Hindi na nagsalita pa ang lalaki, kumain lang kami ng tahimik. May tumawag sakanya dhilan para tumayo na siya at umalis na.
"Whew" Sabi NI josie. Habang nilalantakan na ang yum burger. Ou, nag order pa ulit kami ng pagkain sa Jollibee. Dahil gutom pa rin daw siya,
Pero di ako convinced Don, gusto nya lang talaga hindi pa umalis dahil sa may kasama kami sa table na pogi.
"Naka amoy din ako ng mabangong tao." Sabi pa niya.
Agad akong Napatawa.
Kung sa bagay, si Cokane bf niya isama mo pa si Rebulvol naming amo. Haaeop na apilido na yan, San ba napulot yan!Agad naming tinapos ang pagkain at naglibot saglit. Dahil 2k ang binigay Ni Rebulvol ay naka bili kami ng Bags na mumurahin, damit na tig 50pesos, binilhan ko rin si Pogs ng buy 1 take 1 na damit. At maging si Chesko rin. Binilhan ko rin si Tatay ng short.
"Tara na Josie, uwi na tayo" Pag aaya ko kay Josie. Dahil bbili pa ako ng spaghetti at shanghai para kila Chesko at Pogs. Itinabi ko ang 500 sa bulsa ng Bra ko. Hihi.
"Weyt lang Cheska, May bbilhin lang ko para kay Lhabs qoe" Sabi nya at kumendeng pa pag sabi ng Lhabs koe. Umirap lang ako.
Nasa underwear section kami.
Nagtanong siya sa Sales lady."Magkano sa Brief niyo, Miss. Yung isang dosena" Pagtatanong Ni Josie.
Nanlaki ang mga mata ko. Isnag dosena grabe naman yon!!
"225pesos Po," Sabi ng sales lady. At pumili na si Josie. Pinili niya yung may design ng Justice league at may neon color. WEW
At binayaran na niya ito."Para kita sa gabi.." sabi niya sabay kindat pa.
Hinanap na namin ang sakayan. Medyo tago ito at maraming likuan, may 2 tambay din sa dadaanan namin.
Sa inaasal Ni Josie ay mukhang nakalimutan na niya ang sakayan .."Ano na Josie?" Bored at pagod Kong tanong. Gusto ko ng makasakay.
"alam ko dito yon e." Pawisang sabi NI josie. Nagpalingon lingon siya. Nagbabakasaling makita ang sakayan.
Napansin naman ng dalawang lalaki na parang naliligaw kami. Lumapit ito samin.
"San ba kayo nyan mga miss?" sabi ng lalaki sabay tapon ng sigarilyo niya.
Hinatak ko na SI josie. Pero pinigilan kami ng isang lalaki.
"sandali lang, nagtatanong lang nmn kami kung saan kayo e." Sabi ng isang lalaki na may bonet. Tumingin tingin ito sa paligid, walang tao.
Naka halata na kami Ni Josie kaya nagsimula na kaming lumakad hanggang sa tumakbo hanggang hatakin ako ng isang lalaki at tinutukan ng patalim.
" Akin na lahat ng pera mo." Pabulong nyang sabi dahil may ddaan na dalawang tao.
Naramdaman Kong ang tulis ng maliit na kutsilyo na hawak niya... Hindi ako maka Galaw, maging si Josie ay hndi rin dahil may nakatutok din sknya. Hindi halata dhil naka akbay samin ang lalaki...
Binigay ko ang 500 na natira sa bulsa ng maong ko sa nanginginig na kamay. At ganun din SI josie.
"Please, wag nyo po kaming sasaksakin Ayan na po. Hindi po kami magsusumbong" Pabulong Kong pagmamakaawa. Kinakabahan na ako, dahil nakatutok parin ang kutsilyo sa bewang ko. Naiiyak na rin si Josie.
"Gasgas na salitang yan Mi---" Hindi na niya naipagpatuloy dahil bumalagta siya sa lupa. Ganun din yung lalaking may hawak KAY josie.
Ang senaryong ito... Pamilyar,
At bakit every time na may nangyayaring ganito kasama ko si Josie?!
Agad akong lumingon, sa kumakabang dibdib nagssabing nagbabakasakaling siya yon pero alam Kong Malabo iyon. Ibang lalaki ang sumagip sa amin..
Yung lalaking naka cap.
Agad tumakbo ang dalawang lalaki. At lumapit samin ang lalaking si cap boy
"Are you guys okay? Wag kayong gala ng gala dito, delikado lalo na tong divisoria." Sabi niya.
"Maraming salamat Pogi" Sabi Ni Josie na kinikilig pa. Ngumiti naman ang lalaking SI cap boy.
"Salamat" Bigkas ko.
Hanggang sa nagpapalatak na si Josie.
"Last na pera ko na yong binigay ko kay Haldaper kuya hays!" Naiinis na sabi nya sabay tingin sa akin. Pautang-muna-ako-please look.
Tinaasan ko siya ng kilay. Nang maalala ko nga pala na may isinuksok ng 500.
Napabuntong ako ng hininga at nag aya ng umuwi. Nagpasalamat naman ulit kami kay Cap boy.
" Salamat ulit, Cap boy." Sabi ko sabay lakad na. Ngumiti lang ang lalaki at nagpaalam niya.Andito na kami sa may Chinese Temple at nakita ko banda sa unahan pa na may bus na kaka alis lang. Doon pala ang sakayan na sinasabi Ni Josie.
Nakasakay na kami sa wakas. Sana naman dito wala ng haldaper. Teka, bakit haldaper nga pala sinabi netong luka na to?
Nilingon ko si Josie. Mabuti't maayos ayos na siya, bakit parang sana'y na siya sa ganitong klaseng pangyayari??
Nilingon nya ako dahil naka tingin ako sakanya. Tinaasan nya ako ng kilay nyang dnrawingan lang.."Baket? Sasabihan mo akong Ang blooming mo ngayon Josie, ha?" Sabi nya pa. Wala akong naging reaksyon sa sinabi niya kaya mas lalo syang sumaya.
"Hahaha sabi ko na e." I iling iling niyang sabi. "Well, ganun talaga kapag mahal ka ng lalaki." dagdag niya pa..
Doon na napataas ang kilay ko. Kahit ako niloko ako NI Jeff, blooming pa rin ako. Kaloka. Ano kinalaman Ni Cocaine dyan? Eh mas nag mukha pa nga si yang adik kesa sa jowa nya eh.
Napangisi ako sa naisip ko.
"May itatanong ako, Josie. Honest Answer lang" Sabi ko ng seryoso.
Curious na talaga ako. Kaya itatanong ko na saknya.
"Ano yon?" Sabi Ni Josie.
"May balat kaba sa pwet?" Nakakunot nuong tanong ko sakanya. Agad naman syang napangiti sa tanong ko.
"Meron, Cheska. Pano mo yon nalaman ha"
Teffiemeow