CHAPTER 27. MY HANDSOME AND CARING ALLEN <3

72 2 0
                                        

FELIZ’S POV

Mag iisang buwan na buhat ng hindi namin pagpapansinan ni allen. Unti unti na rin naman akong nasasanay sa ganong sitwasyon. Yung tipong magkakasalubong kayo sa school at maglalagpasan na parang hindi kayo magkakilala. Oo, andun pa rin yung sakit pero kailangan ko tong tanggapin e.

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi ng may biglang humarang sa akin.

“o? sean? Akala ko naman kung sino na. tinakot mo ako ah.” Si sean pala ang humarang sa akin. Classmate ko sa ibang subject.

“tara feliz, sama ka sa amin gigimik lang” hindi ko alam kung bakit bigla akong niyayaya nito e hindi naman kami close. Kahit nga mag-usap bihira lang.

“ah, pasensya na pero kailangan ko ng umuwi e. madami pa akong gagawin.” Tanggi ko sa kanya. Nakita ko naman ang iba nyang mga barkada, yung iba hindi naman pamilyar sa akin.

“naku kayo na lang. sige aalis na ako.” Bigla naman akong hinawakan sa kamay. Medyo iba na ang pakiramdam ko sa mga oras na yun. Tumingin ako sa paligid pero hindi naman puntahan ng tao doon. Bigla akong kinabahan.

“sige na feliz. Minsan lang naman to e.”

“ayoko talaga! Ano ba?!” sumigaw na ako.

“ang kj mo naman” mas lalo nyang hinigpitan yung pagkakahawak nya sa akin. Nagpumiglas na ako.

“ano ba?!! Bitawan mo nga ako!” mas lalo akong nagulat ng may bigla ulit humablot ng kamay ko sa likuran ko. Napapikit na lang ako ng napasandal ako dibdib ng humablot sa akin sa likuran. Akala ko kasamahan din nila iyon. Pero nung nagsalita na sya, alam kung ligtas na ako sa kapahamakan.

“hindi sya sasama sa inyo!”

“pwede ba allen, wag kana makielam dito kung ayaw mong madamay” sabi nung isa pa nilang kasama.

“panu kung gusto kong madamay?”

“ah talaga!” nang susugod na yung kasama ni sean ay pinigilan nya ito.

“tama na pare, kilala ko naman yang si allen. Kahit anong gawin natin hindi nya papayagan si feliz na sumama sa atin” tumalikod na ito. “pasensya na feliz, kung natakot ka namin.” Yun lang at umalis na ito. Sumunod na rin ang iba pa nyang barkada.

Nakahinga na ako ng maluwag ng umalis sila akala ko pagkakabasagan na ng muka dito e. kawawa naman ang gwapong muka ni allen kung nagkataon. Wait! Speaking of allen. Bigla na naman bumalik ang awkwardness ko sa kanya.

“ayos ka lang?” tanong nya.

“a-ah. O-oo s-salamat.” Nakayuko kong sabi, syempre nahihiya ako sa kanya noh!

Napansin kong hindi pa din nya binibitawan ang kamay ko. Pasimple ko itong hinila pero imbes na bitawan nya lalo pa nya itong hinigpitan. OMG! Kinikilig ako! Easy lang feliz. Yan ka naman ah.

“tara ihahatid na kita.” Naglakad na kami habang magkahawak ang kamay. Medyo nahihiya na kinikilig na naiilang ang pakiramdam ko. Gusto ko sana itanong kung bakit sya nandito, mamaya pa naman ang uwi nya. Syempre alam ko ang schedule nya. kaso nahihiya ako e. tahimik lang kami habang nglalakad.

Maya mya pa ay bigla syang nagsalita.

“nagtataka kaba kung bakit ako nandito, e mamaya pa naman ang uwian namin?”lumingon sya sa akin ng nakangiti. Namiss ko ang mga ngiti nya. Ngayon na lang ulit ko sya nakitang ngumiti.

“a-ah m-medyo”

“sinundan kasi kita nung nakita kong pauwi kana.” Napatingin ako sa kanya. Totoo ba tong narinig ko sinundan nya ako?! Shemay!! >.< im so kinikilig!!

“s-sinusundan mo ako?”

“oo, nakita ko kasing sinundan ka ng mga yun. Alam kong may gagawin silang hindi maganda. Kaya sumunod ako” paliwanag nya.

Para naman akong naluge nung marinig ko yung explanation nya. TSS! Akala ko pa naman namimiss nya ako. Asaness ka naman feliz!         Yumuko ulit ako at bigla kong hinila ang kamay ko sa kanya.

“okey na ako dito. Sige na pwede kana bumalik sa klase mo. Pasensya na sa istorbo.” Nakasimangot kong sabi.

“ok.” Yun lang at tumalikod na ito.

Alam nyo kung ano yung itsura ko?! Ganito

(0_______________O)

(--_________________--)

Grabe! Wala man lang pakipot na kunwari concern sa akin. Umalis agad. Nakakainis ka allen!! Nagdadabog ako habang naglalakad.

“HOLDAP TO!”

Napasigaw ako bigla. Paglingon ko si allen. Napa-iyak naman ako sa sobrang takot akala ko totoong naholdap ako.

“F-fel? S-sorry na, wag kana umiyak.”

“I hate you! Huhuhu” iyak pa din ako ng iyak. Huminto lang ako sa pag ngawa ng bigla nya akong niyakap.

“sorry na feliz, wag kana umiyak. Sorry po” bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi na ako nagulat dun, tanggap ko naman na e. Tanggap ko na, na mahal na mahal ko  itong lalakeng ito.

“pinapabalik mo pa kasi ako sa school, alangan namang mas unahin ko ang pag-aaral ko kaysa may mangyaring masama sayo.”

“s-syempre naman dapat unahin mo yun.”

“tara na nga, ihahatid na kita sa inyo.” Hinawakan nya ulit ako.

Huminto ako at hinila ang kamay ko.

“ano ba allen?! Diba sabi ko sayo wag kana maging caring sa akin. Nakalimutan mo na ba?! Tapos hinahawakan mo pa ang kamay ko. S-sige ka iisipin kong may gusto ka na rin sa akin” yumuko ulit ako.

“oo na hindi na mauulit to.” Hinawakan nya ulit ako. “bahala ka sa iisipin mo” ewan parang sumimangot at lumungkot ang muka nya sa sinabi ko. O baka naman guni-guni ko lang yun.

Wala nang salitaan sa aming dalawa hanggang sa makauwi na ako.

“salamat sa paghatid”

“total naman sinuway ko ang kagustuhan mo ngayon, lulubus lubusin ko na ito”

“ha?!” teka ano bang pinagsasasabi nito?!

Lumapit sya sa akin and he kissed me on my cheek. Tapos dire-diretso syang umalis.

Natulala ako dun sa ginawa nya. Napahawak na lang ako sa pisngeng hinalikan nya.

ALLEN’S POV

Hindi ko alam kung bakit ko sya hinalikan sa pisnge. Napapailing na nakangiti ako habang naglalakad pauwi. Almost one month na, feeling ko hindi ko na kakayanin to. Hindi ko na kakayaning hindi sya pansinin. I missed her so much! Nakauwi din agad ako sa bahay, magkalapit lang naman kami ng inuuwian. Dumeretso ako sa kwarto ko at Humiga ako sa kama Kinuha ko ang cp ko. Ang tagal ko tong tinitigan. Gusto kong itext si feliz pero pinigilan ko ang sarili ko. Ewan parang may sariling buhay ang daliri ko.

. goodnight feliz. Mag ingat kana sa susunod ah. Mag aalala ako sayo. And bagay sayo ang new look mo. You look more beautiful. Lalo ka tuloy lalapitan ng mga boys. Tss!

Message sent!

Totoo namang lalo syang gumanda sa ayos nya. Bumagay sa kanya ang black hair nya. hindi ko nga sya nakilala nung nakasalubong namin sya sa hallway noon e. 

my snob bestfriend (ON-GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon