CHAPTER 6. My caring BESTFRIEND

99 2 3
                                        

FELIZ’s POV

May humahabol sa akin. Kailangan kong bilisan. Takbo lakad, takbo lakad. Hinihingal na ako. Hindi ko na kaya. Tulong!! Help. Mommy, daddy!!.Help.! Allen!!

“allen!!!” nagising ako at ang sama nang panaginip ko. Buti panaginip lang pala. Teka nasaan na ba ako??

Tumingin ako sa paligid ko. Hindi pamilyar ang place. Doon na ako kinutuban. Ibig sabihin hindi panaginip na may humahabol sa akin?? Oh no! nasaan na ako?

“mabuti naman at gising ka na”

Tiningnan ko yung pinanggalingan nang boses.

“SINO KA?! ANONG KAILANGAN MO SA AKIN ?!! HAYOP KA!! PAKAWALAN MO AKO!!” naiiyak na ako sa takot.

“HOY! MISS KANINA KA PA AH. ANO BANG PINAGSASASABI MO DYAN!?PASALAMAT KA NGA AT HINDI KITA INIWAN SA KALSADA KANINA E!!” sigaw naman nung lalake.

“ANG KAPAL MO!! BAKIT AKO MAGPAPASALAMAT SAYO. KASALANAN MO NAMAN. SINO KA BA HA?!! ANONG KAILANGAN MO? PERA? BIBIGYAN KITA KUNG GUSTO MO!!” sigaw ko din sa kanya.

Nilapitan ako  nung lalake. Natakot naman ako na baka saktan ako nang lalakeng to. Pinagsisisihan ko na kung bakit ko pa sya sinigaw sigawan. Grabe natatakot na talaga ako. Somebody help me??!

“PARA SABIHIN KO SAYO MAYAMAN AKO. HINDI KO KELANGAN NANG PERA MO!!”

Tuluyan na akong napaiyak. Iniisip ko kasi na baka gusto nya akong pagsamantalahan kaya nya ako dinala dito. Tuluyan na akong naghesterical.

“HUWAAA!! RAPIST KA !NAPAKA SAMA MO. HAYOP KA. PERVERT!! BATA PA AKO.MAAWA KA SA AKIN. HUWAAA!! TULONG TULONG TULONG!! Iyak ako nang iyak.

“TUMAHIMIK KA!!!” napatahimik naman ako agad sa sigaw nya.

“KANINA MO PA AKO INIINSULTO AH!. BAKIT KASI HINDI MO MUNA AKO PAGSALITAIN!” umupo sa gilid nang kama.

“ano?! Pwede na ba ako magsalita?” tanong nya.

Tumango lang ako sa kanya.

“mabuti naman. Una sa lahat kaya ka nandito kasi hinimatay ka kanina pagkatapos kitang halikan.” Napatingin naman ako agad sa lalake.

“SABi NA MANIAC KA!! ANO PA IPAPALIWANAG MO HA?!! RAPIST KA ----“ pinasakan nya nang damit ang bunganga ko.

“sabi ko pagsalitain mo muna ako.” Tinanggal ko naman yung nakapasak sa bunganga ko. Nagpatuloy sya.

“ako nga pala si Zack. Akala mo siguro kanina masamang tao ako.”

“bakit hindi ba?! Bakit mo ako sinusundan ha?!!”

“hindi mo ba ako namumukaan?!!” tanong nya sa akin.

Tinitigan ko naman yung muka nya. Pilit kong inaalala kong nagkita na ba kami. Pero wala talaga akong matandaan e. ah alam ko na.

“isa ka siguro sa mga stalker ko noh??!!” matapang kong sabi sa kanya.

Humagalpak naman ito nang tawa. Sige mamatay ka na!!

“wahahahahaha. Grabe ang kapal mo! Whahhaha.“ tawa tawa pa din sya.

Tumayo na ako.

“mamatay ka na!! bwiset!!” tuluyan na akong lumabas sa kwarto nya. Kahit sa paglabas ko rinig ko pa din ang tawa nya.

Patay 7:30 na. yari ako nito. Tiningnan ko yung cp ko. Ang daming text at miscalls ung iba galing kay manang lumen at karamihan kay allen. Binasa ko ung mga text ni allen.

“where the hell are you?!!!”

“utang na loob magreply ka!!”

“bakit di mo sinasagot ang tawag ko??!!”

my snob bestfriend (ON-GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon