Alas tres nang madaling araw pero hindi pa din ako makatulog kakaisip kay allen. Iniisip ko kung sasabihin ko ba o hindi ang nararamdaman ko sa kanya. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung panu ko sasabihin sa kanya ito. Natatakot ako sa magiging reaksyon nya. Baka layuan nya ako pag sinabi ko ito. Hay! Allen nakakaasar ka. Bakit mo ko hinayaang mahulog sayo?! Ayoko ng ganito. Sana bumalik na lang ang dating ako. Kung wala akong pakielam sa itsura ko pag kaharap ko sya. Arrghh!! >.<
Ano kaya kung iwasan ko na lang sya?! Tulad nung magkagalit kami dati. Siguro temporary lang tong nararamdaman ko sa kanya. Tama! Iiwasan ko na lang sya. Kahit unfair sa kanya itong gagawin ko, pero kailangan kong isalba ang puso ko. Sorry Allen. Maiintindihan mo din ako.
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero alam kung maliwanag na sa labas. Maya maya lang ay kinatok na ako ni manang lumen.
“dine dine! Bumangon ka na dyan. Malalate ka na”
Kahit antok na antok pa ako kailangan kong bumangon. Mag aalala sa akin si manang lumen pag hindi ako pumasok sa school.
“opo!” nagmadali na akong maligo at kumain ng almusal. Ng pagbukas ko ng pinto nagulat naman ako ng mabungaran ko si allen na nakatayo sa labas ng bahay namin.
“a-allen? Bakit ka nandito? Hindi naman Monday ngayon ah?” takang tanong ko.
“hindi nga. Nag alala kasi ako sayo kagabi. Kaya’t nandito ako para ihatid ka sa school baka kasi anong mangyari sayo e” nkangiti nitong sabi.
Ano ba yan?!! Sabi ko iiwasan ko muna tong lalakeng to e. Panu ko naman sya iiwasan kung lagi syang mabait sa akin?!
“naku wag mo na ako ihatid. Okey lang ako, medyo pagod lang ako kahapon. Sige. bye” Naglakad na ako palayo.
“Ihahatid na nga kita.” Kinaladkad nya ako papuntang sasakyan nya. wala na akong magawa kaya sumakay na ako.
“kamusta na pala ang study mo?” tanong nya sa akin habang sa kalsada nakatingin.
“okey lang” tipid kong sagot.
“e yung kinukwento mo sakeng kaklase mong nakakaasar. Inaasar ka pa rin ba?”
“hindi na” tipid kong sagot ulit.
“mahirap ba ang mga lessons nyo?”
“hindi naman”
“nakakain kaba ng almusal?”
“oo”
Bigla nyang inihinto ang sasakyan.
“bakit mo hininto?” takang tanong ko.
“sigurado kang okey ka lang?” tumingin sya sa akin.
“oo. Bakit mo naman naitanong yan?”
“isang tanong, isang sagot lang tayo e. dati naman napakadaldal mo. May problema ka ba talaga?”
“wala nga. Sige na allen. Magdrive ka na. malalate na ako”
Bumuntong hininga muna sya bago pinaadar ang sasakyan. Nang nakarating na kami sa school agad akong lumabas sa kotse nya. Tinawag ako ni allen ngunit hindi ko sya pinansin.
“sorry allen.” Mahina kong sabi.
ALLEN’S POV
“feliz!” tawag ko sa kanya. Pero hindi ako pinansin parang walang narinig. Imposible naman na hindi nya ako narinig dahil malapit lang sya sa akin ng tawagin ko sya.
May kakaiba talaga kay feliz. Weird?!
Nang paalis na ako nakita ko naman yung wallet nya sa kotse ko. Naiwan nito. Kinuha ko ito at lumabas ng sasakyan para puntahan si feliz.
BINABASA MO ANG
my snob bestfriend (ON-GOING)
Novela JuvenilBESTFRIEND?? paano kung nainlove ka sa iyong bestfriend? what if nasabi mo nga, pero lumalayo naman sya sayo. isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan kapalit nang iyong nararamdaman o hahayaan mo na lamang na maging friends kayo forever ?! mahira...