CHAPTER 12. REMINISCING

83 1 2
                                    

ZACK’S POV

Dahil hindi ko pinakinggan si feliz kanina, ito ang nangyari sa amin ni Coleen. Nahalikan ko sya ng hindi sinasadya. Buti na lang pala hindi ko sya pinakinggan. Ahahaha ! naaaliw naman ako sa itsura ni coleen gulat na gulat, although nagulat din ako pero nakabawi naman agad. The soft lips. Wala pa ring pinagbago. I smiled. Narinig ko naman na naghiyawan ang mga kaklase ko then tumakbo si Coleen. Hahabulin ko sana sya pero pinigilan ako ni feliz.

“ako na ang susunod sa kanya! pervert ka kasi!”

“teka?! Bakit sinasadya ko ba ang nangyari? Ikaw kasi e!” sabihan ba naman akong pervert.

“whatever! Sige na ako ng bahala sa kanya. I-excuse mo muna kami, okey?!”

“okey.” Then hinabol na nya si coleen.

“ano masarap ba?” tanong naman ng isang kong kaklase.

Nginitian ko lang sya.

“sa akin na lang yun! At wag kayong magtangkang alamin pa yun.” Sabi ko sa knila habang papasok ng room.

Bakit parang ang saya ng araw ngayon? Ah ewan! Hanggang sa natapos ang first class nakangiti pa rin ako.

Ibang klase ka talaga Coleen. Then I smiled.

COLEEN’S POV

Napagpasyahan ko ng sabihin kay feliz ang tungkol sa amin ni Zack dahil mukang huli na rin ako ni fEliz at para na rin mailabas ko na rin ang nasa loob ko.

“handa ka bang makinig sa akin?” nahihiya kong tanong kay feliz.

“oo naman! Kahit ano pa yan. Hinding hindi kita huhusgahan. Pangako”

“salamat.” Then nagsimula na akong magkwento. “nagsimula ito noong 7 years old ako.”

*flashback

Masaya kaming naglalaro noon ni Zack. Magsing edad lang kmi noon matanda lang sya sa akin ng buwan. Masaya ako twing kasama sya, ramdam ko rin na ganon din sya.

“iba naman ang laruin natin zack,puro na lang kotse-kotsehan.” Reklamo ko kay zack.

“e ano bang gusto mong laruin?”

“gusto ko bahay-bahayan.”

“e ang pangit naman nun e, so girly”

Umiyak ako ng hindi sya pumayag. Agad naman syang nagsorry.

“tahan na coleng, sige na nga yun na lang ang laruin natin. Wag ka lang umiyak”

Agad akong natuwa sa sinabi nya.

“talaga?! Yehey!!” sa sobrang saya ko noon nahalikan ko sya sa lips.

Pareho kaming nagulat sa ginawa ko.

“s-sorry zack. Hindi ko sinasadya” napayuko ako.

Hindi sya nagsalita noon, akala ko galit sya sa ginawa ko. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin din sya sa akin. Pero mas nagulat ako nung sya naman ang humalik sa akin at kitang kita nila mommy yung ginawa nya kasama nito ang mommy ni zack. Dahil sa akala kong pagagalitan ako ni mommy, nauna na akong umiyak.

“s-sorry coleen. Wag ka na umiyak hindi ko na uulitin.” Natataranta nitong sabi.

Tapos tumakbo ako kay mommy at hinabol naman nya ako. Nang nakarating ako sa mama ko ang sabi ko…

“mommy I want Zack to marry me!” tumawa naman sila mommy at tita sa sinabi ko.

“mom, I’m not kidding! I want to marry zack.!!” Sigaw ko sa kanila. Kahit hindi ko pa alam ang mga pinagsasasabi ko noon alam kong crush ko na si zack.

my snob bestfriend (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon