Chapter 25

377 27 10
                                        

Sorry sa delay! Longest chapter na itey! Hello sa inyo! Kaway-kaway!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sorry sa delay! Longest chapter na itey! Hello sa inyo! Kaway-kaway!

***

NAGISING ako nang maramdaman ang ilang paghaplos sa aking likod at braso. Pagmulat ko, nakayakap pa rin si KD sa akin at maayos ang pagkababalot ng kumoy sa amin.

"Hm . . . " Sumiksik pa ako sa kaniya at lalo rin humigpit ang yakap niya sa aking baywang.

"Good morning, love," bulong niya.

"Morning . . . " inaantok kong usal at pumikit muli. Gusto kong matulog pa lalo.

Binalot ng katahimikan ang paligid at alam kong hinahayaan niya ako na makatulog pa. I felt light feathery kisses getting damped on my forehead.

Bilang man ang mga naaalala ko kasama siya, alam kong safe ako kasama siya. Magmula nang magising siya, magkatabi na kaming natutulog sa kuwarto—madalas sa kuwarto niya, minsan sa kuwarto ko. Nakadepende sa mood at kung kailan at saan dadatnan ng antok. Hindi pa rin kasi namin napag-uusapan nang maayos. Basta gusto namin na magkasama kami.

We weren't just making up for the lost time. We were making more memories together—memories that I vowed never to forget, no matter how simple or extravagant they would be.

"Baby, do you want to get up na? I'll have breakfast prepared for us." 

Umiling ako. Ang sarap pa ng tulog ko at ang ganda ng puwesto namin. I'm so cozy in our position. It's not everyday that I get to sleep this peacefully.

"Five minutes."

I wasn't sure if KD chuckled, but I think he did. "I want to give you the next five minutes, but you said that an hour ago," bulong niya. Halos dumampi ang labi niya sa noo ko habang nagsasalita siya.

Naalimpungatan ako sa sinabi ni KD. I started rubbing my eyes in the hopes that it would wake my senses up. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at patuloy pa rin siya sa paghaplos sa akin.

"Really?"

This time, he nodded. "Yes, love. We're meeting your parents later. Do you want to postpone it?"

Umiling ako at saka pinatong ang kanang kamay ko sa dibdib niya nang umayos ako nang pagkahihiga sa braso niya. Sumunod ang kaliwang kamay niya at pinatong sa ibabaw ng kamay ko. I could feel the thumping of his heart and how his chest calmly bobs up and down with his breaths.

"No, love, I want to talk to them na. I've held it for too long already. It's due time na makausap ko na sila para mabisita ko na rin si Kuya."

"Okay, love. We'll go with the original plan."

"Thanks, love." Muli kong siniksik ang sarili ko sa kaniya. Inayos din niya ang kumot sa aming dalawa. "I'm scared though."

"About what?"

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon