Chapter 5

561 52 11
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

"SAAN ka galing? Alam mo ba kung ano'ng oras na?" My father roared as he smacked his palm on the table. Halos mapatalon pa ako sa ginawa niya.

"S-sorry, Dad . . . " Mahigpit ang pagkakalingkis ng mga kamay ko sa aking likod.

"Sorry? Alexa, do you hear yourself? At sino 'yong naghatid sa 'yo? Kaninong sasakyan 'yon?!" galit na singhal ni Mommy sa akin. Nakakrus ang kaniyang mga braso.

Kung may itataas pa ang kaniyang kilay, baka nakaabot na sa kalawakan. At kung literal na makikita ang pag-usok ng kaniyang ilong at tainga, matatalo pa nito ang bulkan na nasa Ring of Fire.

Napalunok ako. In front of my ferocious parents, I was a tiny cub with my tail between my legs.

"H-hindi ko po alam, Mom . . . " pag-amin ko.

Magmula nang umalis kami sa mansiyon n'ong lalaki, hindi ako kinausap ng drayber. It was just pure silence. Halos dalawampung minuto rin hanggang maging pamilyar ang lahat sa akin at makarating kami sa subdivision namin.

Throughout the ride, I was scared for my life. Wala talaga akong ideya kung saan ako dinala at bakit. Hindi ko tuloy alam kung na-kidnap ba talaga ako o hindi. Sinong kidnapper ba naman ang maingat na mag-uuwi sa k-in-idnap niya?

All I knew was that guy with the glasses was 'KD', the boss. Hindi ko lang alam kung anong klaseng boss siya. Mukhang mas bata o kaedad ko siya kaya hindi ko mawari kung paano siya naging boss agad.

Business kaya? Hm . . .

Nag-angat ako ng ulo at nakita ko si Nanay Lisa sa may entrada ng kusina na puno ng pag-aalala ang mukha. Alam kong gusto niyang lumapit sa amin pero hindi maaari. Kahit na matagal na siya sa puder namin, wala siyang pahintulot na makisali sa nagaganap ngayon.

I turned to my parents. Nanlisik lalo ang mga mata ni Mommy at nakikita ko ang pamumula ng mukha ni Daddy. They were not angry. They were mad. Truly.

"Hindi mo alam?! Oh, my God, Alexandra! Hindi ka namin pinalaking ganiyan! Hindi ka namin pinalaking tatanga-tanga! Ang tanda mo na pero sumasama ka pa sa mga hindi mo kilala?" sigaw niya.

"M-Mom, I'm sorry, pero nagsasabi po ako ng totoo! Nahi—"

"Tama na!" pagsingit ni Mommy. "Walang magagawa ang mga paliwanag mo, Alexandra!"

Lalo akong nabahala sa galit nila. I had always been listening to them, pero bakit ibang lebel ang galit nila ngayon? Parang bulkan na sasabog.

At magmula nang magising ako, hindi nila ako sinigawan nang ganito. Oo, napupuna nila ang mga ginagawa ko pero iniintindi ko sila. But this time, why are they prohibiting me from talking? Totoo naman ang sasabihin ko.

"At kanino galing 'yang kuwintas na 'yan?" tanong ni Daddy na mariin ang pagkakatitig sa kuwintas ko.

Sa hindi ko alam na kadahilanan, kusang dumapo ang kamay ko sa kuwintas na sinuot n'ong lalaki sa akin. Just like how a mother would protect its child, that's how I felt. Kung dahil ba iyon sa sinabi n'ong lalaki na huwag kong iwawala ang kuwintas ay hindi ko sigurado. I'm no longer sure of anything.

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon