LEILA’S POV
“diba nilalayuan mo sya para makalimutan ka nya?! then tutulungan kita. Allen you know that I like you. Be my boyfriend”
“w-what?”
“sabi ko gusto kitang maging boyfriend. Sa ganong paraan tuluyan ng lalayo ang loob nya sayo. Don’t worry palabas lang naman natin to”
“im sorry Leila, pero ayokong gamitin kita para lang dito. Okey lang ako. Salamat sa concern”
“it’s okey allen. Gagawin ko to para sayo. Akong bahala okey” pagpupumilit ko.
“pero Leila—“
“wala ng pero pero. It’s a deal!” then bumalik na ako sa upuan ko.
Ito na ang pinakaaantay ko. Okey lang kahit magpapanggap muna kami ngayon pero I’m pretty sure na darating din ang panahon na magiging totohanan to. I swear. Poor feliz.
FELIZ’S POV
Andito ako ngayon nag-eemote na naman and take note kasama ko na naman tong lalakeng baliw na to. Sino ba pa e di si zack! Nung nagtakbuhan kasi kami kanina nito nauna sya sa akin sa room pero tinakasan ko sya sa deal namin. Tinaguan ko sya sa quadrangle kaya’t nakita ko si allen na kakadating lang sa school. Nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko sya o hindi. Ang ginawa ko inunahan ko syang pumunta sa room nya at dun na lang sya balak kausapin. Akala ko magkakaayos na kami pero nagkamali ako. Iniiwasan nya ako all the way. Ito na ang bunga ng katangahan ko. Kaya ngayon iiyak iyak ako.
“tama na bestfriend wag ka ng umiyak” sabi sken ni zack.
“bakit sya ga-ganon? Wala ba a-akong h-halaga sa k-kanya?!” tuloy tuloy pa rin ang pag agos ng luha ko.
“wag mo ng isipin muna yun. O ito tissue pa” si zack ang taga abot sa akin ng binili nyang tissue, sabi nya kanina bibili lang daw sya ng toilet paper. Walang hiyang to muka ba akong inidoro??
“s-salamat. Huhuhu. I-I l-love him zack! I love him” para akong tanga dito habang nakasalampak sa semento sa gilid ng quadrangle.
“sige iiyak mo lang yan. Tissue pa” inabutan na naman nya ako. Buti na lang pala at nandito si zack ngayon may dumadamay sa akin. Kahit muka lang syang ewan kaka abot ng tissue sa akin.
“h-hindi nya ba a-ako m-mahal?”
“tanga lang yung lalakeng yun. Mas deserving ka sa iba. Bakit hindi ka humanap ng lalakeng katulad ko. Macho na gwapo pa” pagmamalaki pa nito.
“k-kapal mo ah!”
“eto naman nagbibiro lang.”
Tinabihan ako ni zack at inakbayan.
“alam mo best. Lalake lang yan. Kung ayaw nya sayo it’s his lost. Tanga sya dahil binabalewala ka nya ng ganito. Binalewala nya ang isang babaeng mabait, maganda, matalino. Ano pa ba?!!”
“t-tumigil ka n-nga! Puro ka kalokohan.” Medyo nahihimasmasan na ako. “p-pero s-salamat sayo ah.”
“no problem. Basta pag kelangan mo ng mang-uuto sayo, I mean magkokomfort sayo andito lang ako”
“bwesit ka! Pero salamat”
“ano okey kana?”
“oo”
“okey tumayo ka na dyan at halika na. 2 subject na tayong hindi umaatend”
“s-sige” at inayos ko muna ang sarili ko atsaka tumayo na.
Kahit mugto pa ang aking mata pumunta na kami sa 3rd subject namin.
COLEEN’S POV
Magkasabay na pumasok sina zack at feliz sa aming 3rd subject. Ibig sabihin magkasama sila mula kanina. Akala ko nagbago na si zack. Hay naku coleen, umaasa ka na naman. Bumuntong hininga ako. Pinagpatuloy ko na lang ang ginawa namin. Andito kasi kami ngayon sa kitchen naghahanda ng bagong specialty.
CHUP ~
Nagulat ako ng bigla akong halikan ni zack sa pisnge.
“good afternoon. Coleng! Namiss mo ba ako. Pasensya kana ah at hindi ako nakapasok sa 2 subject. Sinamahan ko kasi si feliz kanina kasi broken hearted.” pagpapaliwanag nya sa akin.
“hindi ko naman tinatanong. Atsaka wag mo nang uulitin yung ginawa mo!”
“yung alin? Ito ba?” then kissed me again sa kabilang pisnge naman. Saktong napatingin sa amin si mam.
“hey. Lovebirds pwede mamaya na yang lambingan nyo.” Naghiyawan naman ang mga kaklase ko.
“okey po mam” sagot ni zack. Pumunta na sya sa pwesto nya. Badtrip! >.<
Pumwesto naman na si zack sa bandang likod ko.
“I love you” bulong ni zack. Napahinto naman ako sa ginagawa ko. Gusto ko syang lingunin pero pinigilan ko ang sarili ko. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. \
“pst! Sabi ko I love you” bumulong na naman sya, hindi ko alam kung sino ba ang kinakausap nya. deadma ulit.
May kumalabit sa akin. Nilingon ko sya. Si zack.
“bakit?” tanong ko.
“binge ka ba? Kanina pa ako nagsasalita dito hindi ka nman sumasagot” iritadong sabi nito.
“ha? Sorry busy kasi ako e.” tinalikuran ko ulit sya. Ako ba ang sinasabihan nya nun?! Hah! Imposible. >.<
“coleng I love you!!” sigaw nya. naglingunan naman ang mga kaklase ko. Nagulat ako sa sinigaw nya. Ano na naman ba ang kalokohan nitong lalakeng toh?! Ako na naman ang trip. Tss!!!
“alam namin yun mr. villalobos. Hindi mo na kelangan ipagsigawan yun” sabi ni mam na halatang kinikilig.
“kasi naman mam, hindi nya ako sinasagot. Kanina ko pa sya sinasabihan ng I love you pero deadma lang” napalingon ako sa kanya. Ayun nagtilian na naman ang mga kaklase kong babae.
“ah. Ganon ba?! Ms. Pressman,” tumingin saken si mam. “pwede bang sagutin mo na yang boyfriend mo. Para tumigil na” another hiyawan na naman.
Tinignan ko ng masama si zack. Ngiting ngiti naman ang loko. Parang nang aasar.
“e hindi naman po nya boyfriend si zack e” nagulat ako sa biglang pagsasalita ni sky. Tumingin sya sa akin. “pwede ba kitang ligawan coleen?” seryosong tanong nya na sobrang ikinabigla ko. Ano daw?! Tama ba ang dinig ko? Napa “oh” naman ang mga kaklase ko.
“h-ha??” naguguluhang tanong ko.
“sabi ko pwede ba kitang ligawan.” Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Bigla naman akong napatingin kay zack na ngayon ay sobrang sama na ng tingin kay sky.
“s-sky?? N-nagbibiro ka lang diba? A-ang ganda ng joke mo ah. Hahaha” ngiwi ko.
“seryoso ako. I like you” tumingin sya kay zack. “pwede ko naman sya ligawan diba?”
“no!” mabillis na sagot nito.
“woooo!!! Gandang love story toh!!!” sigaw ni Julius.
“bakit hindi pwede??” tanong ni sky.
“dahil engaged na kami”
Yung itsura ko sa sinabi nya ---à (o____0)
Nagkatitigan naman sina zack at sky.
“okey guys! Tama na yan! Back to business na! masyado na kayong hot” natatawa namang sabi ni mam.
BINABASA MO ANG
my snob bestfriend (ON-GOING)
Fiksi RemajaBESTFRIEND?? paano kung nainlove ka sa iyong bestfriend? what if nasabi mo nga, pero lumalayo naman sya sayo. isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan kapalit nang iyong nararamdaman o hahayaan mo na lamang na maging friends kayo forever ?! mahira...
