na ito. Dahil umuulan,. Madulas ang daan.. Hindi ko na ma bilang kung naka ilang dulas naba ako.
Hindi ko na kayang tumayo. Hindi ko na kaya pero pinilit ko parin dahil kay pogs. Gumagapang na ako sa oras na ito, manhid na ang binting nasugatan. Humanap ako ng puno para makatayo.
Iika ika ako lumalakad takbong umiiyak sa nanlalabong mata dahil sa luha at idagdag mo pa ang ulan...
Naka ilang dulas ako para lang mapuntahan ang pinagtapunan kay Pogs...
"Pogs! POGS!" Ilang sigaw ko. Sumigaw ulit ako ng ilang beses hanggang sa mawalan na ako ng isisigaw...Walang pogs na lumalapit...
bakit nangayayari lahat sa buhay ko to?
"Bakit kailangan Kong maranasan to!! " sigaw ko habang umiiyak. Katapat ang ilog kung saan nawala si Pogs dun din nag wala ang puso kong labis na nagdaramdam sa pag kawala niya..
Sinusuntok ko na ang dibdib ko, sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ako nasugutan edi sana umalis na ang mga lalaking iyon.. Sobrang sakit. Hindi ko na kaya.. Nagsisigaw ako at nag iiyak sa gilid ng ilog. Hindi alintana ang rumaragasang tubig at lakas ng ulan..."Iha?!!!" May boses na nagsalita pero hindi ko nilingon iyon. Hindi iyon si Pogs. Hindi nagsasalita si Pogs... Pag kukumbinsi ko sa sarili ko.
Agad lumapit ito sa akin. "Anong nangyari?!", tanong niya pa. Pero wala akong pakealam... Pa tuloy lang sa pag patak ang mga luha ko at nakatulala sa kawalan.
"Si Pogs, Si Pogs wala na." Hindi ko na kaya. Napaka pit na ako kay ka-berting. At bigla nalang nag dilim ang aking paningin...
--
W/N
Sobrang sabog ako hihe dahil sa rainy updates! This is the last update muna for now. Hoping na may naghihintay ulit.
Sana nagustuhan niyo lahat ng updates ko...
Salamat. :))))
Salamat sa votes! Meow you <3 ❤️
Teffiemeow~