Every after 30 minutes tumitingin ako sa cellphone ko to find out if allen texted me. Pero every after 30 mins lalo akong nanlulumo dahil walang text from him. Ni “hi” or “hello” wala. Usually kasi pag nagaaway kame wala pang 1 oras nagtetext na sya sa akin para makipagbati. Pero ngayon wala! Matatapos na ang isang araw pero hindi pa kami nagkakabati.
“e kung ako na lang ang mgtext sa kanya?” kausap ko sa sarili ko. “no way!!,hinding hindi ako mauunang makipagbati sa kanya. Kung mas importante saken ang babaeng yun. Magsama sila! Makatulog na nga lng!” then humiga na ako.
Hindi naman ako makatulog sa kakaisip kay allen. Siguro wala na syang pakielam sa akin, siguro nagsasawa na sya sa ugali ko at ayaw na nya akong Makita o makausap. Dahil lang sa girl na un?! WTF! I HATE YOU ALLEN!! I HATE YOU ALLEN!! I HATE YOU ALLEN!!.
Nakatulog na ako sa kaka “I HATE YOU ALLEN!!” ko. Maaga akong gumising actually wala talaga akong gaanong tulog kagabi sa sobrang sama nang loob ko. Tumingin naman ako sa phone ko, pero wala pa ring text from allen. Bumaba na ako para kumain.
“good morning feliz! Kain na” masiglang bati sa akin ni manang lumen.
:”morning” walang gana kong sabi.
“o? may problema ba? Bakit ang tamlay mo? May sakit ka ba?” nagaalalang tanong ni manang lumen.
Si manang na lang talaga ang makakaramay ko sa lahat dahil iniwan na ako ni allen.
“wala po. Medyo hindi lang po ako gaanong nakatulog kakareview.” Pagsisinungaling ko.
“ganyan talaga ang buhay studyante. Kumain ka na lang ng marami para may lakas ka mamaya.” Then pumunta na ulit si manang sa kusina.
ALLEN’S POV
Ang aga-aga bakit parang ang init ng ulo ko ngayon? Makapasok na nga lang ng maaga. Nang nakarating ako sa school dumeretso ako sa library. Andun din si Leila nung time na yun. Agad naman nya akong nakita then tumabi sa akin.
“hi!” bati nya sa akin,
“hello” walang gana kong sabi.
“bakit? Problem?”
“wala. Medyo napasama lang ang gising ko” ngumiti ako sa kanya. Hindi ko dapat idamay si Leila sa init ng ulo ko.
“gusto mo bang imassage kita?” akmang tatayo na sya pero pinigilan ko sya.
“hindi na salamat sa pag aalala” pina upo ko sya. Then nginitian ko sya. Sakto namang dumating si Feliz sa library.
Tiningnan nya ako habang nakasimangot tapos iniwas na ulit ang tingin sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkakaayos ni Feliz. Pinigilan ko lang ang sarili kong i-text sya kagabe, gusto ko kasing matuto sya sa pagkakamali nya. Pero ngayon gustong gusto ko na syang lapitan. Sinundan ko lang sya ng tingin.
BINABASA MO ANG
my snob bestfriend (ON-GOING)
Teen FictionBESTFRIEND?? paano kung nainlove ka sa iyong bestfriend? what if nasabi mo nga, pero lumalayo naman sya sayo. isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan kapalit nang iyong nararamdaman o hahayaan mo na lamang na maging friends kayo forever ?! mahira...