Chapter 1

1.4K 102 28
                                        

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

AYON SA census ng Amerika noong Enero ng taong dalawang libo at dalawampu't dalawa, nasa higit pitong bilyon at walong daan na ang populasyon ng mundo. At ayon naman sa United Nations, umaabot na ng lampas sa isang daan milyon ang populasyon ng Pilipinas.

Sa dami ng tao saan mang sulok ng mundo, kaya nga bang pagtagpuin ng oras ang dalawang tao na lubhang magkaiba ang pangarap sa buhay?

Kaya bang pag-untugin ng tadhana ang dalawang tao na kapuwa may sugat mula sa nakaraan? Iyong kahit pinakamahal at pinakamarangya na ang suot na helmet ay magagawang tibagin ng tadhana?

Kaya bang baguhin ng pagmamahal ang mga pusong takot magtiwala?

Kaya bang ibalik ng musika ang mga naglahong sandali?

Sa mundo na may lampas pitong bilyon na tao . . . sa mundo na punong-puno ng iba't ibang klase ng tao — estado, kalagayan, pamilya, hilig, at pangarap — may puwang ba para mabuo ng dalawang wasak na tao ang isa't isa?

"ALEXA, hija, gising ka na ba?"

Nahinto ako sa pagbabasa ng pocketbook nang makarinig ng pagkatok sa pinto. Napabalikwas ako ng bangon at nagmamadali na tinago sa ilalim ng unan ang munting aklat na kuwento ng pag-ibig. Mula pa noon, hilig ko na ang pagbabasa ng mga kuwento — from the classics to modern literature, I was a fan.

Nakatutuwa kasi. When I'm on the zone, it brings me to another world na hindi ko inaasahan. It becomes a uniqie experience for me.

"Alexa?"

Napahawak ako sa dibdib nang muling marinig ang boses ni Nanay Lisa, ang nag-aalaga sa akin mula pa noong musmos pa lamang ako.

"Yes, 'Nay. Gising na." Bumangon ako mula sa pagkadadapa at binuksan ang pinto. "Good morning, 'Nay!"

"Good morning sa 'yo, anak. Halina't kumain ka na ng almusal. Nandoon na ang mama at papa mo sa hapag."

"P-po?"

Nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa orasan sa aking bedside table. Limang minuto na ang nakalilipas magmula nang dapat nakababa na ako mula sa kuwarto. Nagmamadali kong kinuha ang bag sa upuan at maging ang I.D. sa mesa. 

Nakalimutan ko na maagang aalis sina Mommy at Daddy ngayong araw. Masiyado akong nawili sa pagbabasa ng libro matapos mag-ayos ng suot na damit kaya tuluyan kong nakalimutan ang pagsasalo namin. Paniguradong malalagot ako nito!

Sinilip ko ang aking sarili sa salamin at nakahinga nang maluwag nang makompirma na maayos ang suot kong damit. Naka-long sleeves akong puti at skinny jeans. I matched it with white sneakers.

"Ayos ba, 'Nay?" nakangiti kong tanong kay Manang Lisa.

"Aba! Siyempre! Napakaganda ng alaga ko kaya halika na at kumain. Hindi maganda na malipasan ka ng gutom," paalala niya.

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon