Chapter 31

9 0 0
                                        






















Nandito sa bahay ko ngayon si Chesko.. Lukaret si Cheska, gusto lang masolo si Pogs niya. Napa irap ako sa hangin ngayon... Nag luto ako ng 1/2 na Tender Juicy hotdog dahil favorite ng bisita Kong  bulinggit. Kasama ang pusa niyang si Sese...

Kakatapos ko lang ka-call si Boyfie ko. Hihihi. So it's time to pa eat eat ang batang kapatid ng bestwang ko.. Hndi naman siya na boring dahil may mga laruan na naiwan ng pamangkin Kong lalaki at pinalaro yon sa kanya. Sobrang nag eenjoy siya, nasa loob siya ngayon ng isang Castle tent na blue. At ang pusa naman niya ay patalon talon at pinag lalaruan din ang mga makukulay na bola...

Tina wag ko si Chesko at Sinenyasan siya na maupo na... Agad namang sumunod ang bata at kinuha ang pusa niyang naglalaro pa.




Nagtanong ako kay Chesko...

"Paano mo nalaman tungkol kay pogpog?" Tanong ko sa batang maliit. Pogpog ang tawag ko kay Pogi. Nilalagay ko naman ang kanin at ang niluto kong ginataang crabs... Habang hinihintay ang sagot niya.

"Nung unang araw sguro yun, yung tinakpan Ni ate ng kumot si Kuya Boyfriend niya.. ." sabi ni Chesko. Umupo na siya at sinimulan ko na ring ilapag ang platong puno ng hotdog. Alam ko naman na iyon ang hinihintay niya.. Agad naman niya yon nilantakan at sinubuan pa ang pusa niyang si Sese..

Napatango tango ako..

"Kilala mo ba siya?" Tanong ko at naupo na ulit..

Mabilis na sumagot ang bata.

"Hindi," Sagot nya habang hindi naka tingin sa akin. Nabigla ako sa sinagot niya... Sabagay ou nga pala.. Kahit si Cheska hndi alam eto pang bata na to. Sinabunutan ko ang sarili ko, medyo shunga nga ako. Tae.

Tumitig  siya sa akin..

"Oh ano? Bakit ka nakatitig sa akin ng gnyan? Alam Kong ms maganda ako sa ate mo no!" Sabi ko agad. Tse. Nasan naba Yong ate mo na yon? Msyadong happy happy kay Pogpog. Kinuha ko ang cellphone ko at chineck kung may text ang luka. At aba naman, wala man lang text tsk.

"May kulangot Po kayo sa ibaba ng ilong" sabi nya sabay subo ng hotdog.

Kinapa ko naman ang ibaba ng ilong ko at tumayo para kumuha ng tissue. Letche may natira pala.










































Naka uwi na kami sa bahay galing kila Ruby. Agad namang nahiga agad sina Pogs at Chesko.. Tinanggal ko ang konting harang sa amin at parang ginawa iyong bintana since plywood naman iyon na marupok na..

"Cheska! Cheska!" Tawag sa akin Ni tatay. Halatang naka inom ito. Nakita ko pang tumingin sa akin si Chesko at Pogs at sinenyasan na wag silang mag iingay...

Lumabas ako ng kwartuhan ko... Nadatnan ko na inalalayan paupo Ni Mariyana si tatay.

"Nasan ang limang libo? Akin na." Panghihingi niya sa akin. Nabigla naman ako sa sinabi Ni tatay.
Wala naman akong ganung kalaking halaga.

Hindi ako kumibo dhilan para mahampas niya ang lamesang kahoy sa harapan at inihagis iyon sa gilid ko. Kamuntik pa akong  matamaan ... At dahil dun, natakot na ako sa sandling ito.

"Wala kang pera?!!" Agad na tanong sa kin Ni tatay at hinawakan magkabila ang pisngi ko.. Naluluha na ako sa sakit..

Pinilit Kong umiling, dahil wala naman na talaga akong pera...
Ayokong mag isip ng masama kay tatay. Please, alam Kong naka gamit siya. Please, Cheska intindihin mo siya.. Tatay mo parin siya kahit Ganoon. Naluha naman ako dhilan para mas lalong humigpit ang hawak sa akin Ni tatay. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Nakita ko naman sa nanlalabong paningin si Mariyana na napapa-tsk pa habang naka crossed arms pa siya..

Tumitig ako sa mga mata ng tatay ko na puno ng galit... Wala naba talaga? Wala naba talaga yung dati tatay? Balik kana oh, please lang... Kaya Kong tiisin lahat, sa pagtatrabaho.. Sa paglalaba, sa gawaing bahay. Basta, balik ka na po tay... Sabi ko sa isip ko dahil hndi ako makapag salita sa oras na ito. Agad nya akong binitawan dhilan para sumalampak ako sa semento na sahig..

Sapo sapo ko ang hinwakan niya at napadaing sa sobrang sakit...

Pero wala ng sasakit pa sa alam mong hindi na kayang bumalik ng masayang nakaraan..

Bigla akong sinampal ni tatay.. Sinampal pa ng isa pa, at ng isa pa.... At ng isa pa..
Manhid na ako sa oras na ito, habang patuloy akong lumuluha... Hindi ako magrereklamo, hindi... Siya parin si tatay. Nakatulala akong umiiyak ng walang tunog. Na walang hikbi... Ito ang pinaka masakit na iyak ko, masakit dahil sinasaktan ako mismo ng tatay ko..

"Lumayas kana Cheska! Ayoko ng makita pa kayo, Lumayas kana!" Sabi niya sabay punta sa kwartuhan ko para ihagis sa akin ang mga damit ko.

"Wala kang kwenta, Ni hndi ka makapag bigay ng pera! Lumayas ka!!!" Sigaw sa akin Ni Tatay. Ngayon, alam ko na.. Kung ano ang dahilan.. Agad Kong nilagay sa bag at mga damit ko, ang isang picture nmin nila nanay at ang relo Ni Pogs, at ang ala ala ko sa batang iyon, ang bracelet.

Hindi ko na kaya.. Hindi ko na pala kaya.

Nagulat ako dahil si Chesko may Bag ng dala at sinenyasan nyang si Pogs ay nasa labas na. Agad kaming tumayo at naglakad na palabas na sana kami ng bahay. Nang magsalita ulit si Tatay.




"Hwag na kayong mag pakita pa dahil ayoko na kayong makita" Sabi niya. Kumirot ang dibdib ko sa oras na to... Hndi alam kung saan kami pupunta. Mas masakit pala kapag sa sarili mong kadugo nagsabi ng mga salitang iyon.







Agad Kong tinawagan si Ruby dahil siya lang ang malalapitan ko sa oras ng ganito. Agad nyang sinagot ang tawag pero hindi sya nagsalita agad.
Nasa tenga ko ang cellphone ko.. May narinig ako na kung ano.

Ah.... Ah shit ah.



Tang ina.

Pinunasan ko ang luha ko.. Ilang segundo lang ng may magsalita

"H-Hello Cheska?"  Sabi Ni Ruby na hinihingal pa.

"Dyan kami makikitulog, paki bilisan nalang" agad Kong pinatay ang tawag. At pumara na ng traysikel.


























--

W/N;

Ready for the next chapters. 😉

Teffiemeow~

Fascinated by Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon