Chapter 35

9 0 0
                                    



























Nang makarating na kami sa Restaurant ay pinark na niya ang kotse niya. Tinanggal na niya ang seat belt nya at nagsimula ng bumaba ng kotse.

"Hey! Come on, Cheska." Pag aaya niya sa akin. Ako naman ay nanggigigil na kung bakit ayaw matanggal ng seatbealt. Tang ina.

Aksidente kong nahawakan ang bandang gilid dahil balak ko na sa ang hatakin para maka alis na ako sa lintik na upuan na to ng biglang natanggal na ito sa akin. Muntik pang masubsob ang mukha ko sa compartment. Weeeew!

Pababa na sana ako ng mapagtanto ko na hindi ko alam kung bakit ayaw mabuksan. Maryosep na buhay to oh! Hinatak pa balik ko na ang hawakan ng pinto ng mahalata naman Ni Serenity na ang tagal Kong lumabas. Agad syang may pinindot at binuksan ang driver's seat.

"Why took so long?" Pagtatanong nya sa akin. Nakita niya ang pwesto ko at napagtanto niya na hindi ko mabuksan. Napapahiya naman akong umiwas ng tingin sa kanya..

"Oh sorry, hindi ko pala naitanggal ang lock." May pinindot siya, may tumunog na kung ano na hudyat na pagtatanggal ng lock ng pinto ng kotse nyang abnormal. Binuksan ko iyon ng puno ng yabang.

Sabi ko na e naka lock kaya hindi ko mabuksan.





Nandito kami ngayon nakaupo sa isang itallian restaurant daw.. Take note, Italian Restaurant. Weew. Pinagpapawisan na ako sa oras na ito, kahit malamig hindi ko dama ang aircon.

Napatingin ako kay Serenity, chillax na chillax lang siya samantalang ako, mapupuno na ata ang isang timba sa sobrang pag papawis ko... Hindi ko alam ang oorderin kooooo!
May sinabi syang dish daw ang huli pero Di ko naiintindhan, ng lumingon sya sa kin. Sinabi Kong yun nalang din. Taena.


Kinamusta niya ako yun lang nagkwento siya tungkol sa lalaking Iniwan siya. Nalungkot ako bigla. Khit pala magaganda iniiwan din
Kaya pala siya nag ayang lumabas dahil malungkot siya, kita ng kita ko sa mga mata niya ang labis na lungkot niya.

"I love him very much Cheska, to the point na kaya Kong mawala lahat wag lang siya.." Sabi niya pa.

Hinawakan niya ang kamay ko..  Just to comfort her feeling..

"Hinding Hindi ko siya susukuan Cheska... Hinding hindi.., Nasa akin na siya Cheska, ngayon ko pa ba sya susukuan?" Mapait syang napangiti. Hinwakan ko din ang kamay niya.

"Sana maibalik din nya sayo ang pagmamahal na gaya ng pagmamahal mo sakanya, Serenity.." Sabi ko.

Nagpaalam na kami sa isat isa Ni Serenity. Sana gumaan na ang pakiramdam niya. Sana naman kung Sino ang lalaking yon, makonsensya siya! Alam niyang may babaeng nandyan para sakanya, pero Hndi man lang nagpparamdam. Siguro may iba na yon. Tsk tsk.

Nagpababa ako sa poblacion. At nagllakad na. Sakto ng 8pm na nang gabi. Nagllakad na ako papunta sa Bahay Ni Ruby... Hindi ako manhid, hindi ako tanga.. Siguro minsan.
















"Sure kaba talaga Cheska? Ayaw mo naba dito?" Pagtatanong Ni Ruby. Napabuntong ako ng hininga... Ayoko ng mapahamak si Ruby, ng dahil lang sa amin. Iiwan ko si Chesko dahil ayoko na syang madamay pa dito katulad nung nakaraan. Na lungkot si Chesko pero naintindihan niya ako... Lumipat nang ibang bahay si Ruby kasama si Chesko dahil may iba pa silang bahay dito sa poblacion, yung mas safe.

"Hindi ah... Ikaw na muna bahala kay Chesko." Sabi ko sabay alis na.

Pumunta kami Ni Pogs sa kung saan man kami ma punta... Agad kaming napahinto sa tambayan naming dalawa. Sa kubo. Dahil Gabi na at liblib ang lugar na ito, madilim na ang paligid.

"Mga iho at iha, nagtanan ba kayong dalawa??" Sabi ng may edad ng lalaki. Agad akong napalingon sa gulat. Ha? Tanan?

Hindi ako nakasagot . Dahil sa itsura nga namin Ni Pogs, mukha nga kaming nagtanan. Medyo kinilig naman ako Don, aw. Wag umasa Cheska.

" Hays, oh Gasera at konting kahoy sana makatulong sa inyong pag uumpisa. Ako pala si Berting. At sa tingin ko ay kaedad mo lang ang anak ko iha.."

"Hwag kayong mahiyang lumapit sa akin pag may kailangan kayo ah? Sige alis na ako. Dyan lang ako sa kabilang kubo" Sabi ng matandang lalaki. Nagpasalamat muna ako saknya bago siya umalis..kahit pa paano pala may mabubuti pang tao. Bumalik pa si ka-berting ng may dalang mga kasirola, kawali, at mga kailangan pa sa bahay. Agad naman akong nabigla... Magsasalita pa sana ako ng pinutol niya ito.

"Tulong ko sa inyo yan, at sana hwag niyo ng tanggihan." Sabi nya at umalis na.

Napatulala naman ako. At napa wow. Dahil hindi ko na kailangan pang bumili ng mga ito. Agad akong nag siga at magluto. Dahil iisang plato lang ang gamit namin Ni Pogs ay nagsalo kami dito.

Hindi ako makasubo dahil titig na titig ai pogs at dahil gutom na ako ay hindi ko na kaya pa.

"Kain kana oh kakain na ako" Sabi ko pa sabay pinakita na sumubo ako ng kanin. Kasi ba naman titig na titig siya. Siguro nagtataka siya kung bakit kami salo. Hmp, baka iniisip neto na dinedeskartehan ko sya ah. Medyo lang

Nang matapos kami kumain. Hinugasan ko ang pinagkainan namin sa ilog... Nang matapos na ay, natulog na kami sa bago naming bahay.















--

Fascinated by Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon