CHAPTER 19. CONFESSION

77 2 0
                                    

  ALLEN’S POV

Ilang araw na akong parang iniiiwasan ni Feliz. Hindi ko alam kung bakit?! Wala naman akong ginawang masama. Parang nag iba na sya, dati naman lagi syang nagpapasama sa akin sa lahat ng lakad nya o kaya ay pinupuntahan nya ako sa room ko para sumabay sa pag uwi, pero ngayon parang lumalayo sya sa akin. Clueless ako sa mga nangyayari samen. Mabuti pa puntahan ko sya ngayon, wala naman kaming pasok ngayon dahil sabado naman. Dahil malapit lang ang bahay namin sa isa’t isa agad akong nakarating sa kanila.

“hi manang lumen! Nandyan po ba si feliz?”

“nasa kwarto pa nya e, hindi pa bumabangon. Paki gising mo na nga”

“sige po, ako ng bahala.” Nagdiretso na ako sa kwarto nya. kinatok ko ang pinto. Mukang tulog pa nga sya. Mabuti na lang at hindi nakalock ang pinto nya. pumasok na ako sa loob.

Ayon tulog pa nga sya. Umupo ako sa gilid ng kama nya. tingnan ko lang sy sandal. Bakit parang problemado ang muka nito?! Hinawakan ko ang muka nya.

“fel?! Oi gising na!” pinisil ko ang pisngi nya.

“hmm.” Yun lang sinabi nya at tumalikod sa akin.

Lumipat naman ako sa kabilang gilid nito. Pinisil ko ulit ang pisnge nya.

“hoy! Gising na tanghali na” ngunit tinabig nya lang ang kamay ko.

Aba! Ayaw mong gumising ah. Binuhat ko sya papuntang CR, tapos tinapat ko sya sa shower. Yun nagising din sya.

“whhaaa!” napasigaw sya. “ang lamig!”

“tagal mo kasing magising e. anong oras na tulog ka pa.”

Para syang nabigla ng makita nyang ako ang nagdala sakanya doon. Tinakpan naman nya ng twalya na nandon ang basa nyang katawan.

“a-anong ginagawa mo dito?” nakayuko nyang sabi.

“wla lang. Gusto ko lang na mag usap tayo.” Seryosong sabi ko.

“t-tungkol saan?”

“mamaya na lang. mag shower ka muna” then lumabas na ako sa cr.

FELIZ’S POV

“Gusto ko lang na mag usap tayo”

Kinabahan naman ako sa sinabi nya. parang importante. Tingnan ko naman ang sarili ko buti na lang pala may twalya dito manipis pa naman ang pantulog ko. Naligo na ako dahil nilalamig na din kasi ako. Habang naliligo madami akong iniisip sa maaaring maging usapan namin. Aaminin ko na bas a kanya na may feelings na ako for him? Pero pano kung mareject ako? Pwede ring may gusto na din sya sa akin. Kasi lagi na nya akong pinupuntahan sa room ko, ako lang tong umiiwas sa kanya. Sana ganon nga yun. Medyo nabuhayan naman ako ng loob. Tama! Magtatapat na ako sa kanya mamaya. Binilisan ko na ang paliligo ko. At lumabas nang cr. Kaya ko to!! Ajjjaaaa!!!

“ah, allen”

“ah feliz” nagkasabay kami.

“sige ikaw muna” sabi ko.

“kasi fel, parang napapansin kong umiiwas ka saken. Pansin ko lang naman. May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Sabihin mo sa akin fel. Ayoko kasi ng ganito tayo e. hindi ako sanay.” Malungkot na sabi nya. naguilty naman ako sa itsura nya.

“im sorry allen. Tama ka, iniiwasan nga kita”

“ha?! Bakit naman fel? Sorry kong may nagawa ako sayo na hindi mo nagustuhan. Im really sorry fel.”

“no allen. Wala kang ginagawang masama. Ang totoo nyan allen kaya kita iniiwasan kasi..”

“kasi?!”

“allen. I-I think I’m inlove with you” hindi ako tumingin kay allen. Hindi ko kayang salubungin ang tingin nya.

Ilang sandaling hindi sya nagsalita. At mya maya pa’y tumawa ito ng malakas.

“b-bakit ka tumatawa?”

“e nakakatawa ka kasi fel e. whahaha. Kailan ka pa natuto magjoke ah, wahahaha hahhaha” halos mapaiyak na sya sa sobrang kakatawa. “ang sakit ng tyan ko. Whahaa”

Tumulo na ang luha ko. Nakakaasar! Pagkatapos ko mg-ipon ng lakas ng loob para sabihin to sa kanya tapos tatawanan nya lang ako.

“hindi ako nagpapatawa!!” sigaw ko habang umiiyak. Tumigil naman sya sa pagtawa.

“f-fel? Bakit ka umiiyak?”

“nakakaasar ka kasi allen! Mahal talaga kita. Hindi ako nagbibiro. Tapos tatawanan mo lang ako?”

“feliz. Seryoso ka?”

“oo nga! Mahal kita allen. Mahal mo din ba ako?”

Para namang ngayon lang nya naabsorb ang sinabi ko at halatang nagulat ito.

“allen. Mahal mo din ba ako?” ulit ko.

Tumalikod sya sa akin.

“feliz, alam mong sobrang espesyal ka sa akin. Ayoko kong masasaktan ka sa lahat ng bagay. Mahal kita feliz, pero bilang isang matalik at importanteng kaibigan lang.”

Para akong sinaksak ng 100 beses sa puso ganito pala ang pakiramdam ng sabihan ka ng ganon ng mahal mo. Sunod sunod lang ang patak ng luha ko. Hinarap ako ni allen.

“im sorry feliz, hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo. Wag na lang ako ang mahalin mo. Mas may taong deserving sayo”

“allen. Ikaw ang gusto ko. Ikaw lang allen. Pakiusap mahalin mo din ako. Mahal kita allen” umiiyak kong sabi. Niyakap ko sya.

“mas masasaktan ka lng pag ako ang minahal mo feliz. At..” huminto sya sandali. “at kami na ni Leila. Ito rin sana ang sasabihin ko sayo ngayon. im really sorry.”

Napabitaw ako sa sinabing yun ni allen. Sila na ni Leila? Kaya pala tinanong ko sya noon kung gusto nya ba ito. Isang masayang ngiti lang ang sinagot nya sa akin. Ganon na pala kalalim ang relasyon nila. At sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit.

“g-ganon ba? W-wow, c-congrats. H-hindi ko alam. S-sana pala hindi ko nalang sinabi sayo”

“sorry.” Tinalikuran na nya ako at dire diretsong lumabas ng kwarto ko. Sinilip ko lang sya sa bintana habang papalayo. Dun na ako humagulgol ng hindi ko na sya matanaw. Bakit ganon? Hindi nya ako kayang mahalin. Akala ko may gusto din sya sa akin dahil labis sya kung mag alala sa akin. Yun pala isa lang akong matalik at importanteng “KAIBIGAN” para sa kanya. Ako lang pala ang nag iisip nun. Nakakaawa ako. Isa akong malaking looser! Napangiti ako ng mapait. Bakit pa kasi ako nag assume e. Nasaktan at nawalan tuloy ako ng isang matalik na kaibigan.

my snob bestfriend (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon