Patuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa nag ring ang cellphone ko.. Laging may powebank na dinadala ang nagbbigay sa amin kaya laki ang pasasalamat ko sakanya. Pinunasan ko muna ang luha ko at sumingot singot muna bago sagutin ang tawag.
🎵Meow meow..
Meow meow meow..Meow meow meow meow..🎵
"Ate!" Sabi Ni Chesko sa kabilang linya. "Kamusta kana dyan? Namimiss na kita." Sabi Ni Chesko at may narinig pa akong meow. Si Sese. Natawa naman ako sa narinig ko.
"Okay lang kami dito ikaw ba dyan? Hwag ka pasaway kay ate Ruby mo ha." Sabi ko pa. Pinilit Kong ayusin ang boses mo.
"Ate may sipon ka?" Nag aalalang tanong Ni Chesko. Hndi ko naitago ang pag singot dahil sa iyak ko kanina lang.
"Ou eh, natuyuan kasi ako naambunan kasi ako." Pagpapalusot ko.
"Inga--- *tutut*" Magsasalita pa sana si Chesko ng malobat ang cellphone ko. Wew. Hindi ko pala na charge. Babawi nalang ako sa susunod.
Agad na nangilid nnamn ang mga luha ko. Pero pinilig ko ang ulo ko. Wala akong karapatan. Wala dapat akong galit O Inis na maramdaman. Wala dapat wala...
Nag linis ako ng kubo kubo namin. Kahit ilang beses ko ng nawalis ang sahig. Winawalisan ko parin, hwag lang akong mabakante. Niligpit ko ulit ang pinaghigaan namin tapos ilalagay dito. At ilalagay nanaman doon .. Naka rinig ako ng pagsibak ng kahoy. Nung Simula ng unang araw, tinuruan Ni ka-berting si Pogs na mag sibak ng kahoy.. Tinanong ko pa nga kung umimik ito pero hindi raw kaya nagkibit na ako ng balikat.
Mag gagabi na kaya magluluto na ako, nagluto ako ng ulam namin at pagkatapos ay humiga na ako. Wala akong ganang kumain kaya nahiga na ako at pumikit na. Naramdaman ko naman na may pumasok at naupo sa likuran ko...
Hanggang sa dalawin na ako ng antok ng may bigat sa dibdib ko.
Kinabukasan, wala nnamang pogs akong naabutan. Mas lalong kumirot ang puso ko.. Ang aga pero masama ang gising ko. Agad akong naghilamos at magsasaing sana ng maramdaman kong may laman ito. Gulat akong binuksan.. Hindi mainit.
Ibig sabihin kagabi pa tong sinaing na to?
Inamoy ko ang kanin... Hindi pa panis, hays salamat. Agad ko iyong ginisa. Maging ang ulam ay hindi nabawasan. Agad ko itong ininit... Bakit hindi kumain si Pogs kagabi? Nag iisip ako ng biglang kulo na ng ulam at agad ko itong hinawakan. At dahil sa taranta, napaso ako.
"Aray!" Daing ko. Shinake shake ko pa ang kamay ko dahil sa init. Agad Kong pinatay ang gas at naka hinga ako ng maluwag. Humakbang ako sa patalikod ng mabangga ko ang nasa likuran ko.
"S-Sorry!" Agad Kong sabi. Dumaan ako sa gilid niya pero agad niyang hinawakan ang kamay Kong may paso. Tinitigan niya ito, agad ko namang inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"A-ah, kain kana Pogs, Susunod na akong kakain." sabi ko sabay upo sa labas ng kubo. Hhintayin ko muna siya matapos kumain bago ako kumain...
Haays!
Pansin ko namang hindi kumikilos si Pogs kaya napakunot na ang nuo ko kaya pumasok ulit ako sa loob at sinandukan ko siya ng mabilis..
Inaabot ko sakanya ang plato pero hindi niya iyon tinatanggap.. Nakatitig lang siya sa akin.."Kakain ako wag ka mag alala , pagtapos mo tiaka ako kakain." Pag kukumbinsi ko sakanya. Pero nakatitig parin siya sa akin. Hays.
"Kumain kana Pogs." Pag uulit ko. Pero hindi niya kinuha ang plato. Napapikit ako sa oras na ito... Bakit ba ayaw niya kumain??
Napabuntong ako ng hininga at dinagdagan pa ng ka in ang plato tiaka umupo sa sahig.
"Tara na" Aya ko sakanya. At doon lang sya umupo at sumalo na sa akin..
Wala akong imik na kumakain. Muntik na akong mabilaukan dahil titig na titig si Pogs sa akin.Ano ba naman kasi problema netong lalake na to? Hays..
Tinapos ko na ang pagkain. Gulat naman akong hindi na siya sumubo pa, it means tapos na rin siya. Agad Kong hinugasan ang plato at pag balik ko nandyan nnamn pala ang babaeng kasama niya sa talahib. Tsk.
Hindi na ako nagpatuloy pang bumalik dahil hindi ko kaya... Hinayaan ko siya kung yung babae ang gusto niya. Napaluha nnaman ako..
Nag lakad ako ng naglakad hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa dulo patawid sa kabilang ilog na. May mga bato dito, siarag cottage. Sirang kubo at walang mga tao.. Mabuti nalang wala.
Umiyak ako ng umiyak. Baliw na siguro ako.. Umiiyak ako sa walang dahilan. Wala nga bang dahilan? Okay lang naman to, sanay naman akong makakita ng ganong scene e. Bigla Kong naisip si Jeff.
"Tang ina niya". Usal ko. Npansin ko namang Dala dala ko pa tong plato na to na pinag saluhan pa namin kani kanina lang Agad ko iyon tinapon sa kung saan.. Tumingala ako sa langit, na nagbabadyang iiyak din. Lalo tuloy akong naiyak dahil may makikiramay sa sakin...
"Bakit kasi nangangarap kapa Cheska e?!" Kausap ko sa sarili ko.
"Sino ba naman ang magmamahal sayo, kahit nga si Pogs na wala sa katinuan hindi ka kayang mahalin yung matino pa kaya?", mapait akong Napatawa.
Mas lalo lamang akong napahagulhol dahil alam Kong Malabo ng maging kami Ni Pogs. Darating ang araw na babalik siya sa dati, babalik siya sa dati nyang buhay at makakalimutan niya ako... Yan ang totoo.
--