Chapter 2

778 80 29
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

HABANG naglalakad ako patungo sa unang klase ko, marami akong nadaraanan na mga estudyante sa pasilyo. Ayon kina Mommy, pangarap ko raw talaga na dito mag-aral sa Ellenbrooke University. Bukod sa maganda ang curriculum nila pagdating sa business at naaayon kapag nagtrabaho na rin ako sa kompanya, gusto ko rin daw makasama ang mga kaibigan ko noong highschool.

It was vague, but I do see myself making that choice in the past.

"Alexa!"

Halos mapatalon ako nang may tumawag sa akin mula sa likod. Paglingon ko, mas lalo akong nagulat nang may umakbay sa akin. At nang makita ko kung sino, si Maggie pala.

"Mags!"

"O, bakit parang nakakita ka ng multo?" natatawa niyang tanong. Nang yumuko siya, bumagsak din ang napakakulot niyang buhok mula sa kaniyang balikat.

Kaklase ko si Maggie sa isang Marketing unit last year at naging kaibigan ko. Nakatulong sa akin ang pagiging masigla at bibo niya sa klase kaya hindi ko masasabi na boring ang unang taon ko nang magbalik ako sa pag-aaral sa E.U.

Bukod sa dating batchmates ko, I met new friends along the way. At sa mga naging bagong kaibigan ko, kay Maggie ako naging pinakamalapit dahil pareho namin hilig ang pagkanta.

Ang pinagkaiba lang, miyembro siya ng glee club ng university at ako ay hindi.

"Nanggugulat ka kasi!"

"Magugulatin ka lang talaga! Inosente ako! Hmp!"

"Inosente raw! Sino'ng may sabi?"

Sabay na nanulis ang mga nguso namin bago napangisi sa isa't isa. Hindin namin pinansin ang tingin ng ibang estudyante sa paligid. May ilang pamilyar na mga mukha dahil dumalo na rin sa klase ko noon

"May klase ka na?" aniya bago ako hatakin patungo sa tabi ng pasilyo upang hindi humara sa daan ng iba.

"Oo, pero maaga ako."

"Sumabay ka sa mga magulang mo?" Tumango ako, but she rolled her eyes at me. "Ikaw na lang yata ang kilala kong college student na bet na bet magpahatid sa magulang," natatawa niyang ani.

"Inggit ka lang!" biro ko.

"Ewan ko sa 'yo, Payless!"

"Pay more nga ako! Ikaw ang Maggie na, Payless pa!" dagdag ko.

I know she will admit defeat really soon. Medyo pikon din 'tong si Maggie kahit ang hilig-hilig maging promotor ng asaran.

Maggie rolled her eyes at me again. "Ewan ko sa 'yo, Alexandra! Nga pala, baka makalimutan ko!" Bigla niyang binaba ang bag at binuksan. As usual, wala siyang paki kung nasa tabi kami ng daan.

"O? Ano'ng meron?"

"'Yong gusto mong hiramin! Nakuha ko na!" Kinuha niya ang isang makapal na aklat mula sa bag at inabot sa akin. Kinuha ko iyon at sinuri. Aklat iyon ng mga music sheet ng mga bagong kanta. It was the latest edition na wala pang isang buwan nang ilabas sa publiko.

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon