Chapter 2
Lumabas na ako sa salon. Nakaka asar talaga! Hmp! Bakit ba ksi dun ako nagpasalon.
Nagdire-diretso lang ako, nang biglang may bumunggo sa akin at take note ang lakas. Tiningnan ko yung guy na nakabunggo saken.
“ano ba! Bulag ka ba?!!” sigaw ko sa lalake.
“miss ikaw tong hindi tumitingin sa dinadaan e!” sigaw din nung lalake.
“wow! Ako pa ang may kasalanan ngayon. Hiyang hiya naman ako sayo mister! Get lost!” inirapan ko muna ang lalake bago ako lumakad palayo.
Batrip na araw to! Bakit ang malas ko mabait naman akong tao.
Oo mabait ako
Oo nga sabi e
Mabait talga ako.
Hay cge na nga minsan lang.
Tiningnan ko yung relo ko. 2:00 pm na. asan na kaya ung hinayupak kong bestfriend.>.< alam naman nyang ayoko nang pinaghihintay ako. Lagot tlaga saken ung lalakeng yun. Naku!!
After 20 minutes.
“sorry fel. I’m late, natraffic kasi ako e” habol ang hininga nyang sabi.
Hindi ako nagsalita. Asar na asar talga ako sa kanya ngayon idagdag pa ung mga kamalasan na napagdaanan ko ngayong araw.
“feliz sorry na.” nagpacute pang sabi ni allen. “sorry na o”.
Masama pa din ang tingin ko sa kanya.
“fel, wag ka na magalit.”
“I hate you!!” sigaw ko sa kanya.
“Ouch! Don’t be please..” nagpapaawa pang sabi ni allen.
Pag ganyan na ang ginagawa ni allen hindi na ako makatanggi sa kanya. Pasalamat sya mahal ko ang bestfriend ko.
“fine. Basta ililibre mo ako ngayon”
“sure!”
“yey!! Tara mall tayo”
“copy mam!” nagsaludo pa .natawa naman ako sa kanya.
Ganito lang ang buhay namin nang bestfriend ko, away-bati, bati-away. Pero hindi pwedeng matapos ang isang araw na hindi kami magbabati. Pero dahil nga ma-pride ako, sya lagi ang sumusuyo sa akin. At magpapalibre ako sa kanya. Napakaswerte ko talaga at naging bestfriend ko si allen. Sya lang talaga ang tumatagal sa ugali ko bukod kay manang lumen.
Pareho kameng 3rd year college sa Delfin University, isa sa mga sikat na unibersidad dito sa Pilipinas. Culinary arts ang kursong kinuha ko, gusto ko kasing matutong magluto. Syempre as a girl dapat marunong kang magluto. Yan ang laging sinasabi ni manang lumen sken. Kaya twing nagpapractice akong magluto sa bahay, dapat andun din si Allen. Syempre sya ang patitikimin ko nang mga niluluto ko. Kaya laging nakabusangot ang muka nito sa tuwing malalaman nyang magpapractice na naman akong magluto. whahaha
Ang kinuha namang course ni allen ay may kinalaman sa music. Talented kasi itong lalakeng ito, halos lahat nang instrument alam nito gamitin. Galing-galing talaga *o*CLAP CLAP* o*
Bukas na ang simula nang klase namin. Dahil nga magkaibang magkaiba kame nang kurso ni allen. Hindi ko sya kaklase sa lahat nang subject. How sad namanL. Pero nangako naman sya na lagi nya akong pu2ntahan sa room ko.
----------------
~MONDAY MORNING. START OF CLASS 7:00 AM
Maaga akong nagising dahil syempre umpisa na nang klase ngayong araw. Excited na ako ahhaha. Namimiss ko na ang mga suitors ko at mga haters at the same time.
“o buti naman gising na ang pinaka maganda kong alaga” bati sken ni manang Lumen.
“manang naman, ako lang naman ang alaga nyo dito e” naka pout kong sabi.
“ay oo nga pala. Hahaha”
“pero maganda naman talaga ako manang diba?” nagpapacute pa ako.
“oo naman noh! Ikaw ang pinaka maganda sa balat nang lupa” sabi ni manang.
“I love you manang!!”
“I love you too. Dine-dine”
Niyakap ko si manang.
“kaya lumalaki ang ulo nang alaga nyo manang e.” natatawang sabi nito.
Napatingin naman ako nang masama sa nagsalita.
“ang yabang mo talaga allen!!”
“nagbibiro lang naman ako, fel” umupo si allen sa tapat ko.
“bakit ka nandito?”sabi ko.
“masama na ba ako pumunta dito? At hindi naman ikaw ang pinunta ko dito, si manang Lumen. Namimiss ko na ksi ang luto nya e.”
“hmp! Kaya naman pala” nakasimangot na ako.
“joke lang! ang cute cute mo talaga fel. Andito ako para sabay tayong pumasok sa school ngayon.”
“talaga sabay tayo? Diba magkaiba tayo nang sched??”
“yeah. Pero tuwing Monday alas-siete din ang pasok ko. Kaya tuwing Monday lagi kitang susunduin dito at sabay tayo papasok”
“yehey! Sayang tuwing Monday lang”
“okey lang yan. Nagsasawa na rin naman ako sa pagmumuka mo e” natawa pa si allen.
“ang sama mo talaga!! I hate you!!”
“I love you! Joke lang ito naman. Paano ako magsasawa sa muka mo e,ang ganda ganda mo”
Nagblush naman ako.
“ano ka ba allen. Matagal ko nang alam yun”
“grabe ka fel. Napaka humble mo talaga”
Sumingit naman si manang.
“mga bata tama na ang bolahan. Malalate na kayo” natatawang sabi ni manang.
“salamat manang Lumen at pina alala nyo. At matatapos na din ang pambobola ko kay feliz”
Tiningnan ko na naman sya nang masama.
“joke lang ulit” haahaha tatawa tawa pa.
“isa pang joke kokotongan na kita” pambabanta ko kay allen.
“hindi na po. tara na umalis na tayo”
Tumayo na si allen, tumayo na din ako.
At dahil 19 na si allen. Nakakuha na din sya nang driver’s license. Buti pa sya, e ako mag na-nineteen pa lang sa july 1. Hay buhay.parang life.
VOTE VOTE . COMMENT COMMENT. AHAHHA
MAKULET PO BA AKONG AUTHOR . AISHITERU MGA READERS KO.
ENJOY!!
BINABASA MO ANG
my snob bestfriend (ON-GOING)
Teen FictionBESTFRIEND?? paano kung nainlove ka sa iyong bestfriend? what if nasabi mo nga, pero lumalayo naman sya sayo. isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan kapalit nang iyong nararamdaman o hahayaan mo na lamang na maging friends kayo forever ?! mahira...