Chapter 9

562 55 12
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

HINDI KO na mabilang kung ilang beses na akong tumikhim. There was an imaginary lump in my throat that I kept removing. Nakaupo na kami sa couch pero sa halip na magkaharapan, kandong niya ako.

After almost an infinite worth of hug, nagpatianod ako hanggang sa umupo siya. At bago pa ako makaupo sa kabilang couch, nahila na niya ako upang maupo sa kandungan niya. Nanatili pa ring nakayakap ang mga braso niya sa baywang ko.

Naiilang ako sa pagtitig niya at nasisigurado kong ubod nang pula na ng mukha ko. Maybe redder than the red butterflies he gave me before.

"Uhm . . . KD?"

"Hm?" sagot niya habang nakasandal ang ulo sa balikat ko.

"P-puwede bang lumipat ako ng upuan?"

"Puwede naman."

Akmang tatayo ako pero hindi siya nagpatinag. Mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin.

"Uhm . . . Puwedeng bitiwan mo muna ako?" Hindi siya nagpalot ng puwesto nang bigyan ako ng ilang pag-iling.

"No, Lex. You've been away for too long. I just miss this." His voice cracked in the end. Maingat siya sa akin at wala namang kababalaghan na ginagawa. Kahit na nakayakap siya at kandong ako, wala naman siyang hindi kaaya-aya na inaasta sa akin.

"Mabigat ako," kalmado kong saad.

"No."

"Sobrang bigat ko kaya!"

"Hindi nga. You're perfect."

Nailang ako sa sinabi niya. My parents — particularly my mother — hated how much I ate. Lagi akong may naririnig sa kaniya kahit na kaunti lang ang kainin ko o kahit gutumim ko ang sarili ko.

That made me very insecure about my weight and figure. But this guy . . .

"F-fine. Pero puwede bang magsimula ka na magkuwento? Baka mamaya nasa labas na pala ang parents ko tapos hindi ka pa nagsisimula."

KD finally raised his head and looked at me. "That won't happen." He answered in a deadpaned tone.

"Paano mo naman nasabi?"

"Kahit naman pumunta sila rito, hindi sila makapapasok. They can't enter Kuya Don's territory as they please. Besides, alam naman nila na ako ang kasama mo."

"A-ano? P-paano?"

"Sinabi ko kay Manang Lisa."

I looked at him in disbelief. "W-what?"

"Tinawagan ko siya noong nasa sasakyan na tayo. Siya na raw ang magsasabi sa parents mo. She even scolded me na sa balcony kita itinakas sa halip na gamitin ang front door." Napatawa siya habang inaalala ang nangyari.

It was my first time escaping through the balcony — according to my known memories. It was an adventure.

Not that I think about it, binuhat din ako ni KD noon. Mukhang bihasa siya sa pagbuhat sa akin.

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon