FELIZ’S POV
“okey class, dahil tapos na ang pre-final examination natin. Sasabihin ko na ang final requirements nyo sa akin. Ito na ang inyong final project for this sem.” Panimula ni mam Queer. “gusto ko gumawa kayo ng sarili nyong recipe. Kahit ano basta sarili nyo. Ayokong malalaman na kinopya nyo lang ang inyong recipe sa internet or kahit saan. Maliwanag ba?!”
“yes mam!!” sabay sabay naming pagsang-ayon.
“I will group you into 2. Wag nyo na akong pahirapan i-group kayo. So, kung sinu ung magkakatabi sila na ang magkakagroup. Sabihin nyo na agad saken kung may problema kayo sa mga kagroup nyo habang maaga para maiwasan ang inyong di pagkakaunawaan”
Nilingon ko yung katabi ko. Pinagisipan ko munang mabuti kung makikipagpalit pa ako ng ka-partner. Undecided pa rin ako. Bigla naman syang nagtaas ng kamay.
“mam!” sabi ni zack.
“yes mr. villalobos?”
“pwede po ba akong makipagpalit ng partner kay Sky.” Nakangiti nyang sabi.
Aba! Ang kapal nito ah. Sya pa ang nagdemand makipagpalit ng partner dapat nga ako e. >.< naunahan lang nya ako. Asar! Napatingin naman ako kay coleen na halata namang nagulat din sa sinabi ni zack.
“bakit mr. villalobos may problem ba kay ms. Samonte?” tanong ni mam.
“ahm. Wala naman po akong problema kay feliz. Actually nga po maaasahan si feliz.” Paliwang ni zack.
Dapat lang zack. Okey pinapatawad na kita. Ahhaha overwhelmed naman ako sa sinabi nya.
“pero lagi po akong binubugbog at sinisigawan” nagpalungkot pa kunwari sya ng muka.
What?!!! >.< bwesit to!!
“mam hindi po totoo yun!” pagtatanggol ko sa sarili ko.
“sigurado kaba sa sinasabi mo zack?” tanong ni mam.
“ahahah joke lang po yun. Ang totoo po nyan e, gusto ko po tlagang makapartner si coleen” nakangisi namn nitong sabi.
Naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa sinabi ni zack. Ah kaya pala. Nakita ko namang yumuko si coleen na parang nahihiya sa mga pinagsasasabi nito.
“o sige papayag ako kung papayag ding makipagpalit si mr. lacson.” Tinanong naman ni mam queer si sky. “ano papayag kaba mr. lacson na makipagpalit kay mr. villalobos?”
Matagal bago makasagot si sky. Biglang sumingit si zack.
“yes! Thank you sky!”
“manahimik ka mr. villalobos! Hindi pa nga nakakasagot si mr. lacson e”
“pero mam silence means yes diba?!”
Napatingin naman si coleen kay sky na parang nagsasabing wag syang pumayag.
“mam” nagsalita na si sky. “ sige –“
“yun! Salamat ulit!” singit ulit ni zack.
“hindi pa ako tapos zack”. Seryosong sabi ni sky. ”ang ibig kong sabihin” lumingon sya kay coleen. “sige, hindi ako papayag.”
Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga kaklase ko.
“wooo!!! May love triangle na nabubuo dito!!!” sigaw ng isa kong kaklase.
“what??!!” takang tanong ni zack na kay sky nakatingin.
“sabi ko hindi ako papayag sa gusto mo. Ikaw na din ang may sabing maaasahan si feliz so, bakit ka makikipagpalit? Dahil lang sa walang kwenta mong rason?!” seryoso pa rin nitong sabi.
Nagsmirk si zack.
Teka may nararamdaman akong tension ngayon ah. Wooo ! exciting to!! Ahahaha
“so maliwanag na hindi payag si mr. lacson sa gusto mong mangyari mr. villalobos” final na sabi ni mam.
“tss. Okey fine” walang ganang sabi ni zack.
ZACK’S POV
“sabi ko hindi ako papayag sa gusto mo. Ikaw na din ang may sabing maaasahan si feliz so, bakit ka makikipagpalit? Dahil lang sa walang kwenta mong rason?!” sabi ni sky.
Hmm smells war?!
Ang epal naman ng sky na toh. Badtrip! Sinu ba sya para sawayin ang gusto ko?! Humanda ka saken ulap. Whahha
Tumingin naman ako kay coleen na halatang natuwa sa desisyon ni sky. Tsk! Hindi ka makakawala sa paningin ko coleen. Tandaan mo yan! Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong kunin ang atensyon nya. Ah. Oo nga pala, gusto ko lang syang asarin. Yun lang wala ng iba pa!
“buti nga!” asar akong lumingin kay feliz.
“tumigil ka nga!”
“ikaw kasi e. andito naman ako handang maging partner mo” lalo pa akong inasar ni feliz.
Badtrip din itong babaeng to e. sinabi ko pang maaasahan sya kanina.
“manahimik ka nga. Ingay mo”
“ahaha uy galit na sya. Sorry na nga!”
“oo na oo na. manahimik ka lang” hindi naman tlaga ako galit dito kay feliz ganito lang tlaga kami mag-asaran.
Nakita ko naman na nagbubulungan sina coleen at sky. Sinipa ko yung upuan ni coleen.
Agad naman syang napalingon sa akin dahil sa pagkabigla.
“sorry. Di ko sinsadya” sarkastik kong sabi.
Hindi na nya ako pinansin at umayos nang upo. Ganito lagi ang ginagawa ko sa twing nakikita kong nag-uusap sina sky at coleen. Dahil sa pagsipa ko sa upuan ni coleen agad naman silang nadidistract sa usapan. Bastos na kung bastos. E ano?!
Agad naman kaming dinismiss ni mam queer. Nauna ng lumabas sina coleen at sky. Hinabol ko sila at agad hinila ang kamay ni coleen.
“z-zack?!” gulat na sabi ni coleen.
“halika samahan mo ko” seryoso kong sabi.
“a-ayoko! A-ano ba!?”
Sumingit naman si sky.
“wag mo syang pilitin, kung ayaw nya” matigas ding sabi ni sky.
“sino kaba?! Ano bang pakielam mo??!” hinarap ko sya. Hinila naman ako palayo ni coleen.
“ano ba zack? Wag kang gumawa ng gulo. Please.”
“then sumama ka saken” tiningnan ko sya.
Tumingin si coleen kay sky.
“sige na sky. Okey lang ako. Mauna kana” sabi nya.
Tiningnan ako ng masama ni sky. Tapos nagsalita.
“sige coleen. Una na ako. Bye” seryoso nitong sabi.
“b-bye” hinila ko agad si coleen palayo.
Nang nakalayo na kami. Inupo ko sya sa isang bench na nandon.
“ano bang kailangan mo?!” sabi ni coleen.
“wala lang.tsk.”
“kung ganon aalis na ako” akma syang tatayo ng hilahin ko sya pabalik.
“ano ba?! Ano bang gusto mo ha?!”
“ikaw!”
--------------------________________________________________----------------------
BINABASA MO ANG
my snob bestfriend (ON-GOING)
Teen FictionBESTFRIEND?? paano kung nainlove ka sa iyong bestfriend? what if nasabi mo nga, pero lumalayo naman sya sayo. isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan kapalit nang iyong nararamdaman o hahayaan mo na lamang na maging friends kayo forever ?! mahira...