I'm shookt. I am shock, I am deym.... Chareng hindi ko na alam ibang English ng Shoocks.
After ng scene kanina ay agad akong nag saing at nagluto muna...
Pinapakuluan ko ngayon ang manok na lalagyan ng Malunggay..Malunggay para sa matagal ko ng puso na nalulumbay.
Habang naghihiwa ng sibuyas para ihalo sa manok na may malunggay, hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa narinig ko kanina.
"Boyfriend" Nangingiti ko pang sabi.
Kiber lang habang ng hihiwa ng sibuyas, pagkatapos balatan hinugasan ko ang sibuyas para hindi masydong mapanaket. Wew.
Napansin kong nakatayo na pala sa harap ko sina Chesko at Pogs na nagtatakang tumitingin sa akin, lalo na si Chesko.
Naka titig siya sa hinihiwa Kong sibuyas tapos titingin naman sa mukha Kong nakangiti.. Nagpabalik balik ang tingin niya sa sibuyas at sakin."Ate hindi kaba naiiyak? Nag hihiwa ka ng sibuyas, yan Diba?" Nagtatakang tanong Ni Chesko habang lumapit pa sa lamesa at sinuri nga kung sibuyas ang hinihiwa ko.
Nang makumpirmamng sibuyas nya ay agad gumuhit sa mukha nya ang pagtataka kung bakit hindi ako naiiyak sa sibuyas. Oh well, mas happy ako kesa sa sibuyas na to na palaging umiiyak. *Role eyes*
At dahil lumapit si Chesko, medyo naluha luha na siya. At agad na siyang umalis at medyo kinusot nya mga mata niya.
Hindi ko pinansin ang tanong Ni Chesko, nagpatuloy lang ako sa paghiwa ng sibuyas habang nangingiti parin dahil hindi ako maka get over sa Boyfriend. Mas lalo pa akong nangiti sa iniisip ko, ohmagash. Boyfriend ko si Pogs? Got my dreams na. Raaaawr.Sibuyas ka lang, Happy ako. BWAHAHAHAHA.
Nilagay ko na ang hiniwa Kong sibuyas at nilagay na yun sa pinapakuluan Kong manok. No oil. Para healthy.
Naglagay ng pampalasa at nilagay ko na ang Malunggay.Masayang kumain si Chesko at Pogs, Hindi ko na Tinanong pa kung paano at kailan niya na kilala at nakita si Pogs.
Mabilis akong gumayak at pinagbilinan ko si Chesko na kapag nandyan si Tatay ay itago niya si Pogs. Mahirap na.Natapos ang trabaho ko sa buong araw. Walang bago. Mabaho parin ang amo ko. Pumunta akong ilog at dumaan ng bayan para sa regalo ko kay Aling Bebang. ,
Maaga kami pinag out ng amo kong bumbay dahil good mood siya dahil kasama nnman nya ang Lab niya. Grrr,a buti na rin yon.Nang maka uwi ako, wala nnaman si Tatay. Pangalawang araw na syang hindi umuuwi, ano kaya at saan kaya siya ngayon?
Hindi bale na, siguro ay nagsasaya siya ngayon.Nadatnan ko sila Chesko At pogs na may kinakalikot, inaya siguro Ni Chesko na maglaro tong si Pogs.
"Beng! Beng!" maaksyon pang sabi Ni Chesko. Hawak ang plywood na hugis baril. Wala naman reaksyon si Pogs. Pero tuwang tuwa si Chesko.
"Mag bihis kana Chesko, pupunta tayo kila Aling Bebang" Pagputol ko sa pag lalaro niya.
"Bakit ate ano meron?" Tanong nya habang binaba na ang laruang plywood.
"Yaw mo kumain ulit ng Spaghetti, menudo at Shang---?"
Hindi ko na natapos ang ssabihin ko ng kumaripas na siya ng takbo. Hahaha
Naiwan naman kami Ni Pogs. Pinasadahan ko siya ng tinginIba na ang damit nyang suot ngayon, nakapag bihis siya??
Kumuha na ako ng damit since bihis na pala ang dalawa Kong ksama. Ako nalang pala ang hindi bihis. Wala pang limang minuto agad na bumalik si Chesko, halatang gutom na beh? Hahaha.
Pumunta na kami kila Aling Bebang. Naka catering ang lola nyo. Taray. Nakita ko naman si Pogs at Chesko na naka tingin na sa mga handa.
Especially Si Pogs, naka tingin sa Shanghai.Lumapit ang isang waiter sa amin.
"Ma'am, kayo Po ba Si Cheska Dimagiba?" Tanong nya sakin.
"Opo," sagot ko.
"Ma'am, next na po kayo dyan. Kasama Po kayo sa 18 Gifts ng may birthday." Sabi ng lalaking waiter at umalis na.
WHAAT?! Gulat ako sa sinabi Ni kuya mong waiter pero hindi ako nagsalita.
18Gifts? Tang Inang yan. Feeling nagdadalaga? Sa pag kaka alam ko 50plus na si Aling Bebang. Kaya naman pala, akala ko joke lang yung tungkol sa Gift.Hindi naman ako nainform, may Pa-18gifts si Aling Bebang edi sana dinagdagan ko pa tong Gift sakanya.
Sinenyasan na ako, meaning ako na ang susunod. Kaloka talaga, buti may gift ako kay Aling Bebang.
Habang naglalakad ako pa lapit sa Mic, hindi parin ako makapaniwala.Tinapik tapik ko pa ang Mic. Mahirap na baka nagloloko . --,
"Mic test, Mic Test." Sabi ko pa.
Tinignan naman ako NI Aling Bebang ng ano-gngawa-mo-look.
"Aw, Aling bebang, Happy Birthday. Sana gumanda kana..."
Tumawa ang mga tao sa paligid. Sumimangot naman Ang debutant.
"Chareng lang yon, anyway-highway, Salamat sa pag iimbita mo sa akin, Sana makatulong este magustuhan mo ang gift ko sayo. More efficacents to come, Lovelots" Medyo napilitan ako sa lovelots
Lumapit ako at binigay ko sakanya ang gift ko. Ngumiti naman si Aling Bebang at sinabing kumain na kami. Hinanap ko naman sina Chesko at pogs. Tinignan ko pero wala sila. Nagtanong ako sa waiter na nagtanong sa akin kanina.
"Kuyang Weyter, Nakita nyo ba yung dalawa Kong kasama kanina?" pagtatanong ko.
Agad naman nyang nginuso at agad namang sinundan ko iyon.
At Pambihira nga naman,
Nakita ko si Pogs at Chesko sa isang table na sila lang dalawa.
Kumakain na sila at enjoy na enjoy sa sarap ng pagkain.--
W/N:
Taray. May pa-cooking Tutorial ang ate mo gorl. Sibuyas lang 'yan, happy si Cheska. :D
Ako yung writer na natatawa sa pinagsusulat ko HAHAHAHA.
Teffiemeow