FELIZ’S POV
~UWIAN NA!! kasama ko ngayon si coleen na halata pa rin ang pagkabigla sa sinabi ni zack kanina.
“are you okey?”
“I d-don’t think so”
“okey lang yan coleen. Nakakatuwa nga kayo kanina e. akalain mong may gusto sayo si sky. Nakakagulat yun. Grabe friend, ang haba ng hair mo. Sino ba sa kanila?”
“ano ka ba feliz, para namang seryoso yang zack na yan” biglang lumungkot ang muka nito.
“sya pa din ba?”
Hindi sya sumagot.
“nag aalala kaba na baka masaktan ka ulit?”
“siguro nga fel. Hindi alam ang takbo ng isip ni zack. Natatakot akong masaktan ulit”
“wag kang matakot coleen, sundin mo ang laman ng puso mo. Muka nmang mahal ka na ni zack e. Tiwala lang. Sige na coleen. I’m here na. bye. Pag-isipan mo ang sinabi ko” nauna na ako. Hay ang gulo ng love life ni coleen, parang yung akin kang napaka complicated. Naalala ko na naman si allen at yung nangyari kanina. Nalungkot na naman ako. Nadaanan ko naman ang bahay ni allen. Huminto muna ako sa tapat nun. I missed you allen, sana hindi ko na ipinaalam ang nararamdaman ko sayo, hindi sana tayo ganito ngayon.
Biglang bumukas ang pinto nila at inilabas nun sina allen at Leila na magkahawak ang kamay. Bigla akong natulala sa kinatatayuan ko. Napatingin din sya sa akin. Pareho kaming nagulat pero nakabawi sya agad. Parang gustong tumulo ng luha ko sa nakikita ko. Parang sampung kutsilyo ang tumarak doon. Naglakad ako palayo ng mabilis. Wala na akong Makita sa dinadaanan ko dahil sa mga luha ko. Basta gusto ko lang na makauwi agad sa bahay. Hindi ko alam kung gaano ako kabilis nakauwi at nakapasok sa kwarto ko. Iiyak ako ng iyak. Ang hirap! Ang sakit! Bakit nya ako binabalewala. Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa. Kasalanan ko naman to e. tanga kasi ako. Masyado akong nag eexpect ng malaki. Ang daya naman! Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nakatulugan ko na ito.
ALLEN’S POV
Kitang kita ko kung paano nasaktan si feliz ng Makita nya kami na magkahawak kamay. Pinlano namin ito ni Leila kanina. Gusto ko syang habulin kanina at i-comfort pero pinigilan ako ni Leila.
“ano kaba allen? Kung susundan mo sya mas lalo mo syang masasaktan. Aasa na naman sya”
“bakit ganon mas nahihirapan ako pag nakikita ko syang nasasaktan. Tulad ngayon, ang hirap naman nito Leila.” Napasambunot ako sa buhok ko.
“it’s okey allen. Para rin sa kanya to. Balang araw magpapasalamat pa sya sayo. Naguguilty ka lang”
“siguro nga. Guilty lang ako kaya nasasaktan din ako pag nakikita ko syang nasasaktan ng dahil sa akin”
“o pano uuwi na ako. Nasa labas na ang sundo ko. Bye”
“sige. Ingat bye” then umalis na si Leila. Tinanaw ko ang bahay nila feliz. “hay feliz, ano bang gagawin ko sayo? Pinapahirapan mo naman ako” nagdesisyon na ako, kelangan ko na makipag ayos kay feliz. Dumiretso na ako sa bahay nila.
“o allen, long time no see ah. Bakit ngayon ka lang napadalaw?” bati sa akin ni manang lumen.
“m-medyo busy po e. nasaan po si feliz?”
“andun sa kwarto nya. parang may sakit ang tamlay e. puntahan mo nga sya”
“s-sige po” dumeretso ako sa kwarto nya. kumatok ako.
Walang sumagot. Binuksan ko ito. Buti hindi naka lock. Nakita ko syang nakahiga patalikod sa pinto. Pumasok ako at umupo sa gilid ng kama nya. bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.
“fel?!” nagulat naman sya at mabilis na napaupo.
“a-allen?” halatang galing sya sa pag iyak.
“pwede ba tayong mag usap? About kanina”
Yumuko sya. Biglang tumulo ang luha nya. pinunasan ko ito.
“wag ka naman ganyan feliz, nasasaktan din ako sa nangyayari.”
“s-sorry allen. Kasalanan ko to e. sana pala hindi ko na sinabi sayo. Sana hindi tayo ganito ngayon.”
“no fel, it’s not your fault. Hindi mo lang to inaasahan.”
“kayo na ba?” bigla syang tumingin sa akin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Yung totoo ba o hindi. Bigla syang ngumiti. “ito na naman ako, tatanga tanga. Nagtatanong pa ako e obvious naman”
“fel”
Pinasigla nya ang boses nya. “okey lang allen . ano kaba?! Siguro magiging okey din ako. Wag mo ako isipin a-allen. K-kung saan ka m-magiging m-masaya go lang!”
Niyakap ko sya.
“sshhh. Tama na feliz. Alam mong ayokong nagkakaganito ka.” Bigla syang humagulgol. Niyakap ko sya ng mahigpit.
“pagkatapos nito, kakalimutan ko na ang lahat. Baka nga pansamantala lang itong nararamdaman ko sayo. Mawawala rin s-siguro to” tiningnan ko lang sya.
“okey na ako allen. Salamat at dineretso mo ako at naging tapat ka”
Matagal kami sa ganong sitwasyon. Nakayakap lang ako sa kanya.
“allen?”
“hmm?”
“pwede ba akong humingi ng pabor sayo?” tiningnan nya ako ng diretso sa mata.
“ano yun?”
“p-pwede bang wag ka na maging caring sa akin, wag na rin tayo masyadong magpansinan. O kaya wag kana masyadong mabait sa akin” malungkot nitong sabi.
“f-fel? B-bakit mo naman nasasabi yan?” naguguluhan naman ako sa mga pinagsasabi nya.
Umayos sya ng upo.
“para madali na lng kita makalimutan pati ang pagkagusto ko sayo. Kasi kung palagi kang ganyan sa akin, na mabait at caring baka mamali na naman ako ng intrepretasyon sa mga kinikilos mo” umiyak na naman sya.
“Naiintindihan ko feliz. Sige kung yan ang gusto mo. Pero ipangako mo sa akin na hindi kana iiyak pa”
Tumango lang sya.
“s-salamat sa f-friendship allen. Salamat sa lahat.” Niyakap nya ako ng mahigpit. Ganon din ang ginawa ko sa kanya.
Kahit masakit kailangan namin gawin ito. Ang nakakalungkot lang bakit kailangan humantong pa kami sa ganito. Para kay feliz gagawiin ko ito.
BINABASA MO ANG
my snob bestfriend (ON-GOING)
Teen FictionBESTFRIEND?? paano kung nainlove ka sa iyong bestfriend? what if nasabi mo nga, pero lumalayo naman sya sayo. isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan kapalit nang iyong nararamdaman o hahayaan mo na lamang na maging friends kayo forever ?! mahira...
