CHAPTER 26. THE DEAL

72 2 1
                                        

COLEEN’S POV

 

Uwian na. grabe ang nangyari sa akin ngayon dahil sa lalakeng yun. Sobrang nakakahiya sya. Arrgh!! >.< Kailangan ko syang makausap. Kailangang matigil na tong mga kalokohan nya.

“coleen, uuwi ka na?” sabi ni sky.

“a-ah, h-hindi pa.”

“tara sabay na tayo” yaya nito sa akin.

“a-ah. M-mauna ka na lang muna sky. May kakausapin lang akong importante.”

“antayin na lang kita”

“ahh –“

Hinatak ako ni zack. Buti naman andito na tong lalakeng to.

“ako na ang maghahatid sa kanya.” Sabi nito kay sky.

Ang sama na naman ng tingin ng dalawa sa isa’t isa. Agad ko namang nilayo si zack.

“ahm. Sige okay lang sky. Actually sya yung kakausapin ko e”

“ganon ba?! Kung ganon sige, una na ako. Text mo ako kung nakauwi kana. Bye.” Sinundan ko na lang sya ng tingin.

“tss! Bakit naman sya nagbibilin ng ganon? Boyfriend mo ba yun? Dapat ako ang nagsasabi nun e.” tiningnan ko sya ng masama.

“at bakit boyfriend ba kita?!”

“ay hindi pala”

“buti alam mo yan!”

“dahil fiancé mo ako.” Nakangisi naman nitong sabi.

“kakausapin kita tungkol dyan. Para sabihin ko sayo hindi kita fiancé! At pwede ba zack tigilan mo na ako sa mga kalokohan mo! Hindi na ako natutuwa sa mga pinagagagawa mo. Ano bang gusto mong mangyari? Litong lito na ako sa mga ikinikilos mo.” Grabe habang nagsasalita ako ditto, itong mokong na to ngingiti ngiti lang. parang nang aasar pa. “ano ba?! Seryoso ako! Wag mo akong ngitian!”

“lalo ka kasing gumaganda pag nagagalit, lalo tuloy akong naiinlove sayo.”

Utang na loob naman po! Hindi nya ako sineseryoso?!

“ZACK ANO BA?!! HINDI AKO NAGBIBIRO. NALILITO NA AKO SAYO!!” sigaw ko sa knya.

“bakit sino bang nakikipagbiruan? Seryoso din naman ako sayo ah. Seryosong seryoso.”

Natigilan ako sa  sinabi nya. Inaantay ko yung bigla nyang pagtawa pero wala.

“seryoso ako coleen. Gusto kita. Ay hindi, mahal kita coleen.” Seryoso nitong sabi.

my snob bestfriend (ON-GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon