Chapter 10

393 46 7
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

MAAGA akong nagising at wala na sa tabi ng kama si KD. Walang senyales kung nanatili ba siya sa silid o kung ano'ng oras siya umalis.

I looked up the ceiling, suddenly contemplating if I made the right choice of tagging along with him. Hindi ko sigurado.

Malamig pa rin ang paligid ngunit batid ko ang pagsikat ng araw mula sa liwanag na sumisilip sa bintana at balkonahe.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Ang gulo ng buhok ko pero kamay ko lang ang nagamit ko na pangsuklay. Wala naman din kasing gamit sa banyo maliban sa tuwalya.

Lumabas ako ng banyo at hinila ang kumot upang takipan ang aking nilalamig na katawan. Binuksan ko ang pinto at namangha sa ganda ng pagsikat ng araw.

Maulap man, perpekto ang pagkakahalo ng iba't ibang mga kulay sa kalangitan. Mula sa kahel at lila, may bahid ng pula at dilaw. It was just . . . perfect.

Napakasariwa rin ng hangin at payapa ang kapaligiran. Wala akong natatanaw na marka na magsasabi na nasa masamang lugar ako.

Sa halip na magmukhang private property, mapagkakamalan muna na resort ang mansiyon kung saan ako dinala ni KD. Ang daming nakaparada na sasakyan at motor sa labas, but they were parked neatly. Everything was in perfect order.

Naupo ako sa upuan na gawa sa rattan. Medyo malamig pero nagtagumpay akong takipan ang binti at braso ko gamit ang kumot.

Kulang na lang ay mainit na inumin at musika para maisip ko na nasa bakasyon ako.

Kung ganoon nga lang sana ang aking sitwasyon . . .

I wonder kung nananaginip ba ako o totoo ang lahat ng ito. Hinahanap na rin kaya ako ng mga magulang ko? O hinayaan na lang ako dahil si KD ang kasama ko?

Kung tutuusin, umalis ako at sumama sa taong hindi ko lubos na kilala — hindi ko lubos na maalala.

"Love . . . "

Napalingon ako at nakita si KD na nakatayo sa gitna ng silid at nakapamulsa. Sa halip na trousers at puti na long sleeves, track suit siya na itim. Mukhang presko na rin siya kaya naisip kong nagmula na siya sa pag-eehersisyo.

Wala ba 'tong alam na ibang isuot na kulay? I couldn't help but wonder.

But more than that, hindi pa rin ako sanay sa pagtawag niya sa akin. Love? Was that our endearment?

Parang hindi ko lubos maisip na 'love' ang endearment ng isang mafia. As far as I know, the mafia are ruthless people. They're mean and not sweet at all. I'm just trying to picture it and . . . parang ang hirap paniwalaan. But it was true that I shouldn't judge everyone collectively.

Siguro hindi ko naman nga kilala ang lahat at hindi tama na husgahan ko sila batay lang sa kung ano'ng alam ko. After all . . . he was my living proof.

"KD . . . " nahihiya kong bati.

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon