"Cheskaaaa! Cheskaaaa!" Sigaw ng isang babae. Dahil dun napabangon ako ng Di oras.
Bigla nalang bumukas ang pinto pinto ko sa kwartuhan ko. Bumugad ang isang matabang slash bestwang ko.
"Ano nanaman Ruby? Kaka grocery ko lang ha!" Sabi ko. Ano nnman kaya pinunta neto rito, nakuuu!
"Grabe ka naman bestwang sa kin, anung akala mo saken? Matakaw !!" sabi nya habang may pairap pa. Wow, hindi naman. Hindi nman halata sa katawan mong yan.
Pinasa dahan ko siya ng tingin. Agad naman niya yon nakita.
"OO alam kong mataba ako, don't emphysemic it." sabi nya at napa tsk pa siya. Emphysemic? Ako kahit hndi ako matalino, tang ina emphasize yon, ang layo!
"Emphasize yon shunga ka". "Alis na at magbibihis na ako, may pasok pa ako. Alam mo naman..." Sabi ko pa.
Agad naman umangal SI Ruby, lumapit sya sakin at hinwakan niya ang braso ko. Nramdaman kong basang basa ang kamay niya.
"Bestwang, I need your ears." Malungkot niyang sabi.
Napahawak ako sa sentido ko. Hindi ko alam kung bakit ko naging kaibigan ang isang to.
"May tenga ka Ruby! May tenga ka!" Sabi ko pa.
"Shunga ka pala e, ibig sabihin non, kailangan ko ng makikinig sa akin." Nakakunot naman ang kilay niya.
Wheew.
"May pasok ako Ruby, Nextym nalang.." Sabi ko. Pupunta na sana ako sa damit an ko ng tumunog ang cp Kong naghihingalo na..
🎵Meow meow.
Meow meow meow..
Meow meow...
Meow meow meow.Meow meow meow meow meow meow... Meow meow meow meow meow meow.
Meow meow meow meow meow meow... Meow meow meow meow meow meow.
Meow meow meow
Meow meow...🎶
Hwag kang ano! Call Ringtone ko 'yan.
"Hay nako! Pati ba naman sa Ringtone pusa pa rin. Puro meow meow, wala ko naintindihan" Sabi pa Ni Ruby sabay irap.
Hindi ko na pinansin si Ruby. Kita ko ang gulat niya ng may makita siyang pusa sa kwartuhan ko. Nakita ko naman ang pusa na inampon Ni Chesko. Agad ko itong kinarga at nilagay sa hita ko habang hinihimas himas. Matagal ng panahon nung huli akong naka hawak ng pusa. Namissss ko talagaaaaa! Namiss Kong may ma katabi at pag gising ko sa umaga na may pusa akong katabi...Hinawakan ko siya sa bandang baba at nagustuhan naman nya iyon. Napapakalmot pa sya sa suot Kong short dahil narrelax siya..
At Sinagot ko na ang tawag..
"Cheska."
Kahit sa cp lang bakit parang naamoy ko siya? Hays.
"Yes Po,?" Sabi ko.
"Weleng pasok ngayon, you and Josie can rest this Monday" Sabi ng amo ko.
"Sino yan?" Pagtatanong Ni Ruby.
Nilayo ko ang cp ko.
"Si Rebulvol" Sagot ko at naka rinig ako sa kabilang linya.Babes, ano ba yan... Matagal paba yan.
At naputol na ang tawag. Nakita ko namang nagtataka si Ruby. At tinignan ko siya ng Bakit-ka-nakatingin-ng Ganyan look.
"Hindi ka talaga matino kausap, Cheska. May Rebulvol bang pangalan?!" Singhal niya sa akin.
"OO wala pero apilido meron! Shunga ka!" Singhal ko rin saknya.
Dahil sa sigawan namin Ni Ruby Natakot ang pusa at umalis na siya sa hita ko.. Nakita ko naman na tumitig muna ito kay Ruby at sabay irap tiaka umalis. Maattitude hahahaha.
Napahalakhak naman ako sa nakita ko. Dahil si Ruby hindi rin makapaniwala.
Hinabol nya ng tingin ang pusa namin.
"Attityud ka girl?? ?!" Sabi nya habang nanlalaki pa ang butas ng ilong nya. Huminto lang ito at Hindi na siya nilingon ng pusa...
"Manang mana ka sa pinag manahan mo!" Sigaw niya pa.
Gigil na gigil? Hahahaha
Naka lingon na siya sa akin ngayon..
"Dali na kasi Cheska, Maligo tayo sa Ilog... Seryoso ako." Na lungkot ang mukha Ni Ruby. Mukhang may pinag dadaanan ang kaibigan kong ito. O dinedemonyo nnman siya ng mga paa niya??
Dahil wala namang pasok at summer na rin naman, ay pumayag na ako.
"Sige, pero sagot mo pag kain ah.." Sabi ko. Hindi siya umangal at napa yes naman siya. Agad naman niya akong niyakap sa tuwa. Sabagay, namiss ko rin naman maka bond itong bestwang ko.. Tiaka sobrang busy sa buhay kaya wala ng time sa ganito.. Siya rin busy sa kung ano man pinagkaka abalahan niya sa buhay.. Ni hindi ko nga alam kung may jowa sa sobrang busy e. Hmmm, magkkwento naman yan kung meron man.
"Doon na tayo mag umagahan, nagluto na ako ng maraming pagkain isa na Ron ang hotdog," Sabi Ni Ruby. Mukhang pinag handa an niya talaga to ah. Okay yan.
Nang biglang bumukas ang pinto ng kwartuhan ko.
"Ate may Hotdog?" Tanong Ni Chesko.
Napatawa naman si Ruby at siya na ang sumagot.
"OO, at may shanghai at spaghetti pa. Maliligo tayo sa ilog kaya mag ready na kayo, dali na." Masayang sabi Ni Ruby at mas lalong naman nasiyahan si Chesko. Huli na ng mapagtanto ko ang kasama niya sa pintuan.
Natulala si Ruby. At Nakatingin si Pogs sa kanya...
Kuha ko na, naka tingin siya kay Ruby dahil sinabi nito ang Spaghetti at Shanghai..
1,....2.....3...
"Holy Cow, Sino ang pogiiiiii na yaaaan ZIA CHESKA DIMAGIBAAAAA!" Bulalas Ni Ruby.
--
Ringtone Ni Cheska: MUSIC (Ddu-Du Ddu-Du by. Blackpink)
Lyrics and Playing by: Bongo Cat.
Kaya meow meow kasi pusa ang kumakanta. Hahaha try to search 😂Teffiemeow~