CHAPTER 4. HELP! HELP! 911! 911!

103 5 1
                                    

CHAPTER4.

Natapos din ang isang nakakabagot na araw. Nung uwian na namin, pumunta naman kame ni Coleen sa class ni Allen. Syempre as new friend ipapakilala ko rin sya sa bestfriend ko.

Inantay muna namin maglabasan sila Allen. Di naman masyado matagal ang pinaghintay namin dahil maya-maya pa ay naglabasan na din sila. Agad naman nya akong nakita at nilapitan.

“kamusta ang araw nang maganda kong bestfriend? Namiss mo ako noh?!” sabay kurot sa pisngi ko.

“ouch! Not really. Ano oras uwian nyo?”

“5 pm pa e. ikaw?”

“uwian na namin e. hindi pala tayo magsasabay”

“ganon ba? Sayang naman. Gusto mo bang ihatid kita ngayon? May 1 hour break pa naman

bago ang next class ko e.”

“naku wag na mapapagod ka lang. ay oo nga pla may ipapakilala ako sayo.” Nasa likuran ko lang nun si coleen kaya ndi sya napansin ni allen

“oh? Sino?” tumingin sya sa likuran ko.

“sya nga pala si Coleen. New friend ko. Coleen, sya si Allen. Pinkamamahal kong bestfriend.”

“hi Coleen. Ako si Allen. I’m glad at may new friend na si Feliz. Nice to meet you” inabot naman ni allen ang kamay nya.

“n-nice t-to m-meet you din. I’m Coleen” nakipagshake hands din sya dito.

Tumingin saken si Allen nang nagtataka.

Binulungan ko sya.

“medyo mahiyain sya e”

“ahh . okey.” Tumingin sya ulit kay Coleen.

“dahil friend kana ni fel,friends na din tayo ah, kaya wag kang mahiya sa akin.”

“s-slamat”. Tipid na sgot nito.

“sige na allen, aalis na kme. See you!”

“sigurado kang ayaw mong magpahatid?”

“oo.  May kasabay naman ako e.”

“okey bye. Ingat. Text mo ko pag naka-uwi ka na ah. Bye. Nice meeting you ulit Coleen”

Ngumiti lang si Coleen .

Madami dami din kaming napag-usapan ni Coleen habang naglalakad kame. Nalaman ko na nagiisa lang syang anak. At meron silang malaking company. Hindi talaga ako makapaniwala na anak mayaman sya. No offense meant ah, pero sa nerdy look nya aakalain mong scholar lang sya dahil nakapasok sya sa Unibersidad na ito. Masaya din naman pala syang kausap kahit halatang nahihiya pa din sya akin. Tinanong ko sya kung bakit sya lumipat nang school pero hindi naman nya sinagot. Siguro family problem kaya di ko na inopen. Dun sya nakatira sa kabilang subdivision na malapit sa subdivision namin nila Allen.

“dito ka pala nakatira. Malapit lang ung amin, sa kabilang kanto lang. sige uuwi na ako. Nice meeting you again aha. Kita kits na lang bukas.”

“cgecge, i-ingat ka ah. M-masaya a-ako at n-nakilala kita”

“ako din. Bye-bye”

“bye”

Nagsimula na akong maglakad nang may napansin akong lalakeng nakatago sa malaking poste. Kinabahan ako bigla. Binilisan ko yung lakad, halos tumakbo na ako sa sobrang takot. Lakad, takbo, lakad, takbo ang ginawa ko. Ang bilis na nang pintig nang puso ko. 4:00 pa lang nang hapon bakit may mga umaaligid nang masasamang tao diba dapat gabi pa ang duty nila. Ano ba tong pinag iisip ko. Nakuha ko pang magbiro sa lagay kong ito. Lord promise magpapakabait na ako, iligtas nyo lang po ako sa masamang taong sumusunod sa akin ngayon. Tuluyan na akong napasigaw nang biglang may humablot nang braso ko.

“WAAAAA!! HELP! HELP! 911! 911! WAG PO BATA PA AKO PARA MAMATAY. WAG NYO PO AKO SASAKTAN. MAGPAPAKABAIT NA PO AKO. PLEASE—“

“ano ba miss – “

“GUSTO NYO NANG PERA. MARAMI AKO NUN GUSTO NYO IBIBIGAY KO SA INYO. WAAAA! MOMMY, DADDY HELP! MANANG LUMEN, ALLEN. MAHAL NA MAHAL KO KAYO. TANDAAN NYO LAGI YAN, HUWAAAA! ----“

“Miss ano ka ----“

“SAYANG ANG LAHI KO. GUSTO KO PA NAMAN SANA MAGKA ASAWA AT MAG KAANAK. BAKIT KASI PINANGANAK AKONG MAGANDA E. MABENTA TULOY AKO SA MGA MASASAMANG TAO . HUWAAAAA!!! --”

“Miss, gu---“

“NAPAKAWALANG HIYA MO!! MAPUPUNTA KA SA IMPYERNO TANDAAN MO YAN!! ----“

Sa isang iglap napahinto nya ako. Gamit ang - -------

.

.

..

.

.

 LABI nya!

Then, hindi ko na alam ang nangyari. Nagblack-out na lahat nang nasa paligid ko.

my snob bestfriend (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon