1ST DAY OF SPORTSFEST.
Dahil si feliz ang inatasang mag-manage ng buong team, sya na ang nag-assign kung sino sino ang maglalaro sa iba’t ibang sports.
FELIZ’S POV
“Coleen, dun ka naka-assign sa IQ Game. Alam ko naman kasi na yakang-yaka mo yun”
“ah, thanks Fel. Sige, anong time at venue ba yun?”
“ahm, Ayun sa list ko 11-1 pm ung game nyo today at sa comp.lab gaganapin. Kasama mo nga pala sila angel at kheem”
“ah okey. Sige kelangan ko pa pala maghanda.”
“ay naku kahit wag na. Sisiw lang un sayo for sure.”
“Hindi noh. Kelangan ko pa din maghanda.” Nahihiyang sabi neto.
“ahahaha. Ikaw talaga! Oo nga pala, ngayon ung game 1 ng team natin. 2pm manuod ka ah. Kelangan ng inspiration ni zack dun.”
“s-sige. bye“
“Bye ! “
“Welcome in the sportsfest 2013.” Bating panimula ni mam almera. “Another year to express your talents and skills, another year of success and achievements. Alam kong lahat kayo ay pinaghandaan ito ng mabuti. So, everyone goodluck and show your very best.! Let the battle begin! ”
Nagpalakpakan ang lahat at halatang excited silang lahat. Dahil ito ang first day, indoor games muna ang kelangan nilang laruin. Kasama na dun ang much awaited basketball tournament. Nagpunta na ang mga players sa kani-kanilang laro. All of them are very excited and very competitive.
Pagsapit ng 2pm halos lahat ng studyante ay nagpunta na sa basketball court para manuod at magcheer sa bawat players. Kasama na dun ang buong team nila Feliz. Team Leyte ang pangalan ng team nila. Ang team nila ang unang maglalaro at makakalaban neto ang Team Aklan.
“Guys! Let’s cheer our team ah.” Paalala ni feliz.
“Yes of course!!” sigaw ng team leyte.
Habang hindi pa nag-uumpisa ang game, pmwesto na sila feliz sa bench malapit sa team nila. Bigla syang huminto ng Makita nyang nakapwesto rin ang team nila allen which is the team Palawan sa bandang likuran nila para manuod. Nagtama ang paningin nila. Ngunit hindi nya ito kayang titigan ng matagal, feeling nya matutunaw sya sa titig nito. Umayos na sya ng upo at hindi sya mapakali dahil feeling nya nakatingin pa din sa kanya si allen.
Ano ba feliz, concentrate! Bulong nito sa sarili nya.
At maya maya pa ay nag-umpisa na ang laban ng team nila, at tulad kanina hindi sya makacheer ng maayos dahil naiilang sya kay allen na nasa likuran lamang nila. Natapos ang game na hindi nya namamalayan, as usual nanalo sila against team aklan. Natauhan na lang sya ng batuhin sya ni zack ng jersey nya.
“ewww!!” sigaw nya. “Kadiri! Puro pawis!”
“ang arte mo naman! E panu kasi kanina pa kita kinakausap dyan parang hindi mo ako naririnig!”
“ow! Sorry. Ano ba ang sinasabi mo?”
“tinatanong kita kung nasan si coleen?”
“ah, e kanina nandito un e, biglang nawala. Baka tinakasan ka?! Sabagay hindi pa naman yan ung final game. Malay mo matalo kayo. Kawawa ka naman, walang coleen! Ahahahahha.”
“tsk. Nagdiwang ka pa ah!”
Sa inis ni zack niyakap nya si feliz kahit sobrang pawis pa sya.
“yyucckkk!!! Bitawan moko! Kadiri! Eewwwwww!!!!” sigaw ni feliz.
“ahahhahaha. Yan ang bagay sayo!”
At pinaghahampas NI FELIZ si Zack na tawa naman ng tawa.
“ahem!”
Napalingon naman sila sa tumikhim.
ALLEN’S POV
Alam nyo ung feeling na sobrang nag-iinit yung ulo nyo sa twing nakikita nyo yung taong sobrang importante sayo ay napapalapit na sa ibang tao. Damn! Yan ang nararamdaman ko ngayon.
“yyucckkk!!! Bitawan moko! Kadiri! Eewwwwww!!!!” sigaw ni feliz.
“ahahhahaha. Yan ang bagay sayo!” zack.
Na-aasar ako! SH*T. Hindi na talaga ako natutuwa sa nakikita ko!
“ahem!” hindi ko napigilan at lumapit ako sa kanila. Agad naman silang tumigil at napatingin saken.
“masyado kayong nakakaistorbo sa mga tao” sabi ko in a cold tone.
“And so?!” maangas na sabi ni zack. “tara na nga babes umalis na tayo dito.” Hinawakan nya ang kamay ni feliz at umalis na sila.
ANO DAW?? BABES?!!
Naiwan akong nakatayo at hindi malaman ang dahilan kung bakit naging ganon ang reaksyon ko sa nakita ko kanina.
“Hi honey!” nagulat ako sa yakap ni Leila.
“L-leila?”
“Yes it’s me. Goodluck nga pala sa game nyo mamaya at for sure manunuod ako. Syempre as your girlfriend kelangan ko suportahan ang boyfriend ko.” Malambing na sabi nya sa akin.
Mukang siniseryoso na ni Leila ang pagpapanggap namin. Pero simula pa lang naman hindi ko na gusto ang ideyang ito. Sya lang ang may gusto neto. Ayoko ko makasakit ng tao. Kaya habang maaga pa kelangan ko na tong tigilan. Oo at sinabi kong gusto ko si Leila pero alam ko at malinaw pa sa sikat ng araw na hindi ko sya mahal. Gusto ko sya not in romantic way. Gusto ko sya dahil mabait sya at maalalahanin. At hanggang doon na lang yun.
A/N : ~ Jealous much sibestfriend? Anong say nyo? Hmmm. Bakit kasi puro sila deny e, yan tuloy. Ay naku! Sorry kung medyo panget tong chapter na to. Babawi na lang ako sa next chapters. Hihi
Next Chapter na.! Enjoy guys.
VOTE VOTE! COMMENT COMMENT!
BINABASA MO ANG
my snob bestfriend (ON-GOING)
Fiksi RemajaBESTFRIEND?? paano kung nainlove ka sa iyong bestfriend? what if nasabi mo nga, pero lumalayo naman sya sayo. isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan kapalit nang iyong nararamdaman o hahayaan mo na lamang na maging friends kayo forever ?! mahira...