Nang makarating na kami sa bahay Ni Ruby ay natulog na agad kami dahil sa antok na rin... Nasa isang kwarto kami nila pogs at Chesko.. Pinilit Kong makatulog at kalimutan na ang nangyari, hindi naman nagtanong pa si Ruby. At nagpapasalamat ako Don. May narinig naman akong mga yabag mula sa labas napabangon ako... Mas lalong hndi ako nakatulog dahil sa mga yabag na iyon.
Kinabukasan, tapos na ang isang linggo kaya papasok na ako. Saktong pwedeng lakarin nalang ang trabaho ko dhil Sa part ng Poblacion ang bahay Ni Ruby..
Nagulat ako at nagpakurap kurap pa.. Nakita ko naman Ang Revulvol's Clothes kaya nasigurado ko ng business to ng amo ko. Oo business, dahil pinarenovate niya ang store nya ng ganung kabilis. Agad akong pumasok, De tiles at aircon na ang paligid. May ukay section at naka bukod ang branded na damit..
"Cheska!" pag tawag sa akin Ni Josie. Nakita Kong may light make ip na siya ngayon. Sabgay, parang nasa mall lang nagwwork.. Ang ganda na ng place.
Agad akong ngumiti sakanya, npansin ko na may iba ng sales lady dito.
"Cheska, Si Seleah at Brea," Pakilala Ni Josie sa dalawang babaeng ksama niya. Agad namang nakipag kamay ako saknila. Nag alangan pa si Brea na makipag kamay sakin pero sa huli makipag kamay na rin siya..
Nag umpisa na kami. Ako ang lagay sa may branded na damit at si Josie, at ang mga bago naman ay sa ukay. Haay salamat, hndi na amoy kulob ang paligid ko... Inhale ako ng inhale at amoy na amoy ko mga mamahaling damit. Mukhang yumaman si Rebulvol ah.
Ano kayang nangyari? Papaano? Himala talagang may bayad kami kahit walang pasok. Nakakapagtaka.
Dahil soft opening, madami ang tao. May pa buy 1 take 1 sa ukay worth 70pesos lang. At dahil doon, halos wala ng matira sa mga ukay. Agad namang bumaba ang amo Kong bombay.
"Nays wan, Seleah at Brea...," Bungad niya sa amin. Tumingin ako sa kaliwa't kanan niya. Walang tiyanak?
"Anoe tinitingin tingin moe Dyan, Cheska? Am I Tangena to you?" Sabi Ni boss sa akin at inaayos ayos pa ang basang buhok.
OHMAYGASH. Is is trueeeeeew ? Basa buhok ng mabantot na to? Nanlaki pa ang mga mata ko. Wow, sa ilang years ko ngayon ko lang nakitang basa ang buhok niya..... And yeah, tangena mo kasi.
"Walang tyanak? " Pag babalik ko ng tanong sakanya. Hihihi ewan ko ba..
"Huh? Whats tyanak?" Tanong ng amo Kong bombay..
Agad naman akong nag isip.. Nagbutil naman ang pawis sa noo ko.. Naku naman Cheska, ang bibig mo talaga hindi mapigilan man lang!! Amp. Kinikiskis ko na ang dalawa Kong sapatos. Shemay, shemay shemay.. Ano ba ssabihin ko. Nakatingin siya sa akin.. Halatang Hinihintay lang NI Rebulvol ang isasagot ko. SHEMAY!
"I mean, Tyanak is Gel.. Lalo yung maliit." Sabi ko at napapikit pa.
Nagpatango tango naman ang tanga Kong amo at umalis ng may ngisi.. Naamoy ko nnman ang pamilyar na amoy.Lunch na at kumain kami ng mabilis.. Nalaman ko na hayskul din pala ang natapos nina Seleah at Brea.. At sa pinag aralan ko rin ng hayskul sila nag tapos. Nalaman ko rin na lagi na pala nila ako nakikita noon, pero sila.. Hindi ko matandaan.
Bumalik na kami sa kanya kanyang pweste. Habang naghihintay ng customers, Agad namang may pumasok na Magandang babae na naka shades agad namimili sya sa Branded na Bikinis.Tinitignan niya ang Red Bikini. Pero mas tinitignan ko siya ngayon dhil bakit parang pamilyar siya sa akin? Nakatitig lang ako sakanya.
"I'll buy this one." Sabi nya sabay turo sa Red Bikini. Nang lumingon siya sa gawi ko, nagtama ang paningin namin.
"OMG!" Sabi niya sabay hawak sa kanyang labi. Nagulat naman ako dahil sa inasal niya. Wew.
"Oh my God?" Pagtatanong Ni Josie. Pero Hndi nya yon pinansin. Nagsimula syang lumakad palapit sa akin ang may blonde'ng buhok. Tinanggal niya ang shades at dahil dun nakilala ko na kung Sino siya..
"Cheska is that you? " pagtatanong niya sa akin.
Agad akong ngumiti at tumango. Mas lalo syang gumanda sa new hairdo niya... Iba talaga pag mayaman.Agad syang napangiti ng mas mapalad pa.
"Can I invite you for a dinner? And please, don't decline me again.." Pang iimbita nya sa akin. Aayaw na sana ako ng magsalita syang muli.
"Saglit lang, Swear." Sabi niya pa. Saglit lang naman e, kaya tumango naman ako.
"I'll pick you up at----"
"6pm" Sabi ko. Sabay nagpaalam na siya umalis.
Agad namang lumapit sa akin si Josie.
Pero pinigilan ko siya sa pagsasalita sana."Nangangamoy Josie." Sabi ko sabay takip pa ng ilong..
"Abah kaka punas ko lang ah?" Chineck niya pa ang likod nya. Napahawak naman ako sa mukha ko. Wew.
"Ano ba yung nangangamoy?" inamoy amoy naman niya ang paligid. Nakakunot pa ang nuo niya at mas lalong lumaki ang butas ng ilong niya...
"Nangangamoy Chismiss," Sabi ko. Agad naman niya akong pinalo at nagtanong nga.
"Sino nga yon!" Sabi nya sabay irap.
"Wala, na kilala ko lang.. At kung tatanungin mo kung saan dyan lang sa tabi tabi." Sabi ko at putol ko ulit sa ssabihin niya. Agad naman sya iirap irap sa akin..
6pm. Out na namin, Maaga na ang out Simula ngayon at pabor sa amin. Nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Agad na bumukas ang bintana ng kotse at sumilip ang nagmamaneho nito.
"Hop in!" Sabi niya at umikot naman ako papunta sa passenger's seat. Nagbabye naman ako kila Josie, Seleah at Brea..
At sumakay na sa sasakyang hindi ko pa nasasakyan sa buong buhay ko.. WAAAAAAH!!--