Chapter 27

9 0 0
                                    



























"Cheska, anak.. Gising na.." minulat ko ang mga mata ko. Si nanay na naka ngiti ang nakita ko..

"Kumain kana. Pumasok kana sa school. Baka malate ka sige ka." Paalala niya sa akin. Agad akong tumayo at gumayak... Nakita ko naman si Che-Che, ang alaga Kong pusa na nauna na palang nag umagahan.

"Hala ang daya mo Che-che ha! Ikaw nauna kumain Hmp daya!" Sabi ko pa tiaka kumain na ng agahan.

"Ang tagal mo raw kasi bumangon nauna na siya." Natatawang sabi pa Ni Nanay.

Mabilis akong gumayak at humalik sa pisngi Ni nanay. Nakita ko namang biglang sumulpot sa kung saan si Tatay. Nag aayos pala siya ng motor,

"Jaime, tama na yan. Kumain kana." Narinig ko pang sabi Ni Nanay.

"Saglit na lang to, mahal ko. Ilang minuto na lang." Sabi Ni tatay sabay yakap kay nanay Lalo na sa tyan ng medyo malaki na. Pagkatapos Kong mag suot ng sapatos ay bumalik ako kay tatay.

"Babye na po nay at tay!" Sabi ko sabay flying kiss.

Napatawa sila ng mahina At nagbabye naman sila akin...

























Naka rinig ako ng galabog. Gulat akong napabangon. Nang makauwi kami kanina ay natulog na kami agad. Naging awkward naman sa pagitan namin Ni Pogs, ay ako lang pala, AT si Ruby naman ay lasing na umuwi. Lalo na si Chesko napagod kakalaro at kaka ligo.

"Putang ina!!!!!!" rinig Kong sabi Ni Tatay.


Nang maalala ko ang panaginip ko.. Natulala ako ngayon, sa narinig ko kay tatay mapait akong napangiti. Ang bilis namang ng panahon, kasing bilis ng pagbaba go niya.. Hindi ko alam kung ano nangyari noon, kung bakit naging ganito na lahat..

"Jaime, huminahon ka lang" Narinig Kong sabi ng isang babae, Si Mariyana. Umuwi na pala si tatay.

"Paano ako hihinahon ha? Pag hindi ko naibenta lahat ng yan, paparusahan ako Ni boss. Tiaka lintek na lalaking yon, San ba yon mahahanap?" Sabi nya pa.


Matiim akong nakkinig sa pinag uusapan nila. Ano kaya yung bine benta Ni tatay? Nag oonline shopping din siya?

"Relax, may kakilala ako na gumagamit nyan sa kabilang kanto. Makaka rami ka ng benta Don." Sabi Ni Mariyana.

"Sguraduhin mo lang dahil ipapasingot ko sayo lahat ng droga na yan pag di totoo yang mga snasabi mo" Pagbabanta pa Ni tatay.

Nagulat ako sa narinig ko.... Bukod sa bisyo, droga..
Ano pa kaya tatay? Ano pa kaya ang kaya mong gawin.. Mapait ako napangiti, at tumulo na ang aking luha..

"Sure no 100%" Pagmamalaki pa Ni Mariyana.

"Dito ba tayo matutulog? Wala nmang masarap na pagkain dito Jaime, tignan mo." Maarteng sabi Ni Mariyana.







Naikuyom ko ang kamao ko sa kabila ng naluluha Kong mga mata. Naiinis ako, nagagalit. Kung ayaw mo dito kumain, mas okay. Mas maganda. Nakukunot na ang nuo ko dahil naririndi na ako sa babaeng nagsasalita.

Naka rinig ako ng yapak... Kinakabahan ako, nagwawala ang puso ko sa kaba. Agad akong bumalik sa pag kaka higa, pinunasan ko ang luha ko, tumagilid at nag kumot. Narinig Kong nag bukas ang pinto pinto ng kwartuhan ko..

Dinig ko ang yabag ng paa maging ng heels.
Narararamdaman ko ngayon ang mga matang nakatitig sa akin.



"Umalis ka muna." Seryosong sabi Ni tatay. Medyo nagulat pa ako sa pag salita niya pero hindi ko iyon pinahalata.


"Pero Jai---" Hndi na natuloy ni Mariyana ang ssabihin niya ng mag salita si Tatay.

"Aalis ka o itutulak pa kita umalis ka lang?" Halatang iritado si tatay. At naka rinig naman ako ng tsk. At ng heels na humakbang palayo.

Hindi ako dumidilat. Nakikiramdam lang ako sa mga oras na ito..

Naramdam Kong umupo si Tatay sa gilid ng hinihigaan ko..
At nararamdaman ko ang pag titig niya. Hndi ko alam ang gngawa niya pero alam Kong nakatitig lang siya sa akin..

Hinawakan niya ang kamay ko. Lalong nagwala ang puso ko sa kaba.. Please, makisama ka ngayon.. Sabi ko sa utak ko. Ilang taon ang lumipas bago ko ulit naramdaman ang kamay na yon.

Agad nya rin iyong binitawan at naramdaman kong tumayo na siya. Ilang sa dali pa'y narinig ko ang pag sarado ng pinto.













Dumilat na ako at pinagpatuloy ang pag iyak ko.. Hindi naman masama mangarap Diba? Hndi masamang managinip ka ng gising dahil gusto mong ma ibalik ang saya. Na may magmamahal sayo.. Na may karamay ka sa lahat ng oras.
Hindi lang sa panaginip mo na may kayakap ka,



Na may may gigising ulit sayo ng maaga para sabihan ka ng 'anak kain na'


Na may humahalik sa yo dahil mahal ka.


Yun lang naman ang gusto Kong mangyari ulit bakit ang hirap abutin. Ang hirap makuha..


Napa hagulhol na ako.

At naalala ko pa si Jeff. Mas lalong sumakit ang dibdib ko dahil akala ko naiintndihan niya ako, akala ko... totoo ang nararamdaman niya, na palaging nandyan siya para sa akin. Na hindi niya ako ipagpapalit.
Bakit ang dali naman ata niyang iparamdam na mahal niya ang isang tao?







Bakit kahit puro I love you siya ganun parin ang ginawa niya?







Bakit sinasabi niya sa akin ang mahal kita kung iiwan nya rin pala ako ng dahil sa bago niya?






Mahal niya lang ba ako pag kasama niya ko? Kapag wala na ko sa tabi niya, iba na rin ang mahal niya?









Ganun ba talaga ang lalaki, kapag hindi na kasama Gf nila, nalalandi na nang iba? Knowing alam nila may masasaktan?
Na sinasabing busy, yun pala iba na ang pinagkakabusyhan.
Bakit kasi hindi nalang sinabi na ayoko na.. Hindi yung 'I love you ikaw lang ang mahal ko, pangako yan.'











Mapait nanaman akong napangiti. Bakit ko ba tintanong yan dapat ang gngawa sa lalaking ganun hindi na dapat isipin at bigyan pa ng atensyon.

Pinunasan ko ang luha ko... Bakit ko ba sinayang luha ko ngayon? Para magreminisce tsk. Isa lang patunay si Jeff na hindi lahat ng lalaking umiyak sayo, mahal ka talaga.


Napairap ako. Ang Kapal para lokohin ako. Tse. Ang hirap ng mag tiwala ulit, Ang hirap mag bigay ng second chance lalo na kung yung kasalanan ginagawa ng paulit ulit... Kinalimutan ko na si Jeff, pero bakit hindi ko makalimutan yung mga nagawa niya sa akin? Ganun ba talaga kapag sobrang sakit kapag nakita  mismo ng mga mata mo? Yung harap harapan kang niloloko?

Ganun ba ka hirap makalimot ang isip nang isang babae?



Siguro Ganon nga tayong mga babae, kapag nagawa na ng isang lalake sisisihin at lalahatin na natin na ganun ang ibang lalake.. Gusto ko lang naman na lalake ay yung magpapatunay na hindi lahat ng lalake pare-pareho eh... Pero sa panahon ngayon, parang pare pareho na ang lalake.

Gusto nang babaeng pakakasalan,
Pero doon sa club sige nag aabang.

Ay! Naparap tuloy ako. Kanta to Ni Donnalyn, Lss ako e Sorna!













Pero Still dreaming of a man, na magpapatunay na hindi siya ganong lalake. Siguro, meron yan. Nasa tabi tabi lang, bukod sa na traffic sa Edsa, malay ko baka Nandito na mismo sa bahay namin. Chareng!






Pumikit na ako at natulog ng muli.



































Teffiemeow

Fascinated by Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon