COLEEN’S POV
Agad akong sumabay kay sky palabas ng room. Nagulat na lang ako ng biglang hilahin ni zack ang kamay ko.
“z-zack?!”
“halika samahan mo ko” seryoso sabi ni zack.
“a-ayoko! A-ano ba!?” kinakabahan talaga ako pag kasama ko tong zack na to.
Sumingit naman si sky.
“wag mo syang pilitin, kung ayaw nya” matigas ding sabi ni sky.
“sino kaba?! Ano bang pakielam mo??!” teka wag naman po sana silang mag away. >.<
“ano ba zack? Wag kang gumawa ng gulo. Please.” Pumagitna ako sa dalawa.
“then sumama ka saken”
Kelangan kong samahan tong immature na taong to
“sige na sky. Okey lang ako. Mauna kana” paalam ko kay sky.
Tiningnan masama ni sky si zack. Tapos nagsalita.
“sige coleen. Una na ako. Bye” seryoso nitong sabi.
“b-bye” hinila ko na ako ni zack palayo dito. Bastos talaga. >.<
“ano bang kailangan mo?! Bitiwan mo nga ako!” pagpupumiglas ko kay zack.
Kanina pa kami lakad ng lakad. Napapagod na ako. Hindi pa ako kinakausap ng lalakeng to.
Hinarap ako ni zack.
“ayoko ng nakikita kitang kasama ng lalakeng yun” seryosong sabi nito.
Nagulat naman ako sa sinabi nya. Pinagtitripan na naman ba ako ng lalakeng toh?!
“bakit zack?! Ano ba kita ha?! Bakit mo ba ako pinakikielaman!” naluluha na ako habang nagsasalita.
Ngumisi sya. ”diba ako ang future husband mo?”
Sabi na ito na naman sya. Kailan ba ako titigilan ng lalakeng to?! Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
“bakit ka ba ganyan zack? Bakit mo ba ako ginaganito?! Lumayo na ako diba?! Tinigilan na kita.” Nag umpisa na akong umiyak. Buti na lang at dinala nya ako sa hindi mataong lugar ng school namin. “matagal na akong nagbayad sa lahat ng perwisyong dinulot ko sayo! Kulang pa ba yun ha?! Ano bang gusto mong gawin ko?! Sobra na zack! Ayoko na! tama na please. Tama na” humagulgol na ako. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Matagal ako sa ganong kalagayan. Hindi rin nakapagsalita si zack. Nang medyo okey na ako, inayos ko na ang sarili ko. At naglakad palayo.
Bago ako umalis ng tuluyan nagsalita ako. Hinarap ko sya.
“tigilan mo na ako zack. Mabuti pang maging strangers na lang tayo sa isa’t-isa.” Yun lang at umalis na ako.
ZACK’S POV
“Mabuti pang maging strangers na lang tayo sa isa’t-isa.”
“Mabuti pang maging strangers na lang tayo sa isa’t-isa.”
“Mabuti pang maging strangers na lang tayo sa isa’t-isa.”
Napaupo ako sa isang tabi. All this time ganito na pala ang nararamdaman ni coleen. Kitang kita ko sa mga mata nya na sobrang sakit na ang nararamdaman nito at dahil yun sa akin. Ano kaba naman Zack?! Bakit mo ba ginaganito ang babaeng mahal mo?! Oo mahal ko si Coleen noon pa man. Natatakot akong sabihin sa kanya dahil baka hindi sya maniwala. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya.
“Mabuti pang maging strangers na lang tayo sa isa’t-isa.”
Maging strangers? Hindi ko ata kaya yun coleen. Ayoko. Hindi ako papayag.
BINABASA MO ANG
my snob bestfriend (ON-GOING)
Ficção AdolescenteBESTFRIEND?? paano kung nainlove ka sa iyong bestfriend? what if nasabi mo nga, pero lumalayo naman sya sayo. isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan kapalit nang iyong nararamdaman o hahayaan mo na lamang na maging friends kayo forever ?! mahira...
