~CLASSROOM
“why are you late ms. Samonte?” sabi ni mam almera.
“sorry po mam, n-natraffic po ako” pagsisinungaling ko.
“wag po kayong maniwala dyan mam. Kanina pa yan nandito nakita ko!” sigaw naman ng napakabait kong “bestfriend”.
“shut up Mr. Villalobos, I’m not talking to you!” yan tuloy napagalitan. Whahaha ! binelatan ko sya. Tapos pina-upo na ako ni mam. Pag-upo ko kinotongan ko naman sya agad.
“aray!”
“that’s what you get!” sabi ko sa kanya.
“kamusta kana?” nakayuko nitong sabi. Aba mukang nahihiya ah. Mabait naman talaga tong si zack kahit hindi nya ipahalata.
“ewan. Hindi ko alam.”
“it’s okey feliz. Time heals all wounds.”
“thanks” nakangiti kong sabi sa kanya.
“okey class!” pukaw naman sa amin ni mam. “malapit na ang ating school fest, as usual magkakaroon na naman ng baskeball tournament ngayong taon. Tulad ng dati, ang makakalaban nyo ay manggagaling sa iba’t- ibang courses.” Nagbulungan naman ang mga kaklase ko, halatang excited ang lahat. “kayo na rin ang bahalang bumuo ng team. Alam kong mangagaling kayong lahat so, as your adviser ayokong makampante kayo. Make sure na mananalo kayo ah. So goodluck.” Nagpalakpakan naman kaming lahat. Ito yung masaya sa pag-aaral e. mga eklabu activities.
Syempre dahil kilala namin ang kakayahan ng bawat isa kami na rin ang pumili ng maglalaro sa aming course.
“may napili na ba kayo?” tanong ni mam.
“yes mam. Si Sean, Julius, Sky at Vince. pero kulang pa kami ng isa mam e.” sagot naman ni Arlyn.
“kulang pa? sino pa ba ang pwede?”
Naglingunan naman ang mga kaklase ko naghahanap ng pwede pang maglaro.
Tss! Bakit pa sila maghahanap e, anong silbi ng katabi ko??!!
Tumayo ako at sumigaw.
“classmates! Wag na kayong mamoblema! Dahil ang magiging alas natin ay si..” huminto muna ako. “si zack!!”
“ha?! bakit ako? Ayoko sumali dyan. Pagpapawisan at mapapagod lang ako.” Pag-iinarte naman ni zack.
“basta ikaw na ang huling member!” diba mam?” tumingin ako kay mam almera.
“oo nga nman. Why not? Mag eenjoy ka dito mr. villalobos, ito pa naman ang first time mong makaka-experience maglaro sa school na ito.”
Lahat ng kaklase ko, pinipilit na si zack.
“sige na zack! sumali ka na. for our course.” Sigaw ni jane.
“oo nga zack. sigurado namang magaling ka e.!” sigaw ulit ng isa ko pang kaklase.
“sige na kasi zack! arte naman nito. Pakipot much?!” pangungulit ko dito.
Matagal bago sya nagsalita. Lahat sila nag-aantay ng sagot nya.
“ano zack?!” tanong ko ulit.
After 1082982193792 years.
“ok fine” tipid na sagot nito. Pagkatapos nun nagdiwang na ang mga kaklase ko.
“okey class, starting on Monday. Simula na ang try-out. Goodluck handsome 5!” yun lang at nagdissmiss na si mam.
“yehey! Salamat naman at pumayag ka din!”
Ngayon buo na ang aming DREAM TEAM hahaha XD exciting to. Madaming courses ang makakalaban namin.
Biglang tumayo si zack.
“wait! Nagbago na ang isip ko.” Sabi nito naseryoso.
“what?! Bakit?” tanong ko. Grabe ang bilis magbago ang isip ng taong to.
“naisip ko kasing wala naman akong mapapala kahit na manalo kami. Aksaya lang ng panahon at pagod.”
“ganyan ka pala kaselfish?” biglang sabi ni sky.
Hindi ata nagustuhan ni zack ang sinabi nito. Tumayo ito at nilapitan si sky.
“wag ka ngang magmalinis. Ganyan din naman ang iniisip mo e” tumayo din si sky. Omg mukang gulo to.
“hindi ako kagaya mo. Wag mo ako itulad sayo”
Pumagitna ako sa kanila.
“pwede ba tigilan nyo yan!” tumingin ako kay zack. “please naman zack wag kana umatras. Okey na nga diba?!” tumingin sya sa akin.
“okey sige papayag ako kung..” huminto sya sa sandali.
“kung??”
Ngumisi sya at tumingin kay coleen na kanina pa tahimik habang nakikinig.
“na kung mananalo kami, sasagutin na ako ni coleen” tumahimik ang lahat sa sinabi nya. especially coleen na gulat na gulat.
“a-ano?” yun lamang ang nasabi ni coleen.
“gusto kong magkaroon ng inspiration sa bawat ginagawa ko nang sa ganon mas gusto kong pagbutihin ito, tulad ngayon mas paghihirapan kong manalo sa laban na ito dahil kay coleen.”
“baliw kaba? Bakit mo ilalagay sa isang alanganing desisyon si coleen. Kung ayaw mong sumali, e di wag. Kakayanin naming manalo kahit wala ka” matigas na sabi ni sky.
“wala akong pakielam sa mga sinasabi mo, hindi ikaw ang magdedesisyon para sa kanya. Sino kaba ha?!!”
“tumigil na nga kayo!!” tumayo naman si coleen. Lahat kami tumahimik sa pagsigaw nya. “okey sige, pumapayag ako sa gusto mong mangyari zack. Papayag ako sa gusto mong mangyari na kapag nanalo kayo sasagutin kita. Pero kung sakaling matalo kayo, titigilan mo na ako. Maliwanag ba?! Nagkakaintindihan ba tayo?!” seryosong sabi nito.
“hindi mo to kailangan gawin coleen. Kakayanin naman namin kahit wala sya e.” sabi ni sky.
“its okey sky.” Tumingin ulit sya kay zack na hanggang ngayon ay hindi pa din makapagdecide. Syempre nga naman pano kung matalo sila, ibig sabihin nun e titigilan na nya si coleen. Kawawang zack kung nagkataon.
“deal! Sige pumapayag ako.” Matapang na sabi ni zack. “maghanda ka ng maging boyfriend si zack villalobos” yun lang at lumabas na sya sa room.
>> つづく
BINABASA MO ANG
my snob bestfriend (ON-GOING)
Teen FictionBESTFRIEND?? paano kung nainlove ka sa iyong bestfriend? what if nasabi mo nga, pero lumalayo naman sya sayo. isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan kapalit nang iyong nararamdaman o hahayaan mo na lamang na maging friends kayo forever ?! mahira...