Chapter 3

567 57 13
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

"MAMAYA na lang po ako magmemeryenda, 'Nay!" usal ko kay Nanay Lisa at nagmamadaling nagtungo sa aking silid-tulugan.

Hindi ko na narinig pa ang sinabi niya dahil mas naririnig ko pa ang pintig ng puso ko at paghahabol ko sa paghinga. Binuksan ko ang ilaw ng aking silid.

Agad kong ni-lock ang pinto at nilapag ang bag ko sa kama. Binuksan ko ang zipper at kinuha ang music book na pinahiram ni Maggie. Ibabalik ko na 'to sa kaniya bukas kapag nasilip ko na ang ilang kanta. Ayokong maiwan na naman 'to kung saan. At bukod doon, sa harap ng music book ko pansamantalang dinikit ang post-it-note.

Maingat ko rin na kinuha ang rosas mula sa aking bag. Nakahinga naman ako nang maluwag na hindi naputol ang rosas o nanlagas ang petals nito sa bag ko. Nakatulong naman na nilagyan ko ng plastik ang bulaklak bago ko tinago sa bag.

Nababagabag pa rin ako dahil sa rosas na iyon. Hindi ko pa rin naiintindihan kung ako nga ba ang tinutukoy sa note. Ang hirap naman mag-assume.

Pero dahil sa mga tingin at tanong na natanggap ko sa mga estudyante, kinuha ko na lang lahat ng nasa mesa.

Maingat kong tinanggal ang post-it-note at tinitigan ang pagkakasulat niyon. Iba talaga ang pakiramdam ko roon. I felt estranged.

Kahit mukhang hindi para sa akin, may kakaibang nararamdaman ako habang nakatitig sa sulat. Parang dinidikta na dapat alam ko . . . na para sa akin nga ito. May bumubulong sa isip ko na hindi ko gustong malaman pero kailangan kong makilala.

Sweetheart.

Napalunok ako at nilandas ang aking hintuturo sa salita.

Sweetheart.

Pinatong ko ang kanang kamay ko sa dibdib. Dumadagundong talaga puso ko. May kumakatok na kung ano na hindi komportable na pakiramdam. Mukhang hindi lang paruparo ang nagsidapuan sa aking sikmura pero kung ano-anong mga insekto — maliit at malaki.

Baka naman kasi nag-a-assume lang talaga ako.

Napabuntonghinga ako at nilapag na lang sa mesa ang note at rosas. Tinanggal ko rin ang mga nakasipit na mga papel sa music book at parang mga paro-paro silang bumaba sa mesa ko.

Ngunit napagtanto ko na baka may tsansa pang mabuhay nang matagal ang rosas. Kahit isang tangkay lang 'to, baka posible pa. Kinuha ko ang glass vase ko na may nakalagay na pekeng bulaklak.

Nagtungo ako sa banyo at nilagyan iyon ng tubig bago bumalik sa study table ko. Maingat kong nilagay ang rosas at napahalumbaba habang nakatitig doon .

Ang sweet siguro n'ong nag-iwan nito. Talagang nag-e-effort. Baka naisip na kung kanino lang 'tong music book kaya basta r'on dinikit. Kung may pag-aaway man sila, sana magbati na sila.

Huwag na lang din sana magagalit 'yong may-ari nitong bulaklak na inuwi ko. Basta niya naman iniwan sa ibabaw ng gamit ko.

Paano ko ba naman kasi ibabalik sa tamang tao kung wala naman akong ideya kung sino ang nag-iwan at kung para kanino ba talaga ang mensahe? At isa pa, mas mabuti na huwag ko na lang pakaisipin ang posibilidad na ako ang tinutukoy ng note.

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon