Nakatulala pa rin ako sa lalaking nagligtas sa amin Ni Josie. Nawiwindang, hindi maka get-over. Hindi maka move on. Ganon
Hindi ako makapaniwala na Nandito siya. Bakit Nandito siya? Paano naman niya nalaman na Nandito ako?Kami Ni Josie??
Agad namang hahangos hangos na dumating ang jowa ni Josie.
"Josie?! Josiee!?" sigaw niya. Hinanap niya si Josie pero nasa harapan lang naman niya.
Ano? Papansin ka boy?
Tsss..
Agad namang niyakap ng lalaki si Josie. At pinaulanan ng halik ang babae sa knyang ulo,
"Okay ka lang LHabs Qoe?? Okay ka Lang?!"
Hindi naman sumasagot si Josie. Nakita Kong may panginginig sa knyang mga kamay.
Nakakatakot naman talaga, maski ako, ramdam ko parin ang pagnginginig ng tuhod ko sa nangyari kanina. Hindi ko alam ang ggawin ko kung sakaling matuloy yung binabalak ng tatlong lalake kanina. Mababaliw sguro ako kapag nangyari iyon. Ang hina ko, bakit hahayaan Kong may gawin sa akin ang lalakeng iyon?Masaya ako para kay Josie. Kahit mukhang drug addict ang jowa niya nandyan parin para sakanya. Kainis tong frenny ko! Landeeeeeeeeeee
Hays..
SANA ALL
Napayakap ako sa sarili ko.
Ako kaya?
Kailan kaya may magmamahal sa akin? Yung palagi rin nandyan?Ano kaya pakiramdam ng mahal ka ng isang lalake?
Yung hindi ka sasaktan??
Pangarap ko rin yon, Pero Sino ba ang magmamahal sa isang tulad ko? Nung nagkajowa ako kundi ako niloloko, kagandahan lang habol sakin.
Chaaaaaarrrr na totoo. Hakhak
Mukhang malabo kaya isinantabi ko na lang. Kahit may nagpaparamdam, hindi ko pinapansin. Hoy! Hindi multo ha!
Ewan, Di ko alam pero nakaka walang gana magjowa lalo't nasa gantong sitwasyon ka.
Na yung haligi ng tahanan mismo ang nanloloko sa inyo..
Nakatitig lang kami Ni Mr. Wet pogi sknila.
Okay, Awkkkkkwaaaaaaaaaard!
Nang biglang tumingin sa gawi ko. Si Pogi, at tumitig sa dalwang mata ko.
Ang kanyang kulay brown na mga mata na Nakatitig sa akin ngayon.
Nagtataka akong napatitig sakanya.
"B-Bakit?" usal ko sa kabila ng pagtitig niya sa akin.
Nang biglang napahagulhol si Josiee.
"Huhuhuhu, lhAbs Qoe.. Natatakot ako, natatakot ako.." Pag drama Ni Josie.
"Tahan na, LHabz Qoe.. Nandito na ako. Ano bang ngyari?" nag aalalang tanong ng jowa NI Josie.
"Niyakap ako ng----"
"aba't nasan Yong lalakeng yumakap sayo?!!! Ang kapal ng mukha niya Haa! Ako lang dapat yumakap sayo, ako lang!! Josie" Sigaw ng lalake. At sinabunutan niya ang sarili niya. Napaluhod siya ngayon at sinuntok suntok pa ang sementong kalsada.
Wow, possessive?
Kawawang semento.
"Ang drama nyo, peste!" Sabi ko. Sabay ikot ng mata ko.
Hindi ako bitter ah?
Slight lang. Tsk
Nakita ko namang ngumiti. Ang lalakeng nasa gilid ko ngayon. Huh? Adik lang?
"A-Anong n-nginingiti ngiti m-mo dyan h-ha?" kandautal ako, shemay sabi ko at kunwaring sabay hawak sa bewang ko.
Iiling iling naman siya habang may ngiti sa kanyang mapulangLabi.
Nang biglang may dumaan na tricycle na may soundtrip.
~Ikaw naba si Mr. Right?
Ikaw naba ang Love of my Life?Habang naririnig ko ang kantang iyon. Nakatanga ako sa lalakeng nasa harapan ko na ngayon.
~Ikaw naba ang icing sa ibabaw ng cupcake kooooooo? ~
Shemay, bakit kahit hndi pa siya nagbbihis bakit ang lakas parin ng dating niya?
Huwaaaa ba't Ganon? Huhuhu.
Magkaakbay na ngayon sila Josie at ng jowa niya. Wowww, Ang bilis naman MagBati. Dapat nag break, hakhakahak.
"Sino siya, LHabs Qoe.. Ang pogi niya ah" Tanong Ni josie ng kinikilig.
Tinanggal ni "LHabs Qoe Kuno" ang akbay niya kay Josie.
"Di ko alam, nakita ko lang siya sa ilog tapos ayun." sabi ng lalake at naglakad na papaalis.
Ay, nagtampo?
Agad namang hinabol Ni Josie ang lalake.
"Bbye Cheska, bukas nalang ha!
Hoy Cokane hintayin mo koooooo!!!"
Sigaw niya sabay lakad takbo ng umalis.Iniwan naman niya kaming dalawa dito sa madilim na Lugar na ito. Nagpalinga linga ako at hayun, malapit na pala ang kanto kung saan ako sasakay.
Ha? Ano raw Cocaine name NG jowa niya??
Tumingin ako sa lalakeng kasama ko sa oras na ito.
"I-ikaw a-anong pangalan m-mo?" Kinakabahan Kong tanong.
Bakit napapaligiran ako NG..... Ng......
Agad namang napakunot ang noo niya. Biglang lumungkot ang kanyang mga mata. Halatang napapaisip siya ng malalim, napayuko siya at tumitig sa semento.
Nakokonsensya tuloy ako sa tanong ko.
Nang Biglang nagsalita ang lalakeng nakayuko sa aking harapan.
"Actually, I don't know" Sabi niya habang nakatingin parin sa ibaba.
Nanlaki ang aking mga mata.
Mapapahinga sana ako ng maluwag ng magsalita ang lalakeng nasa harapan ko ngayon.
Nakikita Kong nag iisip siya,
"But, cokane gave me name, huh? Ecstacyo" sabi niya habang nakatingin sa akin.
Muntik na Kong maduwal sa narinig ko.
Mukha nga yatang Di niya alam pangalan niya, lokong cokane yooooooon! Sisikmuraan kita pag nakita kitaaaaaaaaaaaaaaa.~~
S/N: I hope that you're enjoying ka-meow meow hahahaha! Trip ko lang mga names na yan, wag ano. Tutal uso adik wahahaha~
Keep voting! Thankyaaa!
Meowwww~~