FELIZ’S POV
Monday morning ganito pa din ako. Isang linggo akong hindi pumasok sa school para magluksa sa puso ko. Ang hirap ng ganito, isang linggo na rin kaming walang komunikasyon ni allen. Miss na miss ko na sya. Lagi ko syang tinitext pero hindi nya ako nirereplayan. Tuluyan na ba akong nilayuan ni allen?! Masama bang mahalin ko sya? Bakit hindi nya rin ako mahalin? Bakit nya ako iniiwasan ng ganito? Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako sa tuwing naaalala ko yung araw na nireject nya ako. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa kong pagtatapat sa kanya. Gusto kong magalit kay allen pero hindi naman pwede.
Mabuti pang pumasok na ako para kahit papano may pagkaabalahan naman ako. Kahit alam kong malalate na ako, nag antay pa din ako kay allen. Nag aantay na sunduin nya ako at ihatid sa school. Naiiyak na naman ako nang Makita kong 30 minutes late na ako pero wala pa rin sya.
“o dine dine? Bakit andito ka pa? late ka na ah.” Sabi ni manang lumen saken.
“a-alis na po ako. S-sige po” nagsimula na akong maglakad. Wala na. wala na talagang pag asang puntahan ako ni allen. Tulala ako habang naglalakad sa daan. Hindi na lang muna ako papasok sa first class ko. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.
“hoy panget. Anong iniiyak iyak mo dyan?! Ngayon ka na nga lang papasok ganyan pa ang itsura mo.” Bigla na lang sumulpot sa harapan ko si zack.
“wag ngayon zack. Wala ako sa mood” masungit kong sabi.
“akala mo ikaw lang?! ako din noh! Yung iba nating mga classmates may progress na ang ginagwang final project. E tayo?! Ayun nganga! Malas ko naman talaga. Mukang isasama mo pa ako sa pagbagsak ah.” Napahinto ako sa paglalakad.
“omg! Oo nga pala, nakalimutan ko.” Ano ba yan?! Dahil sa kakaemote ko nakalimutan ko na ang project namin for finals.
“omg! Oo nakalimutan mo!” pang gagaya sa akin ni zack.
“s-sorry zack.”
“whatever! Basta dapat asikasuhin na natin yun. Teka?!! Bakit ka nga pala umiiyak??”
“epal ka naman e noh?! Tumigil na nga ako sa kakaiyak tapos pinaalala mo pa. wala kang pake okey?!!!”
“sabihin ko sken. Diba pag mag”BESTFRIEND” walang secrets” nakangiting sabi nito.
“duh?!! Kailan pa kita naging bestfriend??”
“matagal na diba?! Sige na bestfriend sabihin mo na!”
“ayoko!”
“sige na!”
“ayoko!
“ganito na lang. unahan tayo sa school pag nauna ako sasabihin mo sa akin pero pag nauna ka sasabihin mo pa din saken. Ano call??”
Binatukan ko sya.
“call your face! E pareho lang yung punishment e! are you dumb or dumb?” natatawa naman ako sa kanya.
“okey fine as is na lang. ano game?!”
“game!” then nagtakbuhan na kami papunta sa school syempre walang nagpapatalo sa amin. Sa maikling oras na yun kahit papano napasaya ako ng baliw na lalakeng to. Salamat sa kanya.
ALLEN’S POV
“hoy madaya ka! Bwiset ka!” nakatago ako sa gilid ng kalsada. Kanina ko pa sinusundan si feliz para alamin kung makakarating ito sa school ng maayos. Kanina tulala sya habang naglalakad. Gusto ko syang lapitan pero hindi pwede kailangan ko tong gawin para hindi sya umasa at masaktan pa.
Isang linggo rin kaming walang komunikasyon ni feliz. At inaamin ko hindi ako sanay na ganito kami. I missed her so much. Pero iba na ngayon ang sitwasyon namin. Kailangan ko na syang layuan. Ayoko syang masaktan. Gusto kong pasalamatan ang lalakeng kasama nya ngayon atleast kahit papano nagiging masaya sya. Tiningnan ko na lang sila habang papalayo.
“I missed you fel and im sorry” bulong ko sa sarili ko. Naglakad na ako pauwi para maghanda na rin sa school.
~SCHOOL
Nakita kong papalapit sa akin si feliz. Nadatnan ko syang nag-aantay sa labas ng room ko. Nilagpasan ko sya.
“allen! Mag-usap naman tayo please.” Tawag saken ni feliz. Hindi ko sya pinansin.
Hinabol nya ako at hinawakan sa braso.
“please naman allen. Kausapin mo ako. Wag mo naman ako iwasan o” mangiyak ngiyak na sabi nito sa akin. Hindi ko sya tinignan baka hindi ko lang mapigilan ang sarili ko at mayakap ko sya. Fel naman wag mo akong pahirapan.
“Nagmamadali ako” tinabig ko ang kamay nya, nabitawan nya ako. Nagmadali na akong pumunta sa classroom ko.
Yumuko ako sa desk ko. Ang hirap talaga. Bigla kong nasuntok ang desk ko.
“ayos ka lang pre?” tanong ni Julius saken.
“y-yeah. Sorry.” Nilapitan ako ni Leila.
“may problema ba allen?” nag aalalang tanong nito.
“w-wala naman.” Tinabihan nya ako.
“wala daw. Halata naman. Common tell me”
“about feliz.”
“sabi na e. Ano na naman ba ang napag awayan nyo?”
“hindi kami nag away”
“o? anong problema?”
“feliz confessed me.”
“confessed what?”
“sabi nya nahal na nya ako.”
“t-talaga? A-anong sabi mo?”
Yumuko lang ako at mapait na ngumiti.
“d-don’t tell me you rejected her?”
“sabi ko wag ako. I love her as my baby sister. Yun lang”
Niyakap ako ni Leila na kinabigla ko.
“kaya pala nakita kitang nilagpasan mo sya kanina. It’s okey allen. Tutulungan kita.” Tiningnan nya ako.
“t-tutulungan saan?” nagtataka kong tanong.
“diba nilalayuan mo sya para makalimutan ka nya?! then tutulungan kita. Allen you know that I like you. Be my boyfriend” seryosong sabi nya.
“w-what?” yun lang ang nsabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/4154253-288-k513705.jpg)
BINABASA MO ANG
my snob bestfriend (ON-GOING)
Ficção AdolescenteBESTFRIEND?? paano kung nainlove ka sa iyong bestfriend? what if nasabi mo nga, pero lumalayo naman sya sayo. isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan kapalit nang iyong nararamdaman o hahayaan mo na lamang na maging friends kayo forever ?! mahira...