CHAPTER 29. MY BESTFRIEND'S KISSESS

116 3 2
                                        

FELIZ’S POV

Nagasing ako na alas 9 ng gabi dahil sa pagtunog ng phone ko. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag.

Allen calling ….

Hindi koi to sinagot. Alam kong unfair to sa kanya pero wala e sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ayoko muna syang Makita o makausap. Pero alam kong imposibleng hindi ko sya Makita dahil pareho lang kami ng pinapasukan na school. Lalayo na lang muna ako sa kanya.

Bago pala sya tumawag madami na syang pinadalang text messages.

“fel, mag-usap tayo. Please!”

Binasa ko ang isa pa.

“magreply ka naman feliz. Kausapin mo ako.”

“Sagutin mo ang tawag ko. Bakit ba napaka-tigas ng ulo mo!? Mag-usap tayo. Please naman!”

Binura ko na lahat ng texts nya sa akin. Ayoko nang masaktan pa. Para kasing hindi ko na to kakayanin pa. Maya maya pa ay tumatawag na naman si allen. Bakit ba napakakulit nya?! pinindot ko ulit ung end button. Pinadalahan ko sya ng text.

“Don’t call me anymore nor texts me. Please lang.”

Message sent!

Nagreply naman ito kaagad.

“No fel. Kailangan natin mag-usap. Hindi kita titigilan hangga’t hindi mo ako kinakausap.”

“bahala ka na sa buhay mo allen!” yun lang at sinend ko na sa kanya. Then pinatay ko na ang phone ko.

Ito na naman si pasaway na luha. Ayoko ng umiyak pero sige pa rin sya. Nakakasawa na ang ganito.

ALLEN’S POV

“bahala ka na sa buhay mo allen!” reply ni feliz.

Pagkabasa ko nun bigla kong binato sa pader ang phone ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa babaeng yun. Talagang bahala ako sa buhay ko fel. Bakit kaba ngkakaganito sa akin? Kung kailan namang – ah! Ewan!! Gustong gusto ko na talagang magwala. Sa sobrang asar ko pinagsusuntok ko ang pader. Natauhan lang ako ng biglang may umagos na dugo sa kamay ko. Pero wala akong pakielam sa dugong to. Ang problema ko ngayon ay si feliz.

Naalala ko na naman ang usapan namin ni zack kanina.

Flashback

Pauwi na ako ng bigla akong sinuntok ni zack na ikinagulat ko naman ng sobra.

“hey what’s that for!?” tumayo ako agad.

“para yan kay feliz. Dahil sa pananakit mo sa damdamin nya.” galit na sabi nya.

“teka lang pare. Hindi kita maintindihan”

“tanga ka ba?! Alam mong mahal na mahal ka ni feliz, bakit mo sya binabalewala ng ganito?! Anong klaseng tao ka?!”

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya.

“tandaan mo to! Ayoko ng lalapit ka pa kay feliz. Dahil kukunin ko ang atensyon na dapat na sayo. Kukunin ko si feliz sayo!” yun lang at umalis na ito.

End of flashback

Dun ako natauhan sa sinabi nya. Habang pauwi na ako sa bahay si feliz lang ang nasa isipan ko. Hindi ko alam na sobrang nasasaktan ko na pala sya. Ewan parang natakot ako sa sinabi nyang iyon. Hindi akp papayag sa gusto nya. Hinding hindi.

~school

Maaga akong pumasok sa school para kausapin si feliz. Kailangan na naming ayusin itong lahat. Ayoko ng ganito kami habang buhay. Matagal akong nag-antay sa kanya sa labas ng gate, sa wakas natatanaw ko na syang padating. Lalagpasan nya sana ako pagkakita sa akin pero hnarangan ko sya.

“mag-usap tayo”

“ayokong makipag-usap sayo”

“wala akong pakielam kung ayaw mo, basta mag-uusap tayo” hinila ko sya at dinala sa likod ng school namin. Sinandal ko sya sa puno na nandun at kinor-ner ko sya para hindi sya maka-alis.

“ano ba?! Ayoko sabing makipag-usap sayo e! paalisin mo na ako!”

“no! mag-uusap tayo! sigaw ko sa kanya.

“anong gusto mong pag-usapan? Yung katangahan ko sayo? Oo allen! Mahal na mahal kita, hindi ko naman pwedeng pigilan tong nararamdaman ko sayo. Gusto ko ng lumayo sayo. Alam ko hindi to fair sayo. Gusto na kita makalimutan allen. Ayoko ng mahalin ka pa. bakit nga ba ako nagpapakatanga ng ganito sayo? E andami namang lalake dyan na handa akong mahalin.” Huminto muna sya at pinunasan ang luha nya. “wag kang mag-alala allen, maghahanap na lang ako ng iba. Yung mas mamahalin ko kaysa sayo.”

Para namang nagrindi ang tenga ko sa sinabi nya.

“tss! Kaya mo?!” nakangisi kong sabi sa kanya.

“oo nman. Bakit hindi? Hindi lang ikaw ang lalake sa mundo. Kayang kaya kitang palitan –“

Hindi ko na sya pinatapos magsalita. Agad ko syang hinalikan ng mariin sa labi. Kahit nagpupumiglas sya hindi ko sya tinigilan. Matagal bago ko sya pinakawalan.

“hindi mo ako kayang palitan fel. Kahit anong gawin mo ako pa rin ang mamahalin mo. Ako lang” then umalis na ako.

FELIZ’S POV

“anong gusto mong pag-usapan? Yung katangahan ko sayo? Oo allen! Mahal na mahal kita, hindi ko naman pwedeng pigilan tong nararamdaman ko sayo. Gusto ko ng lumayo sayo. Alam ko hindi to fair sayo. Gusto na kita makalimutan allen. Ayoko ng mahalin ka pa. bakit nga ba ako nagpapakatanga ng ganito sayo? E andami namang lalake dyan na handa akong mahalin. Wag kang mag-alala allen, maghahanap na lang ako ng iba. Yung mas mamahalin ko kaysa sayo.”

Lahat ng mga gusto kong sabihin kay allen, sinabi ko na para naman gumaan kahit konti ang nararamdaman ko. Ang bigat na kasi e, kailangan ng ilabas. Para nga akong tanga e, sabi ko hindi na ako iiyak sa kanya pero heto na naman ako.

“tss! Kaya mo?!” nakangisi nyang sabi sa akin.

“oo nman. Bakit hindi? Hindi lang ikaw ang lalake sa mundo. Kayang kaya kitang palitan –“

Hindi ko na natapos ang sinsabi ko. Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa ni allen. Hinalikan nya ako. Nung una hindi ako makakilos sa pagkabigla, pero unti unting nag-sink in sa utak ko ang ginagawa nya sa akin. Nagpumiglas ako, pero kahit anong pagpupumiglas ko hindi ako makawala sa kanya. Patuloy lang sya sa paghalik sa akin. Maya maya lang ay binitawan na nya ako.

“hindi mo ako kayang palitan fel. Kahit anong gawin mo ako pa rin ang mamahalin mo. Ako lang” pagkasabi nya nun ay agad na syang umalis.

Hindi ko maintindihan ang sinabi nya. Ngayon, mas lalo akong naguluhan sa nangyayari. Matagal ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa nya. Napahawak na lang ako sa labi ko. I hate you allen for making me feel this way!

Tiningnan ko ang relo ko. Oh no! late na ako ng 30 mins. Tumakbo na ako papunta sa room ko. Kahit na shock pa ako sa ginawa ni allen. Pagdating ko dun, andun na nga nga prof namin.

my snob bestfriend (ON-GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon