***
MAGKAKRUS ang mga braso ko habang nakatitig kay KD na panay ang sparring kasama si Zeus. Sa pagitan ng pakipagsusuntukan, mukhang may pinag-uusapan pa silang dalawa. Nagtatago ako sa likod ng mga puno upang hindi nila mapansin ang presensiya ko.
Medyo nag-aalala ako sa kaniya dahil kahapon pa lang siya nakabangon nang maayos pero heto at nag-sparring agad. Parang nitong nagdaan na linggo ay wala siyang malay at ngayon ay binibigla na niya ang sarili sa pag-eensayo.
KD was throwing punches and kicks, and Zeus had no choices but to block every attack. Kapuwa naliligo na sa sarili nilang mga pawis ngunit hindi napapansin ang paligid.
Napabuntonghinga ako at binaba ang aking mga kamay. Dapat ihinto muna 'to ni KD. Hindi pa siya magaling na magaling para puwetsahin ang katawan niya. Sa halip na maghilom ang mga sugat niya sa katawan, baka lalong lumala pa.
I witnessed Zeus planting punches on KD's arm after the later blocked the attack. Mas lalo akong naiinis. Paano kung sa halip na maghilom, lalo lang lumala ang mga pasa at sugat niya?
"Boss, sinusundo ka na ni misis." Narinig ko mula kay Zeus. Sabay pa silang lumingon sa aking direksiyon.
"Love," pagtawag ni KD.
Nakasimangot ako nang makalapit sa kaniya.
"Ano'ng problema?" Akmang yayakapin niya ako pero umatras ako. "Love?"
"Basang-basa ka ng pawis." I was monotonous.
"Oh, shit! Wait lang." Tumakbo siya upang kuhanin ang tuwalya sa bench at agad na nagpunas. Sumunod naman kami ni Zeus dahil naroroon din ang gamit niya.
"Kailangan ba talaga na mag-ensayo kayo ngayon?" pabulong na tanong ko kay Zeus. Kung hindi ko mapagsasabihan si KD na magpagaling muna, idadaan ko kay Zeus. Baka sakali ay makinig siya.
"Worried ka, ma'am?"
Sinungitan ko siya ng titig. Seryoso ba 'to? Baka kaya naiinis si Blush sa kaniya. Kanang kamay man siya
"Sa palagay mo?"
"Hindi halata, ma'am." Nagkibit-balikat pa siya at saka nagmamadaling nagtungo sa bench upang kuhanin ang sariling mga gamit.
Lalong nanulis ang nguso ko at nagsalubong ang kilay. Siraulo 'tong si Zeus! I wanted to strangle him! Palibhasa wala pang asawa o kasintahan kaya hindi naiintindihan ang pag-aalala na nangyayari. Palibhasa, sarili lang niya ang importante. Nakakainis siya.
"—Love! Wife! Lex!"
Halos mapatalon ako nang mapagtanto na nasa harapan ko na si KD. Tapos na rin siyang magpunas. Halos pinantay niya ang tingin sa akin upang matitigan ako nang maayos.
In his eyes, there was only me. And even if he used a mountain of endearments, they were all meant for me.
"H-ha?"
BINABASA MO ANG
Magic || KDLex
Fanfic#KDLexMagicOnWattpad Born from a prestigious family, Alexandra strives to be the perfect daughter, but the façade is ruined upon the return of her dark past. *** After Alexandra's accident, a big part of her memories disappear. Despite the missing p...