FELIZ’S POV
Vibrate vibrate!
Kinuha ko ang phone ko. Tinignan ko kung sino yung nagtxt.
From: Allen </3
Binasa ko agad ito. Syempre kinikilig pa rin ako mula kanina no. Pero mas lalo akong kinilig ng mabasa ko ang txt nya sa akin.
. goodnight feliz. Mag ingat kana sa susunod ah. Mag aalala ako sayo. And bagay sayo ang new look mo. You look more beautiful. Lalo ka tuloy lalapitan ng mga boys. Tss!
Waaa!!!!!! Lalo daw akong gumanda?! OMG!! Ang ganda ko daw lalo. Tapos mag aalala daw sya sa akin. Grabe!! Kinikilig talaga ako. Para akong tangang gugulong gulong sa kama ko. Kahit ng bumagsak ako sa sahig wala akong paki, basta ako super saya!! Wohohoho! Hahahaha.
Nagreply naman ako agad.
.mambobola. goodnight din. Take care dni sayo. :D
Message sent!
Kiniss ko naman ang cp ko pagka sent ko. Maya maya nagreply sya.
From: allen
Hindi ako marunong non. Geh. Missed you!
WAAA!! Ayoko na! ahhaha. Lande?! Ang saya ng araw ko ngayon. feeling ko nasa cloud nine ako whahaha. OA much?! Basta masaya ako no! inggit lang kayo! Tse!! Humiga na ako sa kama ko para matulog, dahil alam kong makakatulog ako ng mahimbing! Wahhahaha!!
Excited na akong Makita sya bukas. Isasantabi ko muna ang mga agam-agam ko sa buhay. Basta masaya ako tapos!
~SCHOOL
Grabe ganadong Ganado talaga akong pumasok ngayon araw. Xempre sino pa ba ang dahilan? Alam nyo na yun whahaha. Alam ko pinagtitinginan na ako ng mga tao ngayon dahil panay ang ngiti ko sa kanila habang naglalakad. Inspired ako e. hihi ! Mamaya pa ang pasok ni allen, pupuntahan ko na lang sya mamaya sa room nya.
Pero bigla akong napahinto at may naalala. Teka?! Diba sila na ni Leila? bigla naman akong nalungkot. Ibig bang sabihin nun, mang aagaw ako?. Pero totoo bang sila? Panu kung hindi pala. Nabuhayan naman ako ng loob. Think positive feliz. Hindi sila. Sinabi nya lang yun para ikaw na mismo ang lumayo sa kanya. Tama ! nakarating na ako sa room namin.
“good morning bestfriend!” bati ko kay zack. napatingin naman sya sa akin na nagtataka. “o bakit?”
“anong sinabi mo?”
“ha?! goodmorning” maang na sagot ko.
“hindi, yung sunod dun”
“bestfriend”
Bigla syang umayos ng upo. Hinawakan nya ang noo ko.
“may lagnat kaba? May sakit ka? May dinaramdam kaba? Okey ka lang?” sunod sunod na tanong nito. Tinanggal ko yung kamay nya sa noo ko.
“ano ba?! Wala akong sakit no. okey lang ako. Bakit ba?”
“himala kasi, tinanggap mo na ako bilang bestfriend mo? Manghang tanong nito.
“oo, ayaw mo? Sige binabawi ko na”
“joke lang ito naman. Hindi lang ako makapaniwala no”
“ewan ko sayo zack. kulit mo” kinurot ko sya sa pisnge.
“may iba talaga sayo fel. Anong good news?”
Nginitian ko sya.
“okey na kami ni allen. Kinikilig nga ako sa kanya e. feeling ko nga may feelings na rin sya sa akin” tuwang tuwang sabi ko.
Yumuko ulit sa desk si zack.
“tss! Akala ko pa naman kung ano na. yung allen na naman palang yun ang dahilan. Hay naku fel, wala kang kadala dala. Bahala ka nga sa buhay mo. Tapos iiyak iyak ka na naman dyan sa huli” sabi nya habang nakayuko.
Binatukan ko sya.
“aray naman! Inaano ba kita. Nakakailan kana sa pananakit mo ah!”
“epal ka kasi. Bakit hindi ka na lang maging masaya para sa akin.”
“oo na, oo na. may magagawa ba ako?! Buhay mo yan.”
“talaga.”
Ayoko ng makipag-talo sa lalakeng to. Buti na lang at dumating na ang prof namin. Ganado akong makinig sa prof namin ngayon, excited na din mag-uwian. Whahaha!
Lesson doon, lesson dito. Eklabu doon, eklabu dito. Sa wakas uwian na! yehey!! Ahhahha dumeretso naman ako papunta sa classroom ni allen. May kumakalabit sa akin kanina pa pero wala ako sa mood para pansinin ito. Bahala ka sa buhay mo.
Malapit na ako sa classroom nila ng may nakita akong tagpong hindi kanais nais at hindi ko inaasahan. Si allen, yakap yakap si Leila habang umiiyak ito. Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Lahat ng good vibes ko nawala. Lahat ng masasayang iniisip ko nawala. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Hindi ko na rin namalayan na may humila sa akin palayo sa lugar na yun. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta nagpatangay na lang ako sa knya.
“yan ang sinasabi ko sayo!!” natauhan na lang ako ng biglang sumigaw si zack. sya pala ang humila sa akin. “ano? Anong napala mo? Iiyak iyak ka ngayon!” hindi na ako nakapagsalita dahil sa nararamdaman kong sakit.
“ano ba zack! bakit mo sinisigawan si feliz?!” si coleen yun, bigla rin syang sumulpot kung saan.
“itanong mo dyan sa magaling mong kaibigan!” umalis na si zack.
Nilapitan naman ako ni coleen.
“tama na feliz, wag kana umiyak” pag aalo saken ni coleen.
“a-ang tanga tanga ko coleen. Ang tanga ko.”
“fel, tama na yan. Ano bang nangyari?”
“coleen, mahal na mahal ko sya. Bakit ganon?! Kahit anong gawin ko balewala lang ako sa kanya. Kaibigan lang ako para sa kanya” tuloy tuloy pa din ang pag-iyak ko.
“sabi na si allen ang problema mo.”
“s-sabagay, kasalanan ko din naman to, pilit kong pinapipilitan ang sarili ko sa knya. I deserved this kind of heartache” niyakap lang ako ni coleen. Yun ang kailangan ko sa ngayon ang taong dadamay sa akin.
Hinatid ako nila zack at coleen sa bahay. Nung umalis si zack kanina, bumalik din sya agad at may dala na namang toilet paper bumili na naman siguro ito.
“s-salamat sa inyo. Goodnight. Ingat kayo ah.” Bago ako pumasok sa loob may sinabi si zack.
“last na yang pag-iyak mo sa kanya ah. Kundi kokotongan na kita.”
Ngumiti ako sa sinabi nya.
“salamat zack. sayo din coleen”
“wala yun. Magpahinga ka ah.” Yun lang at umalis na sila.
Kahapon napakasaya ko tapos ngayon ito muka akong TANGA! Wala akong dapat sisihin kundi ako lang. wala ng iba! Ayoko na mag-isip. Kailangan ko muna magpahinga. Gusto ko muna makalimutan ko ang lahat. Time-out muna please. Humiga na ako at tuluyan ng nakatulog na may luha sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
my snob bestfriend (ON-GOING)
Teen FictionBESTFRIEND?? paano kung nainlove ka sa iyong bestfriend? what if nasabi mo nga, pero lumalayo naman sya sayo. isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan kapalit nang iyong nararamdaman o hahayaan mo na lamang na maging friends kayo forever ?! mahira...