CHAPTER 1 . the maldita girl

197 5 1
                                        

Chapter1.

“ano ba ?! kanina ka pa! “ reklamo ko.

“mam sorry po. Masyado po kasi kayong magulo e”

“So? Kasalanan ko? Ang sabihin mo tatanga tanga ka lang talaga! Asan ba ang manager nyo! “ sigaw ko sa empleyado.

“m-mam s- sorry po talaga, p- patawarin nyo po a- ako. A- Aayusin k- ko na p- po”  natataranta naman nyang sabi.

“whatever!” tumayo na ako at umalis.

Hay naku! Ang aga- aga binabadtrip ako nang mga tao sa paligid ko. May pupuntahan pa naman akong party ngayon. What a day?!

Ano ba yan?!  umpisa agad nang kwento ko badtrip na. tssss. Oh by the way, let me introduce myself first. Ako si Feliz Ladine Samonte. My parents called me Fela and my friends called me Feliz. Maraming nagsasabing maganda ako, well, matagal ko nang alam yun. I belong to the multi millioner family, that’s why I’ll get whatever I want. Even boys. Yes boys, isang ngiti ko lang sa kanila, natutulala na sila sa akin. Hindi lang mga manliligaw meron ako, syempre hindi mawawala ang mga haters ko. Magpapatalo ba ako sa kanila? Syempre hindi! palaban toh no! wahhaha. Hindi naman likas na masama ang ugali ko. Ewan ko ba, nung bata pa ako madami akong mga friends. Masaya ako na lagi silang kasama. Pero nung lumaki na ako unti unti nila akong nilayuan, kung ano ang dahilan. EWAN KO?! Basta isang araw nagising na lang ako and I felt all alone. Masamang masama ang loob ko nang mga panahong iyon, bukod sa iniwanan ako nang mga friends ko, lagi ring wala sila mommy at daddy. As usual nasa company lagi ang ettention nila. Hahahaha, huhuhuhu. Malayo ang loob ko sa parents ko, lumaki ako sa yaya. Isa sa mga importanteng tao sa buhay ko si manang Lumen. Mahal na mahal ko sya feeling ko  nga mas mahal ko pa sya sa mga magulang ko e. sya lagi ang nasa tabi ko pag may problema ako. Sya ang natatakbuhan ko at naiiyakan. Tanging sya lang ang nakakakita nang kahinaan ko, dahil ayoko makita ako nang iba na mahina.

Sige na tama na to, masyado nang mahaba ang aking mga litanya. Magkikita pa pla kami nang bestfriend kong si Allen. Nakalimutan kong ipakilala si allen. Ahhaha yari ako dun pag nalaman nya. Wag kayong maingay ah.shhhsshshsh J

[OH?! SABEH?!/N ** WHAHAa SASABIHIN KO YAN!!]

Hay naku epal talaga tong si author! Pss. Ito na nga ipapakilala ko na sya.

ALLEN VON FARRALES.

My beloved childhood bestfriend! Gwapo, sabi nya. ahaha pero oo, inaamin ko gwapo talaga sya. (pagpapalibre ako mamaya sa kanya! ahhhaha) Sya na lang pala ang natira sa mga kaibigan ko. Sya lagi ang ksama ko sa lahat nang kalokohan. Ay hindi, kalokohan ko lang pala. Hahaha sya ang aking guardian angel. Sobrang bait kasi. Pag nakakagawa ako nang kalokohan, asahan mo sya ang unang magtatatalak sa akin. Hindi ako titigilan nyan hangga’t hindi ako nagsosorry sa mga taong nagawan ko nang kalokohan. Silang dalawa lang ni manang lumen ang pinagkakatiwalaan ko sa buong buhay ko. 

One time nga, habang naglalakad kami sa campus, may babaeng bigla na lang nagtapat sa kanya.

*flashback

“a-allen. I like you” nahihiyang sbe nung girl.

Aba ang lakas nang loob nang girl ah. Hmmm. I have something to do! Whahaha (evil smile) >J

Pumwesto ako sa harapan ni allen at tinignan nang masama ung girl.

“excuse me!, ang lakas naman nang loob mong magtapat at sa harapan ko pa mismo! At tingnan mo nga yang sarili mo” tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa

“wlang ka-class class. Tsss” inirapan ko sya.

Dahil sa labis na pagkapahiya nung girl tumakbo ito habang umiiyak.

“oh! Poor girl” sabi ko at humarap ako kay allen.

Akala ko matutuwa sya sa ginawa ko dahil napalayo ko na naman ang isa sa mga nagkakagusto sa kanya. Pero mali pala ako.

“ang galing ko all---“

“ba’t mo naman ginawa un?!” galit na sabi ni allen sken.

“a-ah –“

“sa tingin mo natuwa ako sa ginawa mo?! Mahinahon na ang boses ni allen

“pero inilayo lang naman kita sa isa mo pang stalker” sabi ko nang maluha luha.

“but not that way, fel naman pinahiya mo yung tao sa ginawa mo. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi dapat ganyan ang pakikitungo mo sa mga nasa paligid mo.”

“fine ! ako pa ngayon ang masama. Ikaw na nga itong tinulungan ko!!” tumakbo ako habang umiiyak.

Hinabol ako ni allen. Hinawakan nya ang braso ko at iniharap sa kanya.

“sorry fel. Hindi ko sinasabing masama ka pero alam naman natin na hindi maganda ang ginawa mo. Naiintindihan mo ba?” malambing na sabi ni allen

“s-sorry din allen.”

“magsorry ka sa kanya ah.” Nakangiti nyang sabi.

“ayoko nga!!” naku hindi ako magsosorry noh! Wala sa bokabularyo ko yan.

“fel? Sige na. wlang mapapala ang pride na yan”

“basta ayoko!” tumalikod ako sa kanya.

Pumunta naman sya sa harapan ko.

“mas mahalaga ba ang pride na yan kesa sa mga sinasabi ko?” 

Hindi ako sumagot.

“Silence means yes? Ouch!” nag acting naman na nasasaktan si allen.

“no! s-syempre m-mas mahalaga ka” nakayuko kong sbi.

Nag smile naman agad si allen.

“I knew it! Sabi na hindi mo ako matitiis e. so? Magsosorry ka na dun sa girl? Tanong nya ulit.

Matagal bago ako nagsalita.

“fel?” naiinip na sabi ni allen

“okey okey! Magsosorry na ako.” Ngumiti na rin ako. Matitiis ko ba tong gwapo kong bestfriend?!

“that’s my girl!” niyakap ako ni allen.

Afterwards nagsorry na ako dun sa girl, pinatawad naman nya ako agad. Aba dapat lang noh! Pero infairness nagsorry ako with all my heart. Na-guilty din naman ako dun sa ginawa ko e.

*end of flashback

HELLO readers IT’s me again . OH?!SABEH?! whaahaha thank you po sa pagbasa. Tuloy tuloy lang po ang pagsuport po niyo. Salamat!!

COMMENT COMMENT AND VOTE VOTE LANG PO WAG PO KAYONG MAHIYA AHAHAHA J

my snob bestfriend (ON-GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon