Chapter 22

318 30 11
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

"ATE COLA?!" Parang namalikmata pa ako sa babaeng palapit sa amin.

"Miss, ma'am!" Walang babala siyang tumakbo sa aking direksiyon at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Sobrang higpit na nagbigay agad sa aking ng kompirmasyon na totoo nga na naroroon siya. "Na-miss kita!"

"Ako rin!" Sinuklian ko ang yakap niya. Hindi lang sa kaparehong intensidad dahil mas malakas siya sa akin.

"Ate, hindi ba nasa misyon ka?" biglang usal ni Blush sa nakatatandang kapatid.

Bumitiw sa pagkayayakap si Ate Cola pero hindi nanatili ang kamay sa braso ko. "Yup, pero may SOS na pinadala si boss kaya bumalik ako agad."

"SOS?" tanong ko.

"Oo, ma'am. Alam mo ba nasa Bicol ako? Hindi pa 'ko nagkakape n'on nag-message si boss na kailangan kong bumalik. E 'di go," pabalang niyang ani. "As in hindi pa dumadampi 'yong tasa sa bibig ko n'ong nag-text ang hubby-bels mo!"

Napangiti ako kahit papa'no. Knowing that Ate Cola's here was a relief. Isa siya sa pinakabihasa sa pakikipaglaban at pinagkakatiwalaan ni KD. Kung hindi nga lang sa hilig niyang umalis, baka sila ni Blush ang bodyguard ko.

Talagang bihasa ang pamilya Lashanta sa pakikipaglaban.

"Ate, sabog ka." Blush rolled her eyes at her sister.

"At ikaw naman, little sister . . . " Lumapit si Ate Cola kay Blush. Doon ko mas natitigan kung gaano sila magkamukha.

"O?" Biglang umakbay si Ate Cola kay Blush na sanhi ng pagkasimangot ng nakababantang kapatid.

"An'ong nangyari sa mukha mo? Bakit mukhang nabugbog ka nang husto?"

"In-ambush kami, Ate. Alam mo naman si Sir Damian, pinaglihi sa kurimaw."

"Sus! Baka naman kulang ka na sa praktis?" Naningkit ang mga mata ni Ate Cola sa kapatid. "Maybe you've gotten rusty na?"

Sumimangot si Blush at kinuroy ang tagiliran ni Ate Cola ngunit wala itong naging ekspresyon. "Baliw!"

I felt terrible that I had to cut their conversation short, but I had to intervene.

"Ate Cola, sasamahan mo 'ko, tama ang narinig ko, 'di ba?" pagsingit ko sa pag-uusap nilang dalawa at hinawakan ang braso ni Ate Cola. 

They could reconcile any time they wanted, just not now. I needed to settle the score and take what was rightfully mine against my parents. I needed to make things right, so I had to see them immediately. I was burning with desire to see them after all these times after leaving them.

Hindi lang para sa sarili ko pero para na rin kay Kuya Alessandro. My heart screamed that this was something that I could only do. Wala akong kakayahan na makipaglaban katulad ng grupo nina KD pero malakas ang paniniwala ko na kaya ko silang madaan sa tamang usapan.

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon