CHAPTER 35. THE CHAMPIONSHIP

49 2 3
                                        

ZACK’S POV

“Lumalala na talaga ang ugali mo zack!” sigaw sken ni coleen.

Halata sa muka nya ang sobrang pag aalala kay sky kanina at pag ka-asar naman sken. Hindi ko napigilan kanina ang sobrang pagkainis ko sa nakita ko. Bakit sino ba ang matutuwang Makita ang girlfriend mong yakap yakap ng ibang lalaki aber??!!

Oo para sken girlfriend ko si coleen kahit ano pang manggyari. Magpapakasal rin naman kame in the near future at wala syang magagawa doon dahil legal paper na ang contract namin.

“ako pa ang may kasalanan?! Bakit yakap ka ng lalaking yun?! Ako ang boyfriend mo tapos makikipagyakapan ka sa iba??”

“para sabihin ko sayo hindi kita boyfriend! Bakit tapos na ba ang usapan natin ha?! wag ka magsalita ng tapos. At habang hindi pa dumadating ang result wala kang karapat pakielaman ang buhay ko!! Naintindihan mo!? I hate you!” yun lang at padabog syang umalis.

“mananalo ako at magiging akin ka!” sigaw ko sa kanya. Sa sobrang asar ko ay nasuntok ko ang pader ng katabi ko.”bwisit!”

--___---___---___---___---___---

FELIZ’S POV

Habang inaantay na ang nalalapit na championship nagpunta muna ang kanya kanyang team sa kanilang reserved room.

Dumating si mam almera ang aming assigned adviser.

“this is it pancit! Ngayon pa lang binabati ko na kayo. Kahit anong mangyari panalo na kayo sa akin. Congratulations everyone!”

“thank you mam!” sagot naming lahat.

“anong nagyari sa kamay mo zack?”

Napansin kasi ni mam na nakabenda ang kamay nya gawa ng pagsuntok nya sa pader.

“at ikaw sky? Bakit may sugat ka sa gilid ng labi mo?”

“wala po to mam” casual na sagot ni sky.

“is everything ok guys? May problema ba kayo?” takang tanong ni mam.

Agad naman akong sumingit sa usapan.

“a-ah m-mam, were okey po. Medyo may hindi pagkakaintindihan kanina pero a-ayos naman na po. Don’t worry mam” napangiwi na lang ako sa pagsisinungaling ko.

“are you sure? Sky? Zack?”

Tumingin naman si mam sa dalawa.

“yes mam” sabay na sagot nila.

Hay naku naman. Mukang magkakaproblema kami mamaya ah. Sana naman magkasundo sila mamaya sa laban. Pasaway naman tong dalawang ito.

“o Ms. Samonte, bakit hindi ka pa nag-aayos?”

Nagtaka naman ako sa sinabi ni mam.

“po?, naku mam hindi naman po sasali sa laro nila mamaya.”

Tumawa naman si mam.

“no hija. Ikaw ang magiging muse ng team leyte.”

O________o

Nagulat ako sa sinabi ni mam. Bakit ako? Well, I know naman na ako ang pinakamaganda, pero bakit ngayon lang sinabi saken na ako pala magiging muse. Ano ba yan?!! Hindi pa naman ako naghanda. Pano na to??!

“alam kong nagtataka ka kung bakit biglaan ito, kahit ako din e  nagulat. But don’t worry feliz, nag-ready ako para sa mga susuotin mo. Gusto ko maging maganda ang muse ng team natin ah. Sumunod ka na lang sken sa faculty.

 At umalis na si mam.

I’m not prepared!! Badtrip naman oh. No choice nako.

“malas naman, wala na bang ibang mapili??” asar naman sken ni zack.

Aba! Luge pa tong mokong na to?!

“akala mo naman gusto ko rin to.!” Bwisit to ah. -_- “

“sige na feliz sumunod ka na dun. Kahit naman hindi ka masyado mag-ayos maganda ka pa rin.” Sabi naman ni vince.

“salamat vince, buti ka pa.” binelatan ko si zack at sabay alis.

_______---------------------________________--------------------

Rinig na rinig ko na ang malakas na cheer ng bawat team. Maya maya pa ay lalabas na ako kasama ng ibang team. Kinakabahan ako parang ako pa yung maglalaro.

Nalingon ako sa buong team akala ko nagpeprepare na sila pero nagulat ako ng lahat sila ay nakatingin sken.

“o?! ano? Bakit kayo nakatingin?” takang tingin ko.

Pero hindi nila ako sinagot at pinagpatuloy na ang pagpeprepare. Nilapitan ko zack na tapos na maghanda at nakatingin pa din sken.

“uy! Ano bang problema nila including you?”

“ang ganda mo kasi.” Simpleng sagot nya. Tumingin sya sken mula ulo hanggang paa.

“t-talaga?” na-consious naman ako sa sinabi nya.

“oo nga, minsan lang kita sabihang maganda ayaw mo pa maniwala. Sabagay kahit ako hindi makapaniwala e. ahhahahha”

“grabe ka talaga! Ang sama mo. Alam ko naman na maganda ako e.” pagmamalaki ko.

Yep! Inaayusan na ako nila mam. Infairness ang ganda ng pink dress na pinasuot nila sken at ang ganda din ng pagkakacurl ng hair ko. Hindi naman sa pagmamalaki pero mas lalo akong gumanda sa suot at ayos ko. Thanks kina mam ahahahhahahhaa.

Maya maya lang ay narinig na namin na tinawag na ang team ng kabila, ang team nila allen. Ang ingay, mukang mas madaming fans ang team nila sabagay sila ang champion last year, swerte na nga lang kame at nakapasok pa sa championship.

“Let’s giving up on teaaaammmmmm LEYTE!!”

Ayan na tinawag na kame, habang papalabas kame lahat ng tao sa court ay nakatingin sa amin, syempre mukang hindi papahuli ang mga fans ng team namin. At dahil ako ang nasa unahan feeling ko lahat nakatingin sa akin. Kinakabahan ako syete!! >.<

Nagkaharap na ang team namin at nila allen. Agad naman na nagtama ang paningin namin ni allen, kitang kita ko kung paano nya ako titigan. Feeling ko matutunaw ako. Nag-iwas ako ng tingin. Nakita ko si Leila, so sya pala ang muse nila allen, maganda din naman ang ayos pero mas maganda ako noh ?! >=) bwaahahhahahhaa..

Then nagshake hands na ang team namin at team nila bilang pagsisimula ng laban.

_-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------_

A/N : AYAN PO NAKALIMANG CHAPTERS AKO KAHIT BUSY SA SCHOOL NAMISS KO MAG UD E. SYEMPRE PARA YAN SA INYO MGA READERS KO. PASENSYA NA TALAGA AT NGAYON NA LANG ULIT AKO NAGPAG-UPDATE. SALAMAT SA MGA NAG-ANTAY. SAAAALAAMAAATTTTT !!!!! MAHAL KO KAYO! I LOVE YOU! AISHITERU! JET’AIME! TE AMO! SARANGHE! :****

PS: INULIT KONG BASAHIN YUNG STORY NA TO FROM THE START. AT NAKITA KO YUNG MGA GRAMMATICALLY ERROR KO. PAGPASENSYAHAN NYO NA PO AH. MEDYO TANGA LANG. AHAHHAHAHAA .

EXOTIC <33

SOSHIFIED<33

HAHAHAHAHA. WALA LANG NASINGIT LANG. xD

ABANGAN NYO PO ULIT UNG SUSUNOD KONG UD. NEXT WEEK MAGUUD ULIT AKO. HIHIHI.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Dec 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

my snob bestfriend (ON-GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon