CHAPTER 20. STILL HERE

69 2 0
                                    

COLEEN’S POV

Mag iisang linggo ng hindi pumapasok si feliz. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Tinitext ko hindi naman nagrereply. Okey lang kaya sya? Pag tinatanong ko naman si allen parang umiiwas ito. Ano bang nangyayari? Nag away na naman siguro yung dalawang yun? Pero mas malala ata ngayon. Hay, ang sakit sa ulo mag isip ah. Ta-try ko na lang ulit tawagan si feliz.

“hi goodmorning” bati saken ni sky.

“goodmorning.”

“bakit ang aga aga nakakunot yang noo mo?” tanong naman nya.

“ah, wala to. Medyo curious lang ako sa nangyayari kay feliz. Halos 1 week na syang absent e.”

“baka may sakit.”

“siguro nga, ah wait lang” kinuha ko yung panyo nya sa bag ko. “ito na ang panyo mo, salamat ah”

“sayo na yan. Remembrance.”

“sigurado ka? Salamat”

Bigla namang may humablot ng panyo sa likuran ko. Mukang alam ko na kung sino to.

“akin na nga yan zack!” nakita ko na lang na pinupunasan na ni zack ang sapatos nya gamit ang panyo ni sky.

“ano kaba?! Sumusobra ka na zack ah!” nanggigil na sabi ko. Inawat naman ako ni sky.

“it’s okey coleen. Ibigay mo na sa kanya yan” mahinahong sabi nito.

Napakawalang hiya talaga nitong zack na to. Nakakahiya kay sky.

“tss. Parang panyo lang nagkakaganyan ka?! Akala ko kasi basahan e.” asar naman nito.

Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa taong to. Hinila ko sya palabas ng room. Dinala ko sya sa may garden ng school namin.

“ano bang problema mo ha?! Nakakahiya naman kay sky.”

“e sa akin, hindi ka nahihiya? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung Makita nilang yung future wife ko ay nakikipaglandian sa ibang lalake” sinampal ko sya dahil sa sinabi nya. “para sabihin ko sayo, hindi ako ang future wife mo sayo na mismo nanggaling yun. At hindi ako nakikipaglandian sa mga lalake.”

“diba ikaw rin mismo ang gumawa ng contract natin? Remember?”

“wala na yun matagal na panahon na. at pinagsisisihan ko yun.”

“ikaw wala na, pero ako meron pang kopya!”

“w-what?” naguluhan naman ako sa sinabi nya.

“sumama ka saken” hinila nya ako papunta sa kotse nya at pinaharurot.

“san mo ako dadalhin?!” sigaw ko sa kanya. “san mo ko dadalhin!” ulit ko.

“sa bahay” casual na sagot nito.

Bigla akong napatingin sa kanya. Tiningnan ko kung seryoso ba ito o hindi. Ngunit mukang seryoso nga sya.

“ihinto mo!” sigaw ko sa kanya. Kung maaari ayoko ng pumunta sa lugar na yun. “ano ba?!! Sabing ihinto mo e!”

“SHUT UP!” nagulat sa ako sigaw ni zack. For the first time nasigawan nya ako. Usually ksi lagi lang nya ako inaasar. Syempre tumahimik na ako baka mahagis lang ako nito sa labas.

Nakarating agad kami sa bahay nila. Agad itong lumabas ng kotse at kinaladkad naman ako palabas ng sasakyan. Nagpupumiglas ako dahil sa higpit ng hawak nya sa akin, ngunit kahit anong gawin ko hindi ako makawala sa kanya. Dinala nya ako sa kwarto nya at inlock iyon.

“bakit mo ako dinala dito?! Ano bang kailangan mo?!” hawak hawak ko pa di ang risk ko.

“dito ka na matulog.” Sabi nito.

“wag kang magbiro! Uuwi na ako.” Ngunit hindi ko mabuksan ang pinto.

“automatic locked yan. At ako lang ang makakabukas nyan.” Nakangising sabi nito.

“hindi ako nakikipagbiruan sayo zack! Tigilan mo na ako pwede?!” nanggigigil na talaga ako sa lalakeng to.

Unti unti syang lumapit sa akin. Umatras naman ako pero hindi na pala ako makakaatras dahil nasa may pintuan na ako. Then nacorner nya ako.

“hindi kita titigilan coleen.” Nilapit nya ang muka nya sa akin. Pinagdikit ang ilong namin.

Tinulak ko sya palayo.

“please naman zack. Paalisin mo na ako. Mag aalala si mommy sken”

“don’t worry pinagpaalam na kita. Sorry ka na lang malaki pa din ang tiwala sken ng mommy mo.”

“bakit mo ba ako dinala dito? Ano bang kailangan mo? Sabihin mo nan g makaalis na ako dito”

“bakit ba atat kang umuwe? Diba sabi ko dito ka matutulog?!” may kinuha sya sa drawer nya. envelope. Hinagis nya sken. Bastos talaga toh!!!

“ano to?!”

“e di buksan mo.”

Binuksan ko naman ang laman nun. Nang Makita ko ang laman nun hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

ZACK’S POV

“ano to?!”

“e di buksan mo.” Utos ko.

Kitang kita ko kung paano natulala si coleen sa nakikita nya. Nanginginig ang kamay nitong pinunit iyon.

“b-bakit m-meron ka n-nito?!! Sinira ko na lahat ng kopya nito ah.”

“pareho tayong may kopya nyan remember??”

Ang laman ng envelope na yun ay ang kontratang ginawa ni coleen nung bata pa kami.

“para saan ha?! Para ipaalala mo naman ang ginawa kong kahihiyan. I hate you!” sigaw nya sken. “wala naman  ng kwenta to e. Isa lang to sa mga basura ko noong 7 years old pa lang ako. At isa sa mga pinagsisisihan ko.”

“hindi. Meron ako nyan para itama lahat ng pagkakamali natin.” Gustong gusto kong lapitan si coleen at yakapin.

“wala kang mali. Ako lang ang may kasalanan ng lahat ng ito. Wag kang mag alala hindi na kita guguluhin. Sana ikaw din” umupo ito sa kama ko. Tinabihan ko sya. Umurong sya. Umurong din ako. Para kaming tanga urong lang ng urong. “Ano ba?!! Wag kang tumabi sa akin!”

“bakit masama?! Magtatabi rin naman tayo dito mamayang gabi ah”

“kapal mo! Sa tingin mo papayag ako?!”

“no choice ka naman e.”

~ EVENING <3

“Ano ayaw mo talaga humiga sa kama ko? Ikaw din mahihirapan ka dyan.” Gabing gabi na pero itong coleen na to napaka tigas ng ulo ayaw tumabi sa akin. Ayun sya at sumalampak lang sa sahig at sobrang sama makatingin sa akin. “oyyy! Inaantok na yan!!” pang aasar ko pa lalo sa kanya. No epek pa rin. Nagtitigan lang kami. “bakit ang ganda mo kahit muka kang manang? Ang kapal pa ng salamin mo. Hindi naman Malabo ang mata mo noong bata pa tayo diba?!”

“wala kang pake!”

“tapos ang sungit mo pa sa akin. Pero alam mo kahit galit ka, maganda ka pa rin. Okey na rin yan kahit muka kang manang atleast hindi masyado maaatract sayo ang mga boys dyan sa tabi tabi” kitang kita ko naman ang pamumula ng muka nya. Napapangiti naman ako dahil dun.

Niyoko nya ang ulo nya sa mga tuhod nya.

“humiga ka na kasi. Wala naman akong gagawing masama sayo ah. Pwera na lang kung pepwersahin mo ako.” Hindi sya sumagot. “oi! Coleen! Gising ka pa ba?!” hindi talaga sya kumikibo. “coleen??” bigla syang bumagsak sa sahig. Napatayo naman agad ako at nilapitan sya. “coleen? Coleen? Ui. Anong nangyari sayo?? Coleen?” bigla ko namang narinig ang hilik nya. natawa naman ako. “hay naku! Akala ko kung anong nangyari sayo, tulog ka na pala.” Binuhat ko sya sa kama ko. Pinakatitigan ko lang sya. “sabi sayo wala kang choice. Sa akin ka lang babagsak” hinalikan ko sya sa noo nya. “goodnight coleng!” bata pa lang kami coleng na ang tawag ko sa kanya at ngayon ko na lang ulit sya natawag ng ganon. Masaya muna ako sa nangyayari sa amin ngayon, napakalapit na nya sa akin. “Well it takes time para bumalik ang pagmamahal mo sa akin.” Then humiga na rin ako at natulog.

my snob bestfriend (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon