Chapter 21

11 0 0
                                    















Kahit langoy ako sa alak, hindi ako nakatulog agad kagabi. Ang resulta, eye bags. Sabog, adik..,

Ano pa?

Inom pa...
5% lang Cheska, nu?

Sinadya kong maagang bumangon nagmamadali Kong niligpit ang hinigaan ko. Paglingon ko muntik ko ng mabunggo si Pogs dahilan para mas lalo akong mataranta, lalo na nung magkalapit nnman kaming dalawa. Agad akong lumayo. Huhuhu. Ano ba to!!!

"A-ah P-Pogs," Nauutal at napipikit ko pang sabi.

Nakatitig lang si Pogs sa akin, hindi ko alam kung bakit sya nakatayo sa harapan ko. Pa tuloy sa pagdarambol ang puso ko na para bang hinabol ako ng sampong kabayo. Habang nakatitig siya, nakita ko nnman ang magaganda nyang mga mata... Mas lalo ko tuloy naalala ang nangyari kagabi,
Nararamdaman ko sa oras na ito ay plang pula na ang mukha ko!! >\\\\<

"B-Bakit n-nandto ka?" Pinilit Kong mging normal ang boses ko. Shemay.

Pero hindi pa rin siya kumibo, nakatitig pa rin siya sa akin. Napapapadyak na ako, gusto ko na syang lampasan pero hindi ko magawa!

Hindi ko magawa dahil nagugustuhan Kong ako lang ang tinititigan niya...





Nang tawagin siya Ni Chesko at inaya syang maglaro. Bago umalis habang hatak hatak sya Ni Chesko ay nakatitig pa rin siya. At bakit maaga nagising si Chesko? Haaaays, hayaan na nga. Ngayong Linggo ng umaga., dapat mas lalong maaga dahil maraming tao ngayon... Maaga akong gumayak, pinag luto sila Chesko at pumasok na sa trabaho.

Habang nagluluto pa ako kanina napaso ako sa mainit na tubig na nilagay ko sa cup noodles. Haaaays.

Oo! Niluto ko ang noodles sa cup, may problema Don??










Nandito na ako sa trabaho ko,

Tulala,

Wala sa sarili,

Bangag.

Umalis na ang huling customer ngayon. Umupo ako at Nang maalala ko ang nangyari kagabi. Napahawak ako sa labi ko at nangingiti sa oras na ito, nakatulala ako sa kawalan. Ngayon, ay wala ng customers kaya nasariwa ko nnman ang nangyari kagabi... Nakagat ko ang pang ibabang labi ko, totoo ba talaga yun? Gaaassssh,

Hindi...., hindi talaga ako makapaniwala..

"Matunaw!" sigaw Ni Josie sa akin.

"Tunaw na nga ako e." Nangingiti Kong sabi.

"Abah, kaya pala kilig na kilig si Shaybu sa Labas... Kanina mo pa tinitignan" Sabi Ni Josie sabay turo kay Shaybu na nasa labas.

Anak ka nga naman ng bungi, napakunot ang nuo ko. Nakita kong nakapalumbaba pa si Shaybu at naka tingin dito sa gawi ko. Nangingiti pa ang Gago. Sakto palang andun din sya or dun talaga sya pumwesto. At mukhang inaasar sya ng mga kaibigan nya..

At dahil dun umirap ako.

"Kanina pa yan, nag papalitan lang kayo ng ngiti. Miss agad ang isa't isa, Kalerki"  Irap na irap naman ang mata niya. Akala mo naman ganda ng mata, bilog na bilog na nga mas lalo pang namilog at lumaki dahil sa pag iinarte niya.

Hindi ko siya pinansin... Bahala rin sya sa buhay niya.

"Totoo ba yun, Cheska. Kayo ni Shaybu? May naka kita kasi na nag aaway kayo sa daan e."

Dahil sa sinabi niya. Naipalo ko ang panungkit kay Josie.

Bwiset na to, sisirain pa araw ko.

"Anong kami? Shunga kaba talaga." Nasabi ko. Kabatrip to.

Magsasalita na sana si Josie ng makalanghap ako ng kakaiba. Alam ko ang amoy na yon, alam na alam. Agad Kong tinakpan at ilong ko at nagtatakang tumingin sa akin si Josie.

Bumaba ilang saglit pa ang amo naming bumbay. . Nakita ko naman naka kapit saknya  ang jowa niya na may kulay dilaw na ribbon sa ulo niya. Ma-neon neon pa ang kulay. Tang ina ang sakit sa mata.

"Ang rosaryo Josie, Akina!" sabi ko. At nagmamadali at natataranta namang inabot NI josie ang Rosario. Jusq po, mahirap na.

"Cheska and Josie, Goe to the Divisoria and gets the ukay on the 168 Pasillio Mall 2G-06 /Bldg 1 and look for Mr. Ching." Sabi Ni Boss at hinugot sa bulsa nya ang wallet nya at kumuha ng pera pang pamasahe namin.  May nahulog naman na kung ano mula sa bulsa niya.

Nagtataka naman kami Ni Josie. Eh Sino ang magbabantay? At sa kung ano yung nahulog sa bulsa nya. Magtatanong sana ako ng pigilan ako Ni Boss.

"Ohw, don't warrey, it's 9am. Out na kayo, magsara doe muna kayoe bagoe pumunta. Bay da wey, Whole day prin ang sahod nyoe yun lang." Sabi Ni mabaho Kong amo at tulayan ng umalis.

Hala sige, bahala ka sa buhay mo..


Sinarado na muna namin ang tndahan. Habang naghihintay ng sasakyan naming Jeep, Napansin Kong Ngising ngisi naman si Josie.

Kunot na kunot ang nuo ko sa itsura niya, Para siya kasing baliw na laging chine check ang Bag niya na baka may mawala.

Nakakairita.

"Jackpot! Hindi na kailangan gumastos" Masayang sabi nya. Sabay himas sa Bag niyang may tahi na sa gilid.

Ako din nman masaya, bukod sa makkagala kami sa divisoria, makaka kain pa kami dahil sobra sobra ang binigay Ni boss na pera. Yeeeey!

"Kaya nga hndi na tayo mamamasahe haha" Masayang sabi ko habang pinara na ang paparating na jeep. Malayo pa lang pinara ko na, Ganyan ako ka eggcited. Bwahhahahaha.



"Hindi yon!" Kontra sakin Ni Josie. Lumaki pa ang butas ng ilong niya,

Abah sinigawan pa ako. Ay gigil girl?? Sorry na.

"Eh ano?!" irita Kong tanong. Sakto ng huminto naman ang jeep sa abot tanaw dahil may nag parang pasahero rin..

"Jackpot kasi hndi na ako bibili ng trust para samin Ni Cocaine mamaya," Sabi nya pa habang itinaas ang maliit na plastic at naka sulat doon ay Trust. At dun ko nalaman na yun pala ang nahulog sa bulsa  Ng amo naming bumbay kanina.













Tang ina.
























Teffiemeow ~

Fascinated by Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon