***
"CAREFUL, love," paalala ni KD habang bumababa kami ng hagdan. Nakapiring ang mga mata ko at inaalalayan niya ako.
"Love, I can hear the sea naman. Bakit kailangan pa na nakapiring ako?" naiinip kong usal. Basta niya 'kong ginising sa aking siesta kahit ang sarap nang tulog ko. Walang babala niya 'kong pinagbihis kahit na wala pa 'ko sa ulirat. He just suddenly wanted us to go somewhere.
"It's part of the surprise, love."
"Ayan ka na naman sa pa-surprise-surprise mo! Hindi ko pa nga alam 'yong wish mo from last week."
I might sound childish, but I couldn't help it. He woke me on the wrong side of the bed after reveiwing financial reports for the past years. May ibang reports pa 'kong kailangan basahin kapag nakauwi kami dahil magiging abala na rin ako sa kompanya.
"Wait, love, tatanggalin ko lang ang sneakers mo. Hawak ka lang dito." Pinatong niya ang kamay ko at napahawak ako sa riles.
Hindi ko alam ang pakulo niya at hindi ko alam kung paano at kailan niya naisisingit ang mga kalokohan na 'to. He had been slowly picking up his untouched work. Dahil sa mga nangyayari, hindi ko man lang alam na nag-leave pala siya sa trabaho niya para sa 'kin.
Napabuntonghinga ako dahil wala rin naman akong ibang gagawin. He just told me that he was going to tell me his wish. May pa-suspense at isa pang surprise siyang nalalaman.
Maingat niyang tinanggal ang suot kong sneakers. Kung alam ko sana na sa beach kami pupunta, nag-sandals or slippers na lang ako. Ginaya ko lang naman siya na naka-rubber shoes kanina. Mai-stress ako sa asawa ko.
Sa sandaling tanggalin niya ang aking sapatos, nakatapak agad ako sa buhanginan. It was cold and grainy.
"Alright. We can walk na," aniya at hinawakan na muli ang kamay ko.
"Malayo pa ba tayo, love? Subukan mo lang na lunurin ako sa dagat!" pagbibiro ko.
"Kung malulunod ka man, sa pagmamahal ko lang."
"Bolero!" biro ko.
Randam ko ang pamumula ng aking mga pisngi kasabay ang pagpisil ni KD sa kamay ko. Laking pasasalamat ko na lang din na nakapiring ako nang mga sandaling 'yon. Hindi niya ako maaasar.
Hahakbang pa sana ako nang huminto si KD sa paglalakad. "Ikaw talaga. Anyway, we're here, love."
"Can I—?"
"Don't remove them yet, love. Wait." There was a hint of panic in his voice. Nakatutuwa siyang pakinggan kapag nagpa-panic dahil sa pagbibiro ko. I could feel that he had prepared something special for me.
BINABASA MO ANG
Magic || KDLex
Fanfic#KDLexMagicOnWattpad Born from a prestigious family, Alexandra strives to be the perfect daughter, but the façade is ruined upon the return of her dark past. *** After Alexandra's accident, a big part of her memories disappear. Despite the missing p...