CHAPTER 25. CAN'T GET OVER

65 2 0
                                    

~GOODMORNING PHILIPPINES!! GOODMORNING PRETTY FELIZ.

Ayun binola ko na naman ang sarili ko. Naghanda na ako papasok sa school. Tutal maaga pa naman kaya maglalakad na lang ako papuntang school. Exercise na rin kahit papano. Medyo nakakarecover na din ako, may mabuti din palang naiidulot yung paglalayo namin ni allen. Oo masakit pa din ang nararamdaman ko, pero may magagawa pa ba ako? Kapatid lang ako para kay allen at si Leila talaga ang mahal nya. magpakatatag ka laang feliz. Kaya ko to!

Inhale exhale. Paulit ulit kong ginawa yun habang naglalakad. Maaga akong nakarating sa school. Bawat madaanan ko nakatingin sa akin. Bakit? Hindi ko na lang sila pinansin. May kumalabit sa akin mula sa likuran.

“o zack. ba’t nangangalabit ka?”

“wala. Pinagtitinginan ka ng mga tao o” napansin din pala nya.

“oo nga e. ewan ko ba kung bakit.”

“lalo ka kasing gumanda kaya ganyan sila makatingin sayo.”

Alam nyo readers kahit ganyan yang si zack, hindi yan sinungaling na tao. Hhahaha

“talaga? Lalo ba akong gumanda?” nahihiyang sabi ko.

“tsss. Naniwala ka naman. Ahhaha” ginulo ang buhok ko sabay takbo. Aba loko yun ah. Pinuri ko pa naman tss.

“bwiset!” sigaw ko dito. Hay naku ayoko makipaghabulan sa baliw na yun. Masisira lang ang beauty ko.

Habang naglalakad ako sa hallway, hindi ko inaasahan ang makakasalubong ko. Oo, sina Allen at Leila na magkasama, bigla namang hinawakan ni Leila ang kamay ni allen pagkakita sa akin. Akala ko okey na ako, pero ng Makita ko silang magkahawak parang gusto kong umiyak sa oras na yun, pero syempre pinigilan ko. Titig na titig lang sa akin si allen. At si Leila naman ay medyo masama makatingin. Yumuko na lang ako. At dahan dahan lumakad at nilagpasan sila. Akala ko hindi na ako makakarating ng maayos sa room. Umupo ako agad ako sa upuan ko na parang nanghihina.

“o bakit ganyan itsura mo?” tanong ni zack.

Hindi ko sya sinagot.

“dahil ba sinabi ko? Oo na sige na nga maganda ka na sa new look mo. Wag ka na malungkot.”

“wala akong paki noh. Hindi yun” malungkot kong sabi.

“ah, si allen noh? Nakasalubong ko kasi sila kanina habang papunta ako dito. Babalikan nga sana kita kanina kasi alam kong makakasalubong mo sila. Pero tinamad na ako” sabay tawa nito.

Binatukan ko na naman.

“napaka maaalalahanin mo talaga.” Sarcastic kong sabi.

Humarap sya sa akin ng seryoso.

“alam mo fel, kung hindi mo sila mahaharap mag-isa sasabihin nung girl na kasama nya na talo ka. Hahayaan mo na lang ba na iiwas ka sa kanila sa twing makakasalubong mo sila somewhere?.”

Napatingin ako sa kanya at napa-isip. Sa totoo lang may point si zack. pero hindi naman ganon kadali yung gusto nyang mangyari.

Kakarating lang ni coleen sa room namin, kaya hindi ko na nasagot si zack dahil mabilis na syang nakalipat sa katabing upuan ni coleen. Hay. Naku mang-aasar na naman sya. Bakit kasi hindi na lang sya umamin kay coleen na gusto nya ito. Dinadaan pa nya kasi sa lokohan ayan tuloy hindi sya pinapansin nito. Hay ewan ko sa lalakeng to ang galing mag-advice hindi naman nya maapply sa sarili nya.

ZACK’S POV

Kakadating lang ni coleen, agad akong lumipat sa katabi nya.

“hi coleng. Kamusta?!”

Hindi nya ako pinansin. Deadma lang ang kagwapuhan ko sa kanya.

“sorry nga pala sa sinabi ko kagabi. Wala akong ibig sabihin dun. I am j-just –“

“ano?!” mataray na sabi nito.

“sungit mo naman.”

“lumipat kana ng upuan. Hindi ka naman dyan nakaupo e.”

“bakit mo ba ako pinagtatabuyan?! Okey fine” tumayo na ako pero bago ako umalis “don’t get too beautiful. Nagseselos ako pag may ibang nakatingin sayo” yun lang at umalis na ako. Maniwala man sya o Hindi, nasa kanya na yun. Basta para sa akin totoo ang mga sinasabi ko. And I mean it. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi ng diretso sa kanya na mahal ko sya. Siguro natatakot lang ako na baka sabihin nyang hindi na nya ako mahal o kayang mahalin.

Kasalanan ko naman kung bakit kami naging ganito. Kung tutuusin bata pa lang kami gusto ko na sya, sinabi ko pa nga sa sarili ko na sya na ang babaeng papakasalan ko someday. Ako pa nga ang kumuha ng first kiss nya e. naalala ko tuloy yung araw na sobrang napahiya ko sya dati at sobrang pinagsisihan ko yun na halos isumpa ko yung sarili ko.

(back toCHAPTER 12. REMINISCING)

Yung time na umalis ako dahil sa mga pinagsasabi ko at pagkapahiya ko sa kanya sa maraming tao. Agad din akong bumalik dun, naguilty ako sa nagawa ko. Hindi ko dapat ginawa yun. Pagdating ko dun wala na sya. Napaupo ako sa bench na nandun. Isang linggong hindi pumasok si coleen. Araw araw ko syang hinihitay sa labas ng gate ng school namin, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko, gusto kong sabihing mahal na mahal ko sya. Pero nalaman ko na lumipat na pala sya sa ibang school. Grabe nanghina talaga ako ng malaman yun. Nagalit ako sa sarili ko nun. Kaya lahat ng paraan ginawa ko Makita ko lang ko sya. At mahanap ang school na nilipatan nya. Dahil sa pag e-stalk ko sa mga friends nya, nalaman ko kung nasan sya. Kaya’t hindi ako nagdalawang isip na magtransfer din dito. Itatama ko lahat ng maling nagawa ko sa kanya. At hinding hindi na ako papayag na mawala pa sya sa akin. Kahit saan sya pumunta susundan at susundan ko sya.

“aray!”

“kanina pa kita tinatawag Mr. Villalobos. Lumilipad na naman ba ang isipan mo kung saan?!” terror talaga tong prof na to Bagsakan ba naman ako ng libro sa ulo. Grrrr.

“sorry po mam. Kasalanan to ni coleen e” napalingon naman sya sa akin.

“anong ginawa ko sayo?”

“ang ganda mo kasi, iniisip ko tuloy na baka maraming magkagusto sayo. Natatakot tuloy ako”

Nagsigawan lahat ng mga kaklase ko including this terror teacher. Si coleen naman hiyang hiya sa ginawa ko. At lalong sumama ang tingin. E anong magagawa ko? Yun naman talaga ang pinoproblema ko.

“hay naku. Mga kabataan nga naman ngayon. pwede magfocus ka muna sa lesson tsaka na yang problema mo”

“yes mam” nagpatuloy na sya sa pag lelecture.

Siniko ako ni feliz.

“grabe. Tindi mo zack. go lang ng go!!” mahinang bulong nito.

“salamat best!”

my snob bestfriend (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon