Chapter 8

518 53 24
                                        

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

"A-ANO? M-mahal mo 'ko?" Hindi ko mapigilan na mautal dahil sa sinabi niya.

"Yeah. I had no intention of hiding it," seryoso niyang saad.

Napatitig ako sa kaniyang mga mata. Kahit na suot na niya ang kaniyang salamin, hindi iyon naging sagabal sa amin. I was just staring at his eyes and listening to my heartbeat.

Magtatanong pa sana ako nang biglang magbukas ang pinto. Walang babala na pumasok si Maggie na siyang kinagulat ko.

"Aleeeexxxaaaaa!" she squealed.

Napatayo ako sa aking kinauupuan at napatitig sa kaniya. Bakit nandito siya?!

"Payless! Na-miss kita agad!" usal ni Maggie sabay yakap nang mahigpit sa 'kin bago muling dumistansiya. "Okay ka na ba?"

"M-Mags! Paano mo nalaman na narito ako?"

"Hindi ba sinabi sa 'yo nitong pangit na 'to?" pagtukoy niya kay KD na magkakrus ang mga braso sa harapan namin.

"Na ano? Ano'ng hindi niya sinabi?"

Lumingon siya kay KD at pinagtaasan ng kilay. "Hindi mo sinabi?" KD remained stoic and that made Maggie rolled her eyes at him. Mas prayoridad pa ni KD ang kumain ng pizza kaysa sagutin ang tanong ng kamag-anak.

Naupo si Maggie sa tabi ko at napaupo na rin ako.

"Magpinsan kami nitong si KD. Kapatid ko si Kuya Don. Hindi ka ba nagtataka kung paano ka nasagip agad nitong si KD sa bahay ninyo?"

Napaawang ang bibig ko. Si Maggie ang nagsabi kay KD sa nangyari sa 'kin!

Biglang tumunog ang smartphone ni KD at napatingin kami ni Maggie sa kaniya. Napabuntonghinga si KD at saka tumayo. "Excuse me. I just need to take this call."

Dumistansiya lang si KD sa amin ngunit hindi siya umalis ng lounge room. Mukhang walang balak na iwan kami ni Maggie na kami lang. Binalik ko ang aking atensiyon kay Maggie.

"B-bakit hindi mo sinabi sa 'kin na pinsan mo pala siya?"

"Alam mo kaya! Hindi mo lang din kami maalala."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "T-teka . . . does that mean . . .?"

Tumango si Maggie sa akin na mukhang nakuha ang kalituhan ko. "Hindi lang si KD ang nakalimutan mo. Maraming taon ang nabura sa 'yo."

"Pero bakit 'di mo sinabi sa 'kin?"

Sumandal siya sa upuan at nagkrus ang mga braso. "It's not my thing to meddle lalo na kasi . . . " Nanulis ang labi niya at tinuro ang direksiyon ni KD. "Kasunduan ng pamilya mo sa pamilya niya."

"A-ano?"

"Like I said, wala ako sa posisyon na ikuwento ang lahat. It's best to come from your beau."

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon