***
"A-NO'NG sabi mo? F-fiancé kita?" nauutal kong tanong.
Dama ko ang pagdampi ng hinlalaki niya sa aking pisngi. Halos haplusin na rin niya ang ibabang labi ko. I felt disgusted. Hindi ko pa man naaalala nang husto si KD, the way he touched me was different.
"It seems like my little brother has indeed been naughty."
"What do you mean?" Napalunok ako. Nararamdaman ko ang umaakyat na takot sa aking dibdib.
Sa halip na bigyan ako ng sagot, ngumisi lamang siya. "You really like playing with knives and fire, KD . . ." Lumingon si Damian sa direksiyon ng pinto at hindi pa rin binibitiwan ang baba ko. "Mukhang hindi mo sinabi sa kaniya ang totoo?"
Ang totoo? Ano'ng ibig niyang sabihin?
My eyes glanced towards the door and saw a furious KD. Nanlilisik ang mga mata niya na parang isang leon — just like the black lion insignia by the door. Nakakuyom ang mga kamao at mukhang nagdidilim na ang paningin.
"Get your filthy hands off her!"
Nagmamadali siyang tumuloy sa loob ng silid at inangat ang kamay, akmang susuntukin si Damian.
Agad binitiwan ni Damian ang baba ko at hinarangan ang kamao ni KD gamit ang kanang palad. Bago pa man makabawi, kinuwelyuhan ni KD si Damian at saka tinulak sa mesa.
Nahulog pa ang ibang mga pinggan sa mesa na kinakainan nila kanina. Napatakip ako ng tainga at nakaramdam ng sakit sa ulo dahil sa ingay na iyon.
KD towered over Damian with burning eyes. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha ni Damian. It was as if he knew this was going to happen.
Doon ko mas napansin kung gaano sila magkamukhang magkapatid. Kapuwa matalim ang titig nila sa isa't isa. Mas matangkad man si Damian, KD's face was softer and more caring.
"You're still such a weakling, little brother," mapang-asar na usal ni Damian.
Kahit na mukhang siya ang matatalo dahil sa puwesto nila ni KD at sa kamao na nakapuwesto na susuntukin ang mukha ng kaharap, walang bahid ng takot sa ekspresiyon ni Damian. Nanginginig ang kamay ni KD at pulang-pula na niya.
"KD . . . " mahinang tawag ko.
Kung may mahika man ang boses ko, awtomatikong napalingon si KD sa direksiyon ko. His face softened. Ang leon kanina ay naging maamong pusa.
Napabuntonghinga si KD at saka binaba ang nanginginig na kamao. Unti-unti niyang binuksan ang kamay habang ang kabila ay nanatili sa kuwelyo ni Damian. Muli ay binalik niya ang tingin sa kapatid.
"Tama ka, Kuya. Mahina ako. I would never be like you . . . and I don't plan to be."
"Bullshit," he mocked. "You are an utter bull—"
BINABASA MO ANG
Magic || KDLex
Fanfiction#KDLexMagicOnWattpad Born from a prestigious family, Alexandra strives to be the perfect daughter, but the façade is ruined upon the return of her dark past. *** After Alexandra's accident, a big part of her memories disappear. Despite the missing p...