Overall, nagpakita ng kanya-kanyang gilas ang players para manalo sa iba’t ibang larangan. Lalong lalo na ang mga players in basketball. May mga natalo at umuweng sawi at syempre meron ding mga nagdidiwang sa pagkapanalo. Isa na doon ang dalawang team na pasok sa championship. Ang team LEYTE at team PALAWAN. Sobrang tindi ang pinakita nilang laban, at ngayon magkakaalaman kung sino ang magiging overall champion this year.
Habang inaantay na ang pagtutunggali ng dalawang kampo, nagmeeting muna ang kani-kanilang team mates.
COLEEN’S POV
“This is it guys! Championship na, ang pinaka aabangan nating lahat. Ngayon pa ba tayo magpapatalo sa kanila?!” masiglang sabi ni vince.
“syempre hindi!” sigaw ng buong team.
Tumayo naman sa upuan ang baliw na si Zack.
“Guys kelangan natin manalo! Dito nakasalalay ang kaligayahan ko.” Sabay tingin sa akin.
Sabay sabay naman naghiyawan ang buong klase except kay sky. At syempre ako naman itong hiyang hiya.
“Mananalo kami para sayo coleen. Para sayo ang laban ko.” Sincere na sabi ni zack.
At muli naghiyawan na naman ang buong klase.
Grabe talaga ang lalakeng ito, ang kapal ng muka!
“wag ka muna magsalita ng tapos zack.” nahihiyang sabi ko.
Hindi sya nagsalita kundi ngumiti lang sya at lumapit sa akin.
~CHUP :*
Hindi ko inaasahan ang ginawa ni zack. Hinalikan nya ako sa lips. Although smack lang pero iba talaga ang impact sa akin. Napa-“oh” na lang ang aming mga kaklase.
“thank you sa lucky charm” nakakalokong sabi ni zack sa akin.
Walanjo talaga! >.<
Kinotongan naman sya bigla ni feliz.
“maniac! Hindi pa nga kayo nananalo, nagnakaw ka na agad ng kiss!”
“hindi yun nakaw noh! And besides ginawa, ginagawa at gagawin din naman namin yun.” Lalong lumapad ang ngiti ni zack.
At lalo akong namula sa sinabi nya. sheyt! Sobrang kahihiyan na ang pinaggagagawa ng baliw na to sken.!
Lumabas naman ng padabog si sky.
“anyare dun?” maang na tanong ni zack.
“nagtanong ka pa!” sabi ni feliz.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay sky. Alam ko kahit papano gusto nya ipatalo ang laban, pero dahil nakasalalay dito ang pangalan ng buong team gagawin nya ang lahat para manalo. Ang hirap ng sitwasyon ko. Pero sa totoo lang parang gusto ng puso ko ang manalo sila…
---____----____----____----____-----____----___----
Allen’s POV
“Ano nga pala ang mahalagang sasabihin mo sken?” masayang sabi ni Leila.
I decided na tapusin na namin ang kalokohang ito habang maaga pa. Ayoko na kasing lumala pa ito. Mabait na tao si Leila,ayoko syang masaktan ng dahil sa akin. And I realized na hindi sya ang mahal ko.
“i-I’m sorry Leila” panimula ko.
“for what?” takang tanong nito.
“you know, youre so nice, beautiful, lovable and smart lady at alam kong may taong mas deserving ng isang kagaya mo”
“w-what? Ano bang mga pinagsasasabi mo? Hindi kita magets.”
Halata sa muka nya ang pagkalito sa mga sinasabi ko.
“I’m sorry Leila but I think we should stop this. Itigil na natin tong pagpapanggap natin. Ayokong masaktan ka dahil dito. You deserved to be loved Leila. At hindi ako deserving para sayo. I’m really sorry.”
Hindi sya makaimik sa sinabi ko. Bigla na lang tumulo ang luha nya.
“l-leila p-please don’t cry.”
“you hurt me allen! Akala ko matutunan mo akong mahalin. Handa akong maghintay para sayo. Please give us a chance. Please allen please.” Sabi nya habang umiiyak.
“sana maintindihan mo ako Leila, ginagawa ko ito para sayo. Kalimutan mo na lng ako Leila.” niyakap ko sya ng mahigpit para kahit papano mapawi ko naman ang sama ng loob nya. Naging part din naman sya ng buhay ko.
Akala ko din matututunan ko syang mahalin pero mali ako. Hindi pala natututunan ang pag-ibig kusa lang itong dumadating sa panahong hindi ka handa at wala kang magagawa para takasan ito.
Patuloy lang sa pag-iyak si Leila habang yakap yakap ko sya. At yun ang tagpong nakita ni feliz. Napabitaw ako sa kanya.
“f-fel” yun lang ang nasabi ko.
Nakita ko ang walang emosyon nyang muka na nakatingin sa amin.
“sorry kong naistorbo ko kayo.” Yun lang at tuloy tuloy na syang lumakad.
Pipigilan ko sana sya pero naalala ko si Leila na humihikbi pa din hindi ko naman sya pwedeng iwanan sa ganong lagay. Sa susunod ko na lang kakausapin si feliz ng masinsinan.
A/N : HEY HEY! HAHAHA. PASENSYA NA SA TITLE MEDYO LUMIKO NG KONTI. KUNTI LANG XD SA TINGIN NYO ANO ANG PWEDENG MAS MAGING TITLE NETO ?
WELL GUYS I HOPE YOU LIKE THIS CHAPTER. THIS IS FOR YOU GUYS <3333
KEEP READING. VOTE. AND COMMENT.
SUGGESTIONS?? COMMENT NYO DALI. I’M OPEN FOR YOUR SUGGESTIONS :***
![](https://img.wattpad.com/cover/4154253-288-k513705.jpg)
BINABASA MO ANG
my snob bestfriend (ON-GOING)
Fiksi RemajaBESTFRIEND?? paano kung nainlove ka sa iyong bestfriend? what if nasabi mo nga, pero lumalayo naman sya sayo. isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan kapalit nang iyong nararamdaman o hahayaan mo na lamang na maging friends kayo forever ?! mahira...