FELIZ’S POV
“BWISIT! BWISIT! BWISIT! BWISIT!” mula ng makita ko yung yakapan moment ng dalawang yun puro bwisit na lang lumalabas sa bunganga ko. E panu nakakabwisit talaga! Bwisit!!!! “I HATE YOU I HATE YOU! BWISIT!!” umupo ako sa bakanteng bleachers, maya maya pa naman gaganapin ang championship ilalabas ko muna ang sama ng loob ko dito. “Walanjong allen na yun! Hahalik halik pa sa akin hindi naman pala kayang panindigan! Ito naman ako nag-assume pa. Peste naman tong puso na to puro asa na lang ang alam.” Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang. “Sabi ko hindi na ako iiyak sa kanya e.!” tapos hindi ko na napigilan ang sarili ko tuloy tuloy na ang tulo ng luha ko.
Nabigla ako ng may bumato sa saken ng towel.
“Panget mo talaga! Iiyak iyak ka pa. feel na feel mo talaga enoh? Feeling mo maganda ka pag-umiiyak ka?!” si zack.
Sabi na si zack na naman. Bakit ba lagi akong nahuhuli ng abnormal na ito sa twing umiiyak ako dahil kay allen.
“maya maya pa ang laro nyo ah. Bakit nandito kna agad?!” Segway ko.
“kinakabahan ako e.”
Napalingon naman ako dahil sa sinabi nya. Tiningnan ko kung seryoso ba ito.
“Seryoso ka?” gulat na tanong ko.
Syempre hindi ko ini-expect na sasabihin yun ni zack. Si zack na soooooobrang hangin kinakabahan din pala??!! Omeged! Magpapa-fiesta ako. Hahahaaha.
“oo naman noh.” Seryoso pa rin sya.
“grabe agaw eksena ka naman. Ako tong nageemote dito e.”
“ganon ba?! Pahiram muna ako ng moment mo ah.”
Napabuntong hininga sya.
“gusto ko talaga manalo. Gusto ko talagang mapasaken si coleen. Marami akong gustong patunayan sa kanya. Gusto kong maibalik yung pagmamahal nya sken. Sana hindi pa huli ang lahat.” Patuloy nito.
Sa totoo lang ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni zack. Yung tipong nanghihina at natatakot sya.
Inakbayan ko sya.
“syempre naman hindi pa huli ang lahat. Gawin mo ang best mo sa laban. Matalo o manalo atleast ginawa mo ang lahat at sigurado akong maaappreciate na ni coleen yun. At sana kung dumating na yung 2nd chance mo, wag na wag mo na syang sasaktan pa kahit kailan dahil pag sinaktan mo ulit sya yare ka saken!”
“talagang hindi na. lahat ng mga kasalanan ko sa kanya pinagsisisihan ko na. mahal na mahal ko talaga sya”
Coleen’s POV
“talagang hindi na. lahat ng mga kasalanan ko sa kanya pinagsisisihan ko na. mahal na mahal ko talaga sya”
Lalapit sana ako kay feliz ng maabutan kong nag-uusap sila ni zack ng masisinsinan. Alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba pero syempre narinig ko ang pangalan ko at na-curious ako. Lahat ng usapan nila malinaw kong narinig. Ewan parang kinilig ako sa narining ko. Pero parang natatakot din akong isugal ulit ang puso ko. Hay naku! Ewan ko. :/
“hi coleen. Anong ginagawa mo dyan?” si sky.
“a-ah n-nagpapahangin hehe.” Nauutal kong sabi.
“manunuod ka ba mamaya sa championship?”
Ewan ko parang may lungkot sa boses nya.
“oo naman, syempre manunuod ako. Galingan mo ah. Ichecheer kita”
Mas lalo namang lumungkot ang muka nito.
“may problema ba?” tanong ko.
“p-pag nanalo kami, magiging kayo na ni zack diba?”
Ah, yun pala ang iniisip nya.
“ang hirap ng sitwasyon ko” pagpapatuloy nito “gusto kong manalo na parang ayaw. Ayoko maging kayo ni zack e.”
Natulala naman ako sa sinabi nya.
“s-sky.”
Ngumiti sya at pilit pinasigla ang boses.
“ano ba tong mga sinasabi ko. Di bale mananalo kame. Para sayo ang laban ko. Manuod ka ah. Sige mauna na ako para maghanda” sabi nya.
Paalis na sana sya ng bigla syang humarap at yakapin ako ng mahigpit.
“alam ko naman na mas gusto mo si zack e, handa naman ako magparaya.”
“sky ----”
Nagulat ako ng may biglang sumuntok sa kanya ng malakas.
“zack!”
Oo tama, si zack nga yun. Nakita kong dumugo ang gilid ng labi ni sky dahil sa lakas ng suntok ni zack.
“bakit mo sya sinuntok!!” sigaw ko kay zack.
Inalalayan ko si sky makatayo.
“okey ka lang?” pag aalala ko.
“yeah. Ayos lang.”
Imbes na gumanti si sky kay zack, nginitian nya lang ito ng nakakaloko.
“ano ka ba naman zack?! bakit mo ginawa yun?” sita naman ni feliz.
Lumapit si sky kay zack at may binulong.
“Goodluck na lang sa laban zack” at umalis na sya.
A/N : TSK TSK! GANYAN MAGSELOS SI ZACK ANG HARD AHAHAHHA. XD
HOW’S THIS CHAPTER GUYS ? NYEHEHEHE. :P
VOTE. COMMENT <333
BINABASA MO ANG
my snob bestfriend (ON-GOING)
Novela JuvenilBESTFRIEND?? paano kung nainlove ka sa iyong bestfriend? what if nasabi mo nga, pero lumalayo naman sya sayo. isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan kapalit nang iyong nararamdaman o hahayaan mo na lamang na maging friends kayo forever ?! mahira...