***
"ANG LAMPA!" hirit ng isang boses habang kinukusot ko ang aking tuhod.
Nadapa kasi ako habang binabaybay ang dalampasihan. I was busy collecting shells nang madapa ako sa buhanginan. Palibhasa gabi na rin kaya hindi ko na napansin ang kabuuan ng dinadaanan ko.
May torches naman na nakatirik sa buhanginan at ilang fairy lights pero hindi pa rin sapat upang makita nang maayos ang paligid. Abala rin ang lahat sa cottage dahil may party ngayong New Year's Eve.
Sa katunayan, tumakas lang ako sa party. At may kalayuan na rin ang nalakad ko kaya halos hindi ko na marinig ang videoke.
Sumimangot ako sa lalaki sa harapan ko. Hindi na nga ako tinulungan na tumayo, iniinis pa 'ko. Nakapamulsa lang siya sa tapat ko.
Isang gentleman.
I think he's at the same age as me? Or maybe younger? I think he's sixteen or seventeen. I'm sure pinakilala siya nina Daddy at Mommy sa 'kin kanina pero hindi ko maalala ang pangalan niya. May 'K' or 'D' yata or something.
Basta!
Ayokong itanong kasi alam kong aasarin niya akong ulyanin o makakalimutin. Baka batuhin ko siya ng shells nang wala sa oras. Sayang ang pagod ko sa paghahanap.
"Okay lang na lampa, at least hindi bungi." I scoffed at him.
It might be night, but a fact remained clear as day . . . I was such a child.
"Walang gan'on! Madaya! Hindi ko kasalanan na late nabunot ang ngipin ko!"
"Well, hindi ko kasalanan na nananakid ang buhangin!"
Maingat akong tumayo at pinagpagan ang bistida kong puti. Mabuti na lang at hindi ako nasugatan dahil sa pagkakadapa ko. Pero baka malagot pa ako kay Mommy kapag nakita niya na nadumihan ko ang damit ko dahil tumakas ako sa New Year's Eve party.
Puro matatanda naman ang nandoon kaya ayokong sumali. Bahala sila r'on. Mas gusto ko rito sa dalampasigan kasi tahimik at masarap ang simoy ng hangin.
I turned back to the guy and he was still smirking at me. Mula sa kaniyang labi, pilit kong tinititigan ang mukha niya pero nakatalikod siya sa mga ilaw. And for some reason, I could never view his full face properly. Parati ko lang nakikita ang ngiti, pagtawa, at pang-aasar niya ngunit hindi ang kabuuan ng mukha niya.
"Ano ba'ng ginagawa mo rito?" tanong niya sabay ang pagsuklay ng magulo niyang buhok gamit ang sariling kamay.
Inabot ko ang maliit na timba ng shells at pinakita sa kaniya. "Nangongolekta ng shells."
"Bakit ngayon? Ang dilim-dilim na kaya." His tone seemed . . . annoyed?
Ano ba ang problema niya kung gabi ako mangolekta? Close ba kami? Siya ba ang nahihirapan? Kanina ko nga lang siya nakilala . . . kahit limot ko na ang pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Magic || KDLex
Fanfiction#KDLexMagicOnWattpad Born from a prestigious family, Alexandra strives to be the perfect daughter, but the façade is ruined upon the return of her dark past. *** After Alexandra's accident, a big part of her memories disappear. Despite the missing p...