Palubog na ang araw ng makarating kami sa bahay, dahil na rin sa nangyari kanina mula sa unang kanto hanggang sa pangalawa. May birthday'han kasi doon at ang ang mga bisita ay nasa labas naka upo at nag iinuman, pinilit nlang painumin si Pogs pero nagpalusot nalang ako na masakit ang tyan kaya hndi maka shot. Haaaays, pagdating namin sa bahay ay wala ring tao. Dinala ko nmn si Pogs sa kwartuhan ko para makapag pahinga, magluluto muna ako siguro para mamayang sakto ala sais makakain na kami... Mag sasaing na sana ako ng pag buhat ko sa lalagyan ng bigas ay walang laman. Muntik na akong matumba kasi akala ko ay marami pa tong laman. Binuksan ko ang lalagyan at tama, wala na ngang laman. Pambihira.
Sa sobrang pagka enjoy ko kanina nakalimutan ko na dhilan kung bakit ko kinuha ng advance ang sahod ko. Haaays.
Nararamdaman ko pa naman na walang laman ang tyan ko mas lalo na si Pogs at Chesko..
Chesko?
Nanlaki ang mata ko dahil si Chesko nakalimutan Kong sunduin. Lakad-takbo ako ngayon, ng makalabas ako ay biglang may nagtanong sakin.
Hays Chesko! Nasan kana..
"Ate, bakit may dala kang lalagyanan ng bigas?" Tanong Ni Chesko sakin.
Tinignan ko naman ang hawak ko at pambihira nga naman ulit hawak ko pa. Dali dali akong pumasok ulit sa loob at nilagay yung lalagyanan ng bigas para hanapin si Chesko...
Nagmamadali akong lumabas, medyo natataranta ako dahil pagdating ko ng bahay ay wala siya haaays! Bakit ba naman kasi Cheska nag enjoy ka kasama si Pogs eh. Huhu hays. Pogi kasi e, hikhik.
Sinampal ko ang sarili ko.
Nakita naman ako ng batang pauwi na sana sa bahay nila, nakatulala sya sa akin na para bang hndi sya makapaniwala na sinampal ko ang sarili ko. Ngumiti ako ng alanganin sa batang kapitbahay pero bigla nalng itong nagtatatakbo...
Awit.
Napatigil ako... Teka, sino yung nagtanong sakin kanina?
Dali dali nanman akong bumalik sa bahay, NG may makita akong rebulto ng bata na nakatayo sa tapat ng pinto namin na walang pintuan.
Dahil sa walang ilaw ay hndi ko nakita ang itsura nya,
Nang makalapit ako ay nakita Kong si Chesko nga iyun.. At dahil dun pinalo ko siya ng mahina sa balikat."Aw naman ate!" Daing niya at hinwakan nya yung parteng pinalo ko sa braso niya.
"Baket hindi ka nagsasalita dyan ha?! Akala ko kung Sino ng lamang lupa ang nakatayo sa tapat ng pinto naten!?" Sabi ko kay Chesko.
Napanguso sya sa sinabi ko.
"Ate wala tayong pintuan at Eh ate Tinanong nga kita kanina kung bakit mo dala dala yung lalagyanan ng bigas e.." Naka nguso nyang sabi.
"Ay ou nga pala" napapalatak ko pang sabi..
"San ka galing?" Sunod ko pang tanong
"Dito lang ate, hnihintay Po kita" Kasywal na sabi sa akin Ni Chesko.
Agad Kong iginala ang mata ko sa paligid kahit medyo may kadiliman na. Nakita ko naman ang iilang piraso ng mga kahoy sa isang gilid.
Ayan nnaman siya, Mahilig si Chesko sa kung ano ano ang kakalikutin. Tulad dati na pinakailaman niya yung mga gamit Ni Tatay noon sa motor, nag kalat ang mga piyesa at galit na galit noon sknya Si tatay noong 4 yrs old palang siya..Nasapo ko naman ang noo ko. Mali ang tanong ko Mali,
"ay, hindi pala paano ka Nakauwi? Hndi kita nasundo kanina kasi nag enjoy ako e." Sabi ko.
Tumingala naman si Chesko... Na nagtataka.
"Nag enjoy???" Kunot noo nyang tanong.
Nagulat naman ako sa nasabi ko...
"Ay sabi ko pala pumunta akong trabaho kinuha ko yung advance Kong sahod." Agad Kong bawi sa sinabi ko..
Nakita Kong naka kunot parin ang noo Ni Chesko pero Di nag tagal ngumiti rin sya.
"Kaso hindi ako naka bili ng bigas at ulam hehehe" sabi ko at putol na sa ssabihin Ni Chesko.
Agad naman syang sumimangot. Bakas sa mukha niya na hinihintay niya ako dahil naggutom na siya... Ksalanan ko to, msyado akong nalibang kanina..
Nakita ko naman na paparating Si Aling Belinda, na may dalang 3 tupper ware. Tignan mo nga naman, Hahahahahaha.
"Magandang Gabi, Cheska." Bati sa akin Ni aling Belinda.
"Magandang gabi din Po Aling Belinda, Pasensya na po kung hndi po ako naka shot kanina, masakit Po kasi tyan ko e." Pagpapalusot ko kay Aling Belinda.
"Ay ganun ba? Sayang naman tong Menudo, spaghetti at Shanghai na dala ko para sa inyong magkapitd kasi masakit yung tyan mo." Sabi Ni Aling bebang at Itinaas pa ng kaunti ang tupper ware nyang dala.
Agad naman nag ning ning ang mga mata ko sa nakita ko. Natatakam at napapalinap na ako sa labi ko dhil naamoy ko na ang amoy ng menudo.
~~~krrruuuuu kruuuuu~~
Kulo ng tyan ko.
"Ah, maraming salamat po sa pag dala neto Aling Belinda." Sabi ko sabay hawak na sa Tupper ware.. Oohhhh, ang bago talaga ng menudo na..
Wala ng patumpik tumpik pa...
Nagugutom na koooo!!
Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha Ni Aling Belinda tinignan nya ako ng Akala-ko-ba-masakit-ang-tyan-mo? Look. Pero hindi ko yon pinansin. Nagpasalamat ako at doon, Tumalikod na sya at naglalakad na pa palayo. Ako naman ay nalalanghap na ang amoy ng ulam sa dala ko....
Nakita ko namang eggcited narin si Chesko sa dala ko, sa sobrang eggcited nya ay nakita Kong may dala na syang plato ng mat mapagtanto ako na isang bagay na hindi pwedeng mawala....,
Mabilis akong lumingon at tinawag si Aling Belinda.
"Aling Belindaaa" Medyo may pagka lakas ang pag sabi ko sa pangalan niya. Agad naman syang lumingon sa gawi ko..
Bahala na to....
Desidido na kung desidido!
"Ano yun Cheska?" Tanong nya sa akin..
"Aling Belinda, meron pa Po ba kayong sobrang kanin? Wala pa Po kasi kaming Saing e." Sabi ko sabay hindi makatingin ng maayos kay Aling Belinda.
--
W/N;
New word: Eggcited. Hahahha mahilig sa Egg, Cheska? :D