ZACK’S POV
Maldita talagang babaeng yun sya na nga pinakopya sya pa ang malakas mang-insulto. Tsss. Boring talagang mag-aral. Sisiw lang lahat ng subject walang ka thrill-thrill. Hay naku buhay!! Kasalukuyan akong nagpapagala gala ng matanawan ko ung maldita na nakaupo sa isang bench at nakasimangot. Ibang klase rin talaga ang mood nitong babaeng to. Paiba-iba. Malapitan nga.
Habang papalapit ako sa kanya, sinundan ko naman yung tiningnan nya. Nakatingin sya sa dalawang magkasintahan habang masayang naglalakad sa hallway. Hmm. I smell something fishy.
“akala mo kinaganda mo yang pagsimangot mo?” simula na ng pang aasar ko at pagganti.
“shoo!! Go away!” sigaw nya sa akin.
Aba! Tapang ah. Tinabihan ko sya.
“selos ka?? Ex mo ba yun?”
“shut up! Wala kang alam!”
“may alam ako. Nangopya ka nga saken kanina diba? Ahahha”
“will you please leave me alone??” nakairap nyang sabi.
“no.” tipid kong sabi. ”may utang ka sa akin. Pakainin moko” pagpapalibre na lng ako para sulit naman ang pangongopya nya sa akin. wahahhaa
“patay gutom! Pulubi! Bastard! Siraulo!”
“aba!! Hoy sumusobra ka na ah!” inagaw ko yung pouch bag nya at kinuha ung wallet nya.
“hoy akin na yan!! Magnanakaw!” pilit nyang ina-abot sken ung wallet nya.
“ayoko nga. Abutin mo! Ahahaha” nakakatuwa talaga kaasaran tong malditang to. Game always.
“letse! Akin na!!” tumakbo ako papuntang canteen. Syempre hinabol naman ako nito.
Naabutan nya ako sa canteen at biglang kinotongan.
“aray!”
“wahhaha. Yan ang bagay sayo! At eto pa!” piningot nya ang tenga ko. At nakuha ang wallet nya. Sayang!!! >.<
“grabe ka! Idedemanda kita ng child abuse!”
“whatever!” umorder sya ng pagkain nya.
“manang dalawang order po ng spaghetti at isang coke. Pakicharge na lang po sa lalakeng toh. Salamat”
“teka bakit ako ang magbabayad? Ang kapal mo talaga. Ako nga itong nagpapalibre e.”
Hindi ako pinansin, pagkakuha ng order nya bigla ng umalis at umupo sa bakanteng upuan. Wala na akong nagawa pa. umorder na rin ako ng akin at nagbayad ksama ng order nya. -_-
“ang sama mo talaga! Grabe ka.”
“hayaan mo na. next time ililibre na kita.” Nakangiti nyang sabi.
“kelan naman yung next time??” walang gana kong tanong.
“pag blue na si Patrick star. Ahahha”
“tsss. Mabulunan ka sana!” napangiti na rin ako.
Kahit asar ako sa babaeng to, masaya pa rin naman kasama. From now on, i‘ll consider her as my new friend/enemy.
COLEEN’S POV
Nakita ko si Feliz na nakaupo at nakasimangot. Tatawagin ko sana ito ng bigla syang lapitan ni Zack.
Tiningnan ko lang sila sa malayo. Nakita ko kung gaano na ka-close ngayon sina feliz at zack. Nalungkot ako sa nakikita ko. Hindi kami naging ganyan kalapit noon ni zack yung tipong pwede ko syang batukan at asar-asarin. Ngayon ko lang din nakita si zack na aliw na aliw sa pakikipag asaran sa babae. Kitang kita kong enjoy na enjoy sya, samantalang pag ako ang kasama nya noon lagi syang nakasimangot at hindi man lang ngumingiti.
Nagseselos ako ngayon. hindi na dapat e. lumayo na nga ako para wag ng masaktan. Tapos eto ako ngayon balik na naman sa dati. At umasa na naman akong mapapansin nya. Siguro yung mga pinapakita nya sa akin ngayon, isa na naman sa mga pantitrip nya sa akin.
Ang sama mo zack! Bakit mo ba ako ginaganito?! Umiwas na nga ako e, tapos sumunod ka pa. Bigla na lang tumulo ang luha ko ng hindi ko napapansin. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. ito hinding hindi na ako aasa sayo zack, ito na ang huling magpapakatanga ako sayo.
“panyo o.” napalingon ako sa nagsalita.
“s-sky?” tiningnan ko lang sya. Hindi naman kami close ng tao na to. Nakakagulat lang.
“tanggapin mo na.” nakangiti nyang sabi.
“salamat” inabot ko ang panyo.
Pag-abot ko ng panyo bigla na syang naglakad palayo. Sinundan ko lang sya ng tingin. Weird?!
Tiningnan ko yung panyo nya. Sky Brandon
Nilingon ko ulit sila zack pero wala na sila dun. Nakita kong naghahabulan na sila papuntang canteen. Bakit ang hilig maghabulan ng dalawang yun? Naalala ko tuloy yung insidente samin ni zack. Namula ako. O//0
Ano ba naman yan coleen?!! Kalimutan na nga sya diba?!!
Tumulo na naman ang luha ko buti na lang pala pinahiram ako ni sky ng panyo nya. Puro na lang ako iyak. Lagi na lang si zack ang dahilan ng pag-iyak ko. Nakakasawa na.
Inayos ko muna ang sarili ko tsaka ako pumunta sa next class namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/4154253-288-k513705.jpg)
BINABASA MO ANG
my snob bestfriend (ON-GOING)
Ficção AdolescenteBESTFRIEND?? paano kung nainlove ka sa iyong bestfriend? what if nasabi mo nga, pero lumalayo naman sya sayo. isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan kapalit nang iyong nararamdaman o hahayaan mo na lamang na maging friends kayo forever ?! mahira...